NATUTOP ni Charlyn ang bibig at agad na lumuhod sa kinabagsakan ng binata. “Lester, okay ka lang?” “Ah…” daing ni Lester. Mukhang napasama ng bagsak nito dahil nakapikit at ngiwing umuungol! “Uy! Okay ka lang? Tatawag na ba ako ng ambulansya?” Biglang hindi na lang ito naimik dahilan kung bakit siya nag-panic at mabilis itong niyugyog! “Uy! Ano ba?” “Ate Lyn! Buhay pa ba?” tanong ng isang bata. “Peter! Syempre buhay pa siya!” sikmat niya dito. “M-masakit…” mahinang sabi ni Lester, Hinawakan ni Charlyn sa magkabilang braso ang binata. “Saan masakit?” Ginagap ni Lester ang isa niyang kamay at dinala nito sa kaliwang dibdib. “Dito… ‘di mo kasi ako sinalo…” “H-ha?” napamaang siya. Maya-maya ay iminulat ni Lester ang isang mata, saka biglang ngumisi! “Uy!!!” at bigla muling umalingawn

