Blame

2075 Words
Andie Gregorio "Sorry, sorry." Paulit-ulit na hinawakan ng isang babae 'yong kamay ko, ang lambot niyon sa totoo lang dahil parang hindi humawak ng kung anong mabibigat. Makinis din siya, siguradong habulin siya ng mga lalaki, siguro nga kahit kaming mga babae ay maaakit sa kaniya. Matangkad siyang babae, walang kahit anong makeup na nasa mukha, 'tapos sobrang puti na parang uling nalang talaga ako kapag magkadikit kami dahil litaw na litaw 'yong kulay niya. Model ba 'to? Siguro. Anak mayaman panigurado kasi kanina pa nag-eenglish, na-nonosebleed na nga ako. Magjejemon kaya ako para makaganti? Para parehas kaming nahihirapan. Ang unfair naman kung kami na nga 'yong na-perwisyo niya 'tapos pinapadugo niya pa utak namin. "I-i didn't mean to h-hurt anyone," nanginginig ang boses niya, naka-sumbrero rin ito na para bang may pinagtataguan pero dahil sa direksyon ko siya nakaharap, mas nakikita ko nang maayos ang mukha niya, mas lalo na ang labi, kahit na nakaharang 'yong unahan ng sumbrero. "Yes, I didn't mean to. It's just that...I'm looking for someone." Kanina, noong nando’n ako sa kumpol ng mga tao, may huminto na isang sasakyan. Naroon na rin ang mga pulis no’ng mga oras na ‘yon, pati ang ambulansya. ‘Tapos habang nasa interview ‘yong isang pulis, biglang sumulpot siya at kinausap ang isang pulis na may ginagawa. Hindi ko nga maintindihan ang nangyayari, tiningnan ko ‘yong mga nagvi-video, kahit din naman sila ay na-curious dahil sino ba ang hindi? Masyadong hatak sa spotlight itong babaeng ito, gusto atang siya nalang ang highlight ng aksidente. Bukod sa yayamanin niyang kotse, masyadong makaagaw pansin din ‘yong kaputian niya. Pero hindi ktulad ng mga tangang tao na narito, alam ko na may mali sa mga nangyayari lalo nang makita kong may sira ang harapan na sasakyan niya, nakayuko rin siya para itago ang mukha niya, ‘tapos halatang balisa. Kaming mga magnanakaw, masyado kaming maingat sa mga emosyon namin. Kailangan naming kontrolin ang emosyon dahil mapaghahalataan kami, kailangan naming kumilos ng normal na para bang wala kaming krimen na ginawa, kaya noong makita ko ang isang tao na hindi magawa ang mga iyon, kaagad akong nagduda. Natural lang na makaramdam at magpakita ng mga kakaibang kilos ang mga taong bago lang nagawa ang isang bagay at hindi ako tanga para hindi malaman ang mga nangyayari. Ang ipinagtataka ko lang, bakit siya bumalik? Halata namang mayaman siya at madaling takasan ang mga nangyayari pero hindi niya ginawa. Hindi nga ba? Nakonsensya ba siya? Hah, nagpapatawa ba ako? Magugunaw ang mundo bago mangyari ‘yon. Walang konsensya ang mga mayayaman, baka nga ikaw pa ang isuplong nila kapalit ng dapat pagpasok nila sa kulungan. Ganun silang mga tao, halimaw pa sa halimaw. Harapan kung umatake at walang pakialam kahit na may maapakang tao. Kaming mga magnanakaw at sila ay halos walang pinagkaiba; ang iisang pinagkaiba lang namin ay kaya nilang ibaliktad ang hustisya kapag naipit sila, pero kaming mga kawatan, mabubulok kami sa presinto at pagpipyestahan ng mga kapwa ka-kosa. At nasaksihan ko mismo iyon—ang pagbaliktad ng hustisya sa harap ko dahil sa halip na hulihin siya o posasan, nakita ko kung paano nagulat ang pulis dahil sa kung anuman ang ibinulong niya ro’n, pagkatapos ay maingat itong pinabalik sa sasakyan, pero bago pa man umalis ang babaeng ‘yon ay napatingin pa siya sa pwesto ko. Napailing nalang ako saka tinalikuran siya at sumama sa ambulansya kung nasaan si Chato at ang lolo niya na paalis na. Sinadya ko na makita ako ng babaeng ‘yon para malaman niya na kahit papaano, wala siyang takas sa konsensya niya. Nangyari nga iyon. Habang nakaupo sa waiting area, nakita ko siyang sumulpot at parang may hinahanap hanggang sa mapatingin siya sa akin at doon na nagsimula ang pagdadrama niya. Teka, ano ulit ang sabi niya? Sorry? Inismiran ko siya, pero mabuti nalang hindi niya nakita iyon. Dahan-dahan kong inilapat 'yong kamay ko sa likod niya. Dahil doon, mas lalo siyang umiyak. Akala niya siguro napatawad ko na siya, p'wes hindi pa. Malabong mangyari 'yon dahil wala pa naman siyang inaabot na pera. Aanhin ko naman 'yang mga sorry niya? Aba kahit anong yaman at ganda ang mayroon siya, hindi ko naman maibebenta 'yan. Dapat naisip na niya kaagad na pera lang ang katapat namin, gano'n naman ang mga mayayaman...minamata kami 'tapos iniisip nila na madadaan kami sa pera, kaya nga nababadtrip ako rito sa babae dahil hindi niya gets kaagad iyon. Maganda nga siya, bobo naman. Bahagya siyang umalis sa harapan ko at nilingon ang bawat sulok, saka tinanggal niya nang tuluyan ang sumbrero. Parang slow motion nga ang nangyari, lalo na no'ng nakita ko 'yong mga mata niya. Putangina, ang ganda talaga! Kinalma ko sarili ko, syempre bakit ako ngingiti? Masisira pa diskarte ko, mahirap na. Pinunasan ng babae 'yong luha niya, mamula-mula 'yong pisngi at ilong dahil sa nangyari. 'Tapos noong humarap siya sa akin, nag-sorry siya ulit. At siyempre sa pagkakataon na 'yon, hindi ko na siya inismiran. Inisip ko 'yong mga masasakit na pangyayaring dumaan sa buhay ko: 'yong inis ko sa mga kasama ko sa pagnanakaw dahil sa mga katangahan nila; 'yong muntik ko nang pagkahuli; 'yong emosyon ko sa tuwing binabarat ako ng buyer ng mga cellphone; 'yong kaunti lang ang perang nauuwi at 'yong bagong nangyari na pinunit ang ipon ko. Unti-unti kong naramdaman na umiinit ang mata ko, maya-maya ay yumuko ako at pumikit para lang tumulo ang luha. Hindi ko alam kung pangit ang dating, kung realistic ba pero bahala na dahil ang mahalaga naman ay may luha. Tangina mo Andeng, ang husay mo talaga. Ngayon, simula na ng totoong drama. Umupo ako sa malamig na upuan, sinadya kong parang walang buhay ang mga mata, 'tapos kunwari ay nanlambot ang tuhod. Inilagay ko 'yong dalawang kamay sa mukha saka lalong umiyak. Parang baboy na kinakatay, ang sama ng tunog pero oks lang kasi sino ba ang pupuna sa paraan ng pag-iyak ng namatayan? Siyempre wala. Lahat makikisimpatya, lahat maaawa. Pero biglang pumasok 'yong imahe ni tatay. Hindi, hindi rin lahat naaawa. Pinili kong mag-focus muna sa plano, sinubukan kong umiyak nang malakas na makakaagaw talaga ng pansin ng mga tao at napansin naman niya iyon kaya iniayos niya ang sumbrero habang palinga-ling sa paligid. Ano bang ginagawa niya? Akala ko ba nagso-sorry siya eh bakit ganito siya magreact? Tangina, parang sinasayang ko oras ko rito. Matagal-tagal na rin noong huli akong umiyak kaya huwag niya sasabihing sorry lang. Kailangan ko ng pera kapalit ng damage na ginawa niya, hindi ko kailangang mamroblema pa ulit sa dahilan kung bakit para siyang praning. Naramdaman ko 'yong kamay na humagod sa likod ko, tumabi siya sa akin. Sobrang lapit niya kaya naaamoy siya, kahit 'yong pabango niya hindi pamilyar sa akin kaya sigurado akong mayaman siya at saka, naka-kotse siya kanina nang masagasaan 'yong matanda. Bakit ba ang tagal niyang kumilos? Kulang nalang sampalin ko siya nang magising sa katotohanan. "W-wala akong pera...paano si...L-lolo? M-mahal na mahal ko siya," kinikilabutan ako sa mga pinahsasabi ko. Mahal? Ano ba 'yon? Ni kahit nga pagpapahalaga hindi ko maibigay sa matandang 'yon. "N-ni hindi ko manlang siya m-mabibigyan ng matinong l-libing." Kanina noong papunta ako sa lugar na iyon, wala sa plano ko na maging parte ng drama kasi abala lang naman ‘yon. Habang kausap ang guwardya, inakala ko na hit and run ang nangyari. Uso kasi 'yon dito sa Manila, pero siguro dinapuan ng kung ano sa utak 'yong babae dahil hindi manlang siya tumakas. Bumalik pa siya kahit sira ‘yong ilaw niya, ang bilis nga ng mga pangyayari dahil kinausap ng pulis ang driver ng ambulansya ‘tapos walang kahit anong siningil sa amin. Ramdam ko nga ang pag-iingat nila, kahit nga si Chato na galit at masama ang tingin sa akin ay hindi maiwasang magtaka. Kaya ayun, do’n palang, kahit walang official na salita, alam ko na tamas ang hinala ko. Napaisip ako kasi kapag mga normal na tao lang, kapag tatawag ng tulong, wala kaagad na sasaklolo. Ganito naman kalakaran sa mundo, eh. Kung wala kang pera, bahala kang maubusan ng dugo diyan at mamatay dahil wala naman silang pakialam sa iyo, pero kung nakaaangat ka sa buhay, aba isang pitik mo lang nandiyan kaagad ang tulong. Pero kahit anong pag-iingat ng mga nasa ambulansya, huli na rin ang lahat dahil dead on arrival ang matanda. Wala eh, kung oras mo na talaga siguro oras mo na talaga. Hindi, siyempre kalokohan lang 'yon. Naniniwala ako na hindi ka naman mamamatay kaagad kung hindi ka tatanga-tanga, at sa kaso ng matanda, medyo bingi na rin kasi siya at mabagal maglakad kaya hindi ko na kasalanan kung may nakahagip man sa kaniya na sasakyan. Hindi nga ba? Syempre, hindi. Tumingin ako sa babae, niyakap ako nito. Tama, hindi ako ang may kasalanan kundi ang babaeng ito. Hindi siya nag-iingat, halata naman sa mukha niya na parang wala siyang tulog. Sigurado akong dahil sa antok kaya siya nakabangga ng tao kaya kasalanan niya ito. Napapikit nalang ako habang yakap ko siya. Ang bango niya kasi, lampas dalawang dekada na mula nang makayakap ako ng mabangong tao. Kahit papaano, nagiging kalmado ako pero syempre hindi ko makakalimutan ang agenda, kailangan niya pa ring magbayad. “I’m sorry for your loss, I really do. My mind went black, I’m too exhausted of what’s happening. I don’t know, I really messed up, but…” tuluyang kumalas ang babae sa yakap sa akin. Nakatingin siya sa mga mata ko, desperado. “Please don’t do charges against me, I can’t be inside the jail.” Huminga ako nang malalim. Mukha nga talagang slow ang babaeng ito at kailagang i-realtalk. Pinunasan ko ang mga luha saka hinarap din siya. “Sige,” umaliwalas ang mukha niya. Hindi makapaniwala na basta-basta nalang ako pumayag sa gusto niya. Akala niya siguro kung sinong anghel ang sumanib sa akin, gusto niya sana akong yakapin pabalik pero pinigilan niya ako. “Pero kailangan mong magbayad.” “W-what?” “What? Anong what? Ang laki ng abalang dinulot mong babaeng ka, alam mo ba ‘yon? Pinatay mo ang lolo ko, mahal na mahal ko ‘yon. Kulang pa ang perang ibibigay mo kumpara sa buhay ng isang tao, isama mo pa ang mga bayarin sa hospital, punerarya, at mismong libing.” Nakatulala lang siya sa akin. Maya-maya ay tumayo rin at napasandal sa pader at napatingin sa daan. Tumayo rin ako at naglakad papunta roon para maharangan siya. “Balak mo pa talagang tumakas, eh no?” “No, of course not!” Mahinang sabi niya sa akin na parang naiinis na rin. Aba, siya pa itong may ganang gumanyan? Nasaan na ‘yong mga drama niya kanina? Hah, sinasabi ko na nga ba, nanghihingi lang siya ng simpatya. Akala mo kung sinong mabait at anghel kanina. Humarap ito sa akin, “How much do you want?” “Isang milyon.” “The hell? Are you serious?” Tumango ako. “Bakit naman kita bibiruin? Close ba tayo?” Napailing siya. “Can’t you just lower your rate? I don’t have that much of money. I can’t just use any online transaction this time. Not this time.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Magkano ba ang pera mo ngayon?” “Is ten thousand enough?” Natawa ako. Nagpapatawa ba siya? Ni wala pa nga sa kalahati ‘yon ng isang milyon, eh. “Sikat ka siguro, ‘no? Modelo ka ba? Artista? Ano kayang gagawin nila kapag nalaman nilang nakapatay ka?” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Napahilamos ng mukha bago may dinukot sa kaniyang bulsa at humakbang paalis, pero kaagad akong humarang. “Hindi por que ganito kami, tatakasan mo na ang atraso mo.” Tiningnan lang niya ako nang walang buhay ang mga mata saka iniangat ang cellphone. Balak ba niyang idagdag din ‘yon sa bayad niya? Ayos, wala namang isyu sa akin ‘yon. “I just gonna make a call.” “Sige,” muli siyang humakbang pero humarang ako. “dito.” “Oh, please!” Tumalikod siya at nang mapansing nakatingin sa kaniya ay nilingon niya ako. “Just step back, give me some privacy.” Ginawa ko naman iyon, bahagya akong umatras pero nakatingin pa rin ako sa kaniya. Hawak niya ang cellphone at tinitigan iyon, halatang nagdadalawang isip pa sa gagawin hanggang sa ginalaw na niya iyon at tumawag. “Hello? Marshall?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD