Dim yellow ang lightings paligid, sa stage niyon ay ang bandang kumakanta ng jazz song. Ang ilan sa customers ay Filipino, ang ilan ay mga foreinger. Pero ang umagaw sa atensyon ni Charlyn ay ang pole sa gitna. ‘di naman siguro iikot doon ang singers, ano? “Bro, bakit beer house ang pinuntahan natin?” “Relax, it’s men’s wellness club.” Akbay sa kanya ni Lester. Hindi naman makagalaw si Charlyn. Ever since she discovered she has some feelings towards him ay nakakaramdam na siya ng malisya tuwing didikit ito. Pero ang totoo rin ay gusto niya itong sabunutan sa ngayon. “Tol, ‘di ba magiging kumportable dito si Charl?” Sabi naman ni Luigi sa salubong na kilay. “The place is cozy, won’t you see?” Sagot ng binata. “I’m sure mag-e-enjoy si Charl.” “Alam mo namang girlfriend niya ang kapatid

