Synopsis

1137 Words
Sikel Villavicencio Hindi ko lubos akalain na darating ako sa punto ng aking buhay na kakailanganing palaging magtago dahil sa mga nangyayari. Isa lang naman ang aking kagustuhan: ang mabigyan ng panibagong oportunidad ang aming buhay na umasenso, malayo sa kinagisnan kong alat ng dagat, ang mga kalyong kamay na dulot ng pagtulong sa paghila ng mga lambat para lamang sa libreng isda na maihahain sa mesa, ang magkaroon ng oras ang bawat isa sa aming pamilya upang maipakita pa nang higit ang pagmamahal sa bawat isa. Kung kaya aking pinagsumikapan, kasama ang aking kaibigan na walang labis ang suporta—Darius. Lumipat sila sa aming probinsya, kapansin-pansin ang hitsura nito na sadyang nakaaakit sa mga kababaihan. Ni minsan ay hindi ko inisip na mapapalapit ang loob namin sa isa't isa. Pilit na itinatatak sa isipan na hindi pa huli ang lahat upang maibaliktad ang kapalaran, na kahit ang kalaban ay ang mga tala ay patuloy na titindig at taas noong haharapin ang mga hampas ng alon, kung kaya nang mabigyang pagkakataon na maipakita ang abilidad sa mundo, kaagad kong kinuha ang oportunidad na iyon. Ngunit ang oras ng pagkapanalo, ang mga palakpak na dapat siyang nakatuon sa akin ay hindi nangyari sapagkat may umusbong na mga tinik, tumayo sa entablado ang isang lalaki, kinuha ang atensyon na dapat nakakabit sa akin. Sariwa pa sa aking mga alaala ang lahat. Hindi mawari ang magiging reaksyon ng mga oras na iyon, natatakot sa mga mangyayaring panghuhusga kung kaya nakisabay sa agos, pilit na nakisama dahil iyon lamang ang nakikitang pagkakataon para maiangat ang mga paa sa lalim ng dagat. Nabigyan ng prebilehiyo, ng pera, ng bahay, at ng iba pang mga bagay na halos isuka ng aking sikmura at ikababa ng aking pagkatao. Ngunit lingid sa aking kaalaman na kaya lamang iyon nakamtan ay dahil na rin sa pakiusap ng aking ina sa senador, nakatanggap siya ng pagbabanta sa aming buhay pagkatapos ng nangyari kung kaya gayo'n na lamang ang pagmamakaawa nito. Nakilala ko ang aking mga kapatid, malinaw pa sa aking memorya ang mainit na pagbati ng isang batang lalaki—Marshall Villavicencio. Napakagiliw niya. Walang oras na hindi ito lumayo sa aking tabi, marahil dahil wala ng mga oras na iyon ang kaniyang ina at ang aking biyolohikal na ama. Masyadong abala ang mga ito sa kanilang kampanya, isang bagay na aking nagustuhan ko dati kahit na walang panahon na magbigay ng saloobin sa lalaki, ni hindi ako nagkaroon ng pagkakataon upang ihayag nang lubusan ang aking nararamdaman upang protektahan ang pangalan nito sa madla. Ngunit dumating din ang punto na napuno ang sarili, tuluyan nang sumuway sa mga nangyayari. Nalaman din na ang lahat ng mga kaganapan ay hindi kagaya ng aking iniisip, hindi ako tunay na tanggap sa kanilang pamilya. Kahit na nais masilayan ang aking bagong silang na kapatid na babae, hindi na nagawa. Maging ang pagdating ni Darius sa aking buhay ay parte ng kanilang plano. Kaagad akong nagpasyang umalis, pilit na sinasabi sa aking ina na kailangan naming umalis ngunit pinili niyang manatili. Batid niya ang katotohanan at nakipagkasundo sa lalaking iyon kapalit ng aming seguridad. Hindi ko alam ang aking gagawin. Nais kong makalayo ngunit hindi pupwedeng mag-isa lamang ako, kung kaya nanatiling sinisikmura ang prebilehiyong aming tinatamasa. Ngunit hindi ako umasa roon, nagsumikap ako at nagkaroon ng iba't ibang klaseng trabaho. Pilit na hindi lumabas ng bahay upang makalayo sa init ng mga mata ng media, bukod pa roon ay pinutol ang komunikasyon sa mga taong mapagpanggap. At sa mga oras na iyon na hindi ko mabatid ang direksyon ng aking buhay ay ang siyang pagdating ni Cruz. Ang kaniyang kwelang pagkatao, ang kaniyang paglaban sa mga taong minamaliit siya ay ang nakuha kong inspirasyon upang mas lalong magpatuloy. Binuksan niyang muli ang aking puso, unti-unti kong ibinibigay ang tiwala sa iba na pilit ding sinisira ng mga ito. Nakilala ko si Tado, isang tanod sa aming barangay na siyang malapit nang husto sa kapitan. Naalala ko pa kung papaanong gumawa ako ng kuwento tungkol sa aking sarili upang matigil lamang ang kaniyang kuryusidad. Bukod pa roon ay nakilala ko rin si Jordan, ang binatang punong-puno ng positibo sa katawan.Tinulungan ako nito, hinabol upang upang iabot ang pulang panyo na akala ay aking pagmamay-ari, bukod pa roon ay inihatid sa bahay. Tinutulungan din ako ng binata sa mga sira sa bahay, bukod sa taglay nitong magandang pagkatao ay napaka-madiskarte pa nito. Maayos ang lahat. Naaayon sa aking kagustuhan. Masaya ako na nagagawa ang mga bagay na kailangan at nais gawin nang walang tulong ng ibang tao, ngunit parang isang magandang panaginip na nagising din sa isang iglap. Nabalitaan na lamang na nasagasaan si Jordan, makailang beses na pumunta sa ospital, at paaralan upang malaman kung nasaan ang binata, pumaroon din sa kanilang barangay at nakilala nang husto ang binata, hindi siya gano'n kalinis salungat sa aking iniisip. Nakilala ko ang kapatid nito na inabutan ako ng kuwaderno. Sa huli, natagpuan ang sarili na nakatingin sa CCTV. Naroroon ang lalaki, nakitang sadyang binangga, binitbit ng ilang kalalakihan na kakaibang humarap sa camera at may itinaas na kapirasong papel bago dinala sa ambulansya. Doon ay aking napagtantong hindi lamang normal na aksidente ang nangyari. Ang bagay na iyon ay siyang akin ding natagpuan sa harap ng pinto. Nakapagdesisyon na lumuwas upang pumunta sa Maynila, hinarap ang matagal nang pinagtataguan. Muling nasilayan ang aking kapatid na sabik ding makita ako, nakilala rin ang isa pang babae, at ang ina nito. Ngunit ang dahilan sa likod pagpunta roon ay hindi nangyari, nakitang muli si Darius, maging si Senator Agustin. Nang iusal na naroroon ako dahil sa nangyari sa binata, kaagad na napagtanto ng tunay na ama na hindi biro ang nangyayari lalo na nang malamang nakatanggap ako ng brahang iyon. Bumyahe kami papunta rito sa Sierra Madre kung saan nakita ko ang iba pang mga tao na hindi ko nakuhang malaman ang pangalan, nakilala ko rin ang dalawang malaking lalaki at napag-alamang kambal sila. Tumungo kami sa tagong lugar upang magtago, upang makasigurado na malayo sa kapahamakan at ang kapalit ng aking hindi pagtangkang pag-alis ay ang paninigurado ni Darius na makikita ang aking ina, na siyang ayon sa binata ay nawala at may posibilidad na magkakilala ang aking ina at ang binata ayon na rin sa natagpuang numero nito sa telepono ng binata. Kapalit ng aking pagiging kalmado ay ang paninigurado ni Darius na muling makikita ang aking magulang dahil nakipag-ugnayan na sila sa mga sangay ng pamahalaan, at sa tulong ng social media ay inaasahang mapadadali ang lahat. Ngunit nagkamali sila. Nagkamali kami. Hindi dapat ako umasa sa mga pangako, hindi dapat ako naging kampante. Dahil noong bumaba kami sa ilalim ng lupa upang magtago... ...ay ang siyang paglibing din namin ng aming sarili. Author's Note: Watch out for Volume 2!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD