Sikel Villavicencio
Tuluyan nakapasok sa maliit na kubo n kagaya ng normal na bahay ay mayroon ding mga gamit. Tipikal nan kagamitan na makikita, at hindi na kinakailangan pang magpakahirap sa paglalaakd upang maraming ang kabilang bahagi ng bahay sapagkat sa liit ng lugar ito, pumapasok sa aking isipan na maaamoy namin ang hininga ng bawat isa. Nakakita ako ng kahoy na upuan, bumagsak ang aking balikat bango tumungo roon at naupo, hinayaan ko ang aking sarili na balutin ng pagod, walang pagpipigil na buong pusong tinanggap ang nararamdaman.
Ngunit panandalian lamang iyon dahil tinawag ako ni Darius, tinanong ng lalaki kung ano ang aking ginagawa kahit na batid naman nito kung ano; hindi ako sumagot at hinaayang nakasandal ang aking ulo sa dingding. Hindi ba p'wedeng paggbigyan naman niya na magkaroon ng pansamantalang katahimikan sa paligid? Gusto kong makakuha ng enerhiya at hindi ko magagagawa iyon kung patuloy niyang pinuputol ang aking pamamahinga, hindi sapat ang tulog ko kahapon at marahil dahil sa lamig ng bundok kung kaya gayo'n na lamang ang p*******t ng aking katawan at ulo, at siyempre, hindi ko naman maitatanggi na dahil lamang sa lamig kung bakit iyon nangyayari.
Halos atakihin ako sa puso nang may humablot sa aking kamay, pinandilatan ko ng mga mata si Darius na walang bahid ng pagsisisi sa mukha. Dumiretso kami sa kusina, sa bahaging iyon ay matatagpuan ang isang maliit na mesa na may upuang dalawa, pinanood naming dalawa ang pagtanggal ng lalaki na iyon doon sa mga kagamitan. Nang matanggal iyon ay natira ang isang malaki at mabigat na tela, kasing kulay iyon ng sahig kung kaya hindi mapapansin kaagad. Tumingin sa akin si Darius at inutusan akong tulungan ang aming kasama na siyang dali-dali ko namang sinunod ngunit aking sinisurado na may agwat sa pagitan namin ng lalaking iyon.
Hindi ko pa rin maunawaan ang tumatakbo sa isipan ni Darius. Bakit niya napiling pagkatiwalaan ng aming buhay ang dalawang magkapatid—hindi, kambal na ito? Nawaglit ba sa kaniyang isipan kung papaano walang pagdadalawang isip na binuhatan ako ng kamay ng malaking lalaking iyon? Sariwa pa sa aking memorya ang mga nangyari, at kahit anong pilit, hindi natatanggal ang imaheng iyon sa aking isipan lalo pa dahil kaharap mismo namin ang kamukha nito at nahihinga ang hangin na amin ding nilalanghap.
Ngumiti sa akin ang lalaki. Kaya pala may kakaiba sa ginagawa nito noong una kaning magkita, hindi gano'n kataas ang tindig ng lalaki, payuko rin ito kung maglakad minsan at kung bibigyan mo ng tingin ay kaagad kang ngingitian. Napakasama ko namang tao dahil hindi ramdam na kailangan ko siyang ngitian pabalik, batid ko na nagtataka ito kung bakit ngunit wala akong ganang i-kwento sa kaniya ito dahil bukod sa hindi ako marunong ng sign language, ramdam ko rin ang p*******t ng aking buong katawan maging ang panginginig ng aking sikmura at paghapdi ng aking labi dahil sa uhaw.
Napangiwi ako nang mapagtanto na mabigat pa sa inaakala ko ang telang iyon nang magawa naming mabuhat, ngunit hindi na bale dahil natapos na rin ang suliranin. Pumaroon ako kay Darius nang matapos ang gawain, pinagmasdan ko ang parisukat na linyang nakaukit sa sahig na tinatakpan ng telang iyon. Sunod na kumuha ng susi ang lalaki, maya-maya ay nakita ko ang paunti-unti nitong pag-angat sa bagay na iyon dahilan para magkaroon ng butas. Sa pagkakataong iyon ay aking napagtanto na hindi inukit ang linyang aking nakita kundi resulta ng malapinto papunta sa ibaba.
Ito ba ang bunker na sinasabi ng binata? Sa lugar ba na iyon kami mananatili? Kung gayo'n, ang bahay na ito ay nagsisilbing font lang para sa mga makakakita. Ngunit sa lagay sa labas, sa hirap ng daan kung papaano makikita ang lugar na ito, sa mahigpit na security measures, hindi ko mapigilang magduda kung hindi mag-iisip ng kahina-hinala ang mga tao. Kung normal na mamamayan ka lamang at makakakita ng ganito, tiyak na hindi malabong isipin na may tinatago rito. Naisip din kaya ito ni Darius? At ng lalaking kasama niya?
"Mauna ka na, Sierra." Kaagad akong umiling sa mga salitang iyon. Hindi ko nais mauna sa lugar na hindi ko manlang alam kung ano ang aking matatagpuan. Nakapagtataka nga na nauna akong pumasok noong nandoon kami sa labas ng punong iyon. Marahil dahil inasahan ko na ligtas ang ligar na ito, ngunit nang mapagtantong narito ang isa pang lalaki ay gayo'n na lamang ang pagtakas ng kulay sa katawan. Napailing na lamang si Darius at naunang pumasok roon, rinig ko ang ingaay na dulot ng kaniyang mga hakbang; Hindi ako nagkakamali kung iisipin na dulot iyon ng pagkiskis sa bakal.
Nagkatinginan kami ng lalaking natira. Kung may isang bagay man akong iniisip, iyon ay ang hindi ko gustong maunang pumasok sa bunker at hindi ko rin gustong mahuli siya. Ayaw mawala sa aking isipan ang posibilidad na pagsarhan kami nito at pag-alis sa lugar, maaaring ipagkanulo kami ng lalaki kung kaya mas mainam na sumunod siya kay Darius. Isinenyas ko iyon, tinuro ko siya at ang butas upang maintindihan niya na dapat siyang mauna ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pag-'di gusto, may sinasabi ito na hindi ko maintindihan ngunit maya-maya ay biglang sumulpot ang ulo ni Darius doon sa butas at may isinenyas sa lalaki na walang nagawa kundi sumunod na lamang.
Mabuti. Tuluyan na kaming nakapasok tatlo, ngunit hindi pa rin namin nararating ang pinakadulo. Kamuntikan na rin akong malaglag dahil sa namumuong pawis sa aking kamay dulot ng bakal, ngunit patuloy pa ring humakbang. Walang katapusang mga bakal. Tumingala ako sa itaas at halos hindi ko na masilayan ang liwanag na galing sa labas.
Tumaas ang aking balikat nang maramdaman may humawak sa aking baywang, napagtanto ko na ang binata iyon. Walang liwanag sa paligid ngunit mukhang saulado niya ang lugar na ito. Para kaming nasa isang tunnel, kahit hindi ko nakikita ang loob, ramdam ko na maliit lamang ito dahil na rin sa pagsikip ng aking dibdib dahil sa kakulangan nang hangin. Tuluyan kaming huminto, maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng bakal at kasunod niyon ay ang liwanag.