Counterpart

1243 Words
Sikel Villavicencio Himinto ako sa pagnguya nang tanggalin ni Darius ang mga bato sa ibabang bahagi ng punong, kasunod niyon ay ang pag-alis niya ng mga sanga. Makailang luminga siya kung kaya napagaya na rin ako sa kaniyang ginagawa; habang abala ang lalaki sa pagtanggal ng mga nakatakip doon ay siyang paninigurado ko naman na walang ibang tao sa paligid bukod sa amin. Nang iwan ang mga bato at tumutok ang atensyon sa mga sanga ay gayo'n na lamang ang pagkaligalig ng aking puso, dahil sa hindi ko na nais na matagalan sa paghihintay para lamang masilayan ang nasa loob ay kaagad akong nagkusa na tulungan siya. Makakapal ang mga sangang iyon na yari rin sa mismong puno na pinagkuhanan namin, sa palagay ko ay pinutol ito sa ibang bahagi upang hindi masyadong halata. Masyado nga namang kaduda-duda kung mayroon kang makikitang naiiba sa kumpol na mga bagay, ngunit mas mainam kung magtatanim sila ng puno na kapareho talaga nito. Hindi kasi magtatagal ang punong walang ugat, tiyak na matutuyo ito at mas lalong makatatawag ng pansin. Unti-unti akong nakasilay ng liwanag mula sa loob. Nilingon ko si Darius na tinanguan na lamang ako at mas lalong binilisan pa ang aming kilos. Nang muli kong kukunin ang isa pang sanga ay kaagad akong pinigilan ng aking katabi dahil ayon sa kaniya, sapat na raw iyon para magkasya kaming dalawa. Pinagmasdan ko ang daan, hindi ito pantay ng aming katawan dahil kinakailangan pa naming yumuko. Bukod pa roon ay kailagan isa-isa lang ang pasok, ngunit may punto ang lalaki lalo na nang idagdag niya mas mahihirapan kami kung tatanggalin namin nang husto. Walang duda ang bagay na iyon dahil kung sa pagtanggal pa nga lang ng mga ito ay halos abutin kami ng ilang minuto, nangalay na nang husto ang mga braso ngunit hindi pa nabubuksan ang lahat, papaano pa kaya kung ibabalik pa namin ito? Kung kaya walang anumang pagsuway, sumang-ayon ako sa kaniya. Pinauna ako ng binata. Kinailangan ko pang yumuko para lamang hindi sumabit ang aking ulo sa mga sanga na nasa itaas, inisip kong gumapang ngunit iwinaksi ko rin iyon sa isipan dahil sa mga batong nasa paligid na baka makasugat. Lumingon ako sa likuran at nakita ko siya na sinisenyasan akong magpatuloy, sinisigurado na wala akong dapat ipag-alala dahil ligtas kami, ngunit batid ko na hindi. Hindi ligtas sa kahit anumang lugar lalo na kung makapoangyarihan din ang kalaban. Nang dumating na kami sa pinakahuling bahagi, tuluyan kong nasilayan ang liwanag. Hindi pa man nasanay ang aking mga mata ay naramdaman kong may humawak sa aking braso, hanggang sa unti-unti itong bumaba sa aking kamay. Napagtanto ko na nakatingin ako sa mga ulap. Huminto ang aking oras nang makita ang malaparaisong tanawin, naririnig ko ang hampas ng alon, ang huli ng mga ibon na sabay-sabay kung lumipad. Halos abot-kamay ko ang mga ulap sa bahaging ito, gusto kong tumalon mula roon, parang batang inaasahang isang matamis na candy iyon. Bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ng aking katabi, sinabi nito na kinakailangang naming takpang muli ang paligid ngunit siguradong mahihirapan kami dahil mangangailangan ito ng mabusising paraan at matagal na oras dahil mula sa likuran ay gagawin namin iyon. Hindi nga nagbibiro ang lalaki. Tuluyan akong bumagsak sa kaniyang mga braso nang matapos kami, nakasabit ang aking kamay sa kaniyang balikat habang naglalakad na parang mga wala sa sarilim Sa wakas, may pagkakataon na kami para magpahinga. Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit nanatiling humahakbang, maya-maya huminto kung kaya iminulat ang mga mata, nakarating pala kami sa isang lugar na parang pastulan ng mga hayop. May mga nakatali sa paligid, sa unang tingin ko pa palang ay batid ko nang delikado iyon at hindi nga ako nagkamali. Ayon sa lalaki, mayroon daw iyong kuryente na sapat para kumitil ng buhay ng tao kung kaya hindi raw dapat ako basta-bastang lumalapit doon, ngunit may mga pagkakataon na pinapatay ito para hindi masyadong makonsumo at umaasa na lamang sa motion detector na nagkalat sa paligid. Magbibigay daw ito ng babala sa taong nasa ibaba, at sigurado raw si Darius na alam na ng nagbabantay doon na may tao rito sa itaas. Sa pinakagitnang bahagi ng mistulang pastulan ay may maliit na bahay-kubo, simple lamang ito at hindi gano'n kalaki kung kaya nagdududa kung sa papaanong paraan ay mapoprotektahan kami niyon. Hindi sapat ang kuryenteng bumabalot sa paligid para sagipin ang aming buhay. Tumingin ako sa aking katabi, nagbabalak na sanang magsalita nang makarinig ng pagkasa ng baril na kaagad umagaw sa aking atensyon. Kaagad akong naging tensyonado. Batid ko na nasa kubo lamang na iyon ang may gawa ngunit kahit anong silip ko ay hindi ko makita o makilala ang pagkakakilanlan nito. Pinagmasdan ko lamang si Darius na hindi manlang gumawa ng anumang kabadong emosyon, bagkus ay inalis nito ang pagkakaalalay sa akin at iginalaw ang mga kamay sa kung ano-anong paraan. Napanganga ako nang mapagtanto kung ano ang kaniyang ginagawa. Hindi ko alam na marunong pala ito ng sign language, ibinalik ko ang tingin sa harapan at nakita ang paglabas doon ng isang lalaki. Kaagad akong napaatras, malinaw pa rin sa aking alaala kung papaano niya pinagbantaan ang aking buhay, ang walang pagdadalawang isip na pagputok sa akin ng baril, at ang pagsikmura upang patahimikin ako. Tuluyang nakarating sa aking harapan ang pamilyar na lalaki, nilingon ako nito at ngumiti na para bang walang nangyari. May kakaiba sa kaniyang paglalakad, hindi siya gano'n katapang ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang iyon. Siya pa rin ang kamuntikan nang kumitil sa aking buhay at walang magbabago roon. Anong ginagawa niya rito? Ang akala ko ba ay walang pinagkakatiwalaan si Darius sa lugar na ito? Sumenyas ang lalaking nasa harapan, maging si Darius. Nag-uusap ang mga ito at hindi ko manlang alam, ni wala akong ideya kung ano. Hindi ba pupwedeng normal na mag-usap sila? Iyong may boses? Para kang nasa ibang mundo kapag hindi ka nakasasabay sa mga taong nasa paligid mo. Nang hawakan ko ang braso ni Darius at tingnan siya sa mga mata ay napagtanto niya kung ano ang ibig kong sabihin, humarap ito sa akin at sumenyas ngunit may boses. "Hindi siya makapagsasalita dahil bingi siya." Kaagad na sumalubong ang aking kilay at pinagmasdan ang aking nasa harapan, kumaway ito sa akin na parang bata. Napagtanto ng lalaki ang ibig kong sabihin, ipinaliwanag nito na ang kaharap namin ay kakambal ng nasa labas ngunit wala akong dapat ikabahala roon dahil tapat daw ang binata. Dagdag pa nito, ang nasa labas na lalaki ay mananatiling naroroon dahil tungkulin nitong bantayan ang daan. Kailangan daw na may mga tenga at mata sa labas para makasigurado na walang problema. "Pero wala kang tiwala sa kanila, 'di ba?" Medyo naiinis na tono ang aking pinakawalan. Muling sumenyas ang nasa harapan, nakita nito ang aking reaksyon at nagtatanong kung may problema ba ngunit sinigurado ni Darius na wala. Muli akong hinarap ng lalaki. "Pumasok muna tayo, saka na natin pag-usapan kapag nakapagpahinga na." Hindi na rin ako tumanggi sa kaniyang sinabi dahil kailangan ko rin naman iyon, ngunit sigurado ko na walang anumang mga tanong ang makakapagpawala niyon sa aking isipan. Pinagbuksan kami ng lalaki ng gate na yari lamang sa kahoy, may hawak din itong gloves na sa tingin ko ay pumuprotekta sa kaniya sa kanilang mahawakan ang mga alambre. Nagpatuloy kami sa paglalakad, ngunit hindi mawala-wala sa aking paningin ang lalaking iyon. Hindi pa rin ako mapalagay sa mga nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD