Murder

2068 Words
Andie Gregorio Malamig ang hangin. Wala akong kahit anong pantapal sa katawan at sanay na rin naman ako sa mukhang tinotoyo na klima sa bansa pero iba ang panahon ngayon. Alam kong Disyembre na ngayon at kasagsagan ng amihan, pero sa araw-araw at gabi-gabing nasa labas ako, expose na ako masyado sa takbo ng panahon kaya alam kong hindi lang ito usapang amihan dahil sigurado akong may paparating na bagyo. Kahit gaaano pa katirik ang araw tuwing tanghali, hindi makalalagpas sa radar ko ‘yan lalo na sa trabaho namin na nakadikta rin sa lagay ng panahon. Isa sa mga vulnerable na araw ay kapag may bagyo at bumaha sa kalsada. Sinisigurado namin na lilipat kami ng puwesto, hindi malayo sa baha dahil sinong tanga ang gagawa nun? Kapag lumayo ka sa baha, para ka na ring lumalayo sa pera. Kung saan merong problema, dapat pumupunta kami ro’n para pagkakitaan. Marami nang nagbago simula noong bata pa ako; dati kahit sobrang lakas ng buhos ng ulan, tuloy pa rin ang buhay pero ngayon, kaunting ulan, baha na sa Maynila ‘tapos kani-kaniyang strategy ang mga tao para lang makaahon at siyempre parte kami nun. Kapag baha, may mga college student pa rin na pumapasok at yung iba naka-all white pa. Ewan ko ba sa kanila, pero pasalamat pa rin kami sa kanila dahil kung wala sila, malamang wala kaming kikitain. Minsan ‘yong ibang estudyante, hindi naka-uniform kapag papasok kasi alam nilang mababasa at madudumihan lang sila pero hindi naman sagabal ‘yon dahil madali lang naman silang matunugan. Ang mga estudyante kasi ngayon, kahit gaano pa karaming mga info ang pumapasok sa utak nila, obvious pa rin na tanga sila sa mga bagay-bagay lalo na pagdating sa mga kalye at pagtanggi. Isa sa mga problema ay ‘yong kahit anong pakikibaka nila, sinusunod pa rin naman nila ang nakatataas. Hindi sila marunong humindi at panindigan ang mga sinasabi nila, masyado silang adik sa grades. Hindi katulad naming mga rumaraket na walang limitasyon; katulad ng sabi ko, kami ang CEO ng buhay namin. Sa bawat problema, merong oportunidad. Ang bawat tao ay may freewill, at kaming mga magnanakaw, malaya kaming pagnakawan ang kahit sino. Iyon lang siguro ang pinagkaiba naming mga walang pinag-aralan sa kanila na sinasakal ng mga batas. "Kawawa naman," nilingon ko 'yong naka-duty na guard, nag-uusap sila sa labas kasama ang nagtitinda sa convenience store. Likas na mga ususero at ususera ang mga pinoy, eh no? Siguro naman alam niya na naka-monitor ang mga ginagawa nila, kaya nga hindi naman manakaw-nakawan 'yon dahil masyadong matindi ang security. Saka masyadong mayaman, mahirap kapag mapera mga tatargetin namin namin baka isang pitik lang nila ay nasa rehas na kami. Naalala ko tuloy ang mga taong kakilala ko na nakulong dahil sa katangahan nila, masyado kasing sugapa sa pera. Mga timawa na hindi marunong makuntento sa paisa-isa hanggang tatlo nilang pinag-nanakawan kada araw. Gusto kaagad nila ay “one time big time” pero takot naman sa consequences ng gagawin nila at kapag nahuli dahil sa palpak na plano, ikakanta ang mga kasama. Kaya nga mga vulnerable lang na tao ang nananakawan dahil nag-iisip naman ako kahit papaano, hindi katulad ng ibang kawatan na masyadong desperado kaya nahuhuli sila sa sarili nilang patibong. "Nakita mo ba nangyari? Narinig ko batang hamog daw.” "Mukhang hit and run nangyari. Kanina pa may sumisigaw do'n.” “Mga tao talaga ngayon parang mga walang kaluluwa." Ngumisi ako sa sinabi niya. Anong parang walang kaluluwa? Ang sabihin mo, wala na talaga simula pa noong una. Walang nabubuhay dito sa mundo na may kaluluwa dahil una sa lahat, walang Diyos. Matagal na siyang patay magmula nang magkanda letse-letse ang buhay ko. Sino ba ang gugustuhing paniwalaan Siya kung isang kahid at tuka lang kami? At sa mga nangyayari ngayon sa mundo, kung hindi lang kami ang titingnan nila at ituturing na salot sa lipunan, makikita nilang may mas masahol pa sa amin. Sinubukan ko namang magtrabaho. Hindi ko ginusto itong buhay na ito, pero anong gagawin ko? Mailap ang swerte sa akin, at kung may tatanggap man na tao, 'yong trabaho ko naman doon ay sobrang lala. Akala ata nila hindi kami napapagod sa mga utos nila, mga hinayupak. Akala nila ay mabibili ng 500 pesos na minimum wage sa Maynila ang buhay namin, mga puta sila, kung ituring kami parang mga daga. Sa mahal ng mga bilihin sa Pilipinas, kulang 'yon sa araw-araw naming buhay. Kaya nga nag-iipon ako, galing sa mga nakaw ko na iaabot paminsan-minsan ng isanglibo, minsan mababa pero hindi bababa sa minimum wage. Ayos na iyon, mas mabuti nga dahil hindi ko kailangang magtrabaho nang halos 12 hours at ang matindi, CEO pa ako. Pero naglaho lahat ng ipon na iyon. Nawala ang mahigit isang buwan kong pinagpawisan dahil lang sa kagagawan ng batang 'yon. Hindi ko mapapalagpas ito, kapag nakita ko siya, siguradong mas malala ang aabutin niya sa akin. Huwag lang siyang magkamali na ipakita miski anino niya dahil babalikan ko talaga siya. "Bakit?" nilingon ko 'yong guwardya. Napansin niya atang kanina pa ako nakatayo malapit sa tindahan. Talaga naman, 'yong mga matang iyon agad ang nakikita ko. Sa tuwing titingin talaga sa akin ang mga tao, walang oras na bibigyan nila ako ng katiting na walang deskriminasyon. Pero oks lang 'yon, walang issue. Tama naman sila. Pero 'yon nga lang, dahil palagi silang tama, ang hirap tuloy minsan gumalaw. Medyo umangat kasi ang talino ng mga tao, mas naging maingat na sila at kasalanan ‘yon ng media. Kung hindi sana taon-taong ipinapaalala na mag-ingat sa mga kawatan, edi sana mas madali ang buhay namin. Pero ganun talaga, hindi naman bago sa amin ang mga pagbabago. Masyado na kaming expose doon at alam na namin na kasabay ng pag-usad ng panahon, dapat ding magbago ang aming mga diskarte sa pagnanakaw. Kunwaring humikab ako. "Wala, istorbo ang ambulansya kaya naalimpungatan tuloy ako. Ano ba nangyari?" Tumango 'yong guwardya at ibinaba 'yong kamay na nakahawak sa pader. Mm, mukhang alam ko na ang paraan para maibaba niya 'yong pader niya. Hindi kami kalayuan sa isa't isa, sapat na para marinig namin ang sasabihin ng bawat isa. Hindi pa rin ako umaalis, magandang pagkakataon 'to para mapalapit sa kaniya. "Hindi ko rin napansin kasi halos kararating ko lang, pero narinig ko 'yong pagsalpok. Akala ko nga banggaan lang, pero narinig ko 'yong iyak kaya ayun, sabi ko tao 'yon." Umiling-iling siya, napansin ko na mapungay-pungay ang mata nito, parang kagigising lamang nito. Tumingin siya sa katabi niyang babae na nakasilip pa rin saka sinenyasan itong bumalik. Umismid naman ang babae. "Hindi ba p'wedeng puntahan kahit sandali lang? Naman talaga, o!" Napapadyak pa siya at ngumuso na parang bata. Mabuti nalang walang customer ngayon do'n kasi ang baduy tingnan sa kaniya. Pabalik na ang babae nang magsalita ako; sabi ko, ako nalang ang pupunta dahil mas mabuti nga na nando'n sila dahil baka kung ano ang mangyari sa tindahan kapag nagpumilit silang umalis para lang matanggal 'yong curiousity nila, naunawaan naman kaagad nila iyon. Hindi ko sinamantala ang pagkakataon para manakawan sila dahil mahalaga ang tiwala sa mga ganitong bagay. Kung hindi ko mananakawan ang convenience store, bakit hindi nalang 'yong mga empleyado? Sino bang mayaman ang may tunay na pakialam at malasakit sa mga trabahador nila? Wala. Puro ilusyon lang lahat. Bakit? Dahil saksi ako ro'n. "Sige," nakita ko kung paano natuwa 'yong guwardya. "Tapos balitaan mo kami ha? Teka, ano ngang pangalan mo?" "Walang gan'yan, baka mamaya umabot na sa hingian ng number, baka jowain mo pa ako," biro ko sa kaniya. Umiling nalang siya na natatawa saka pinaalis ako. Nang tumalikod, doon ko na inalis ang ngiti saka minura siya. Kakakilabot, hayop. Pero ayos na rin, ang mga guwardya kasi na katulad niya, kailangan ding aliwin kasi ang boring din naman kapag patayo-tayo ka lang dahil baka mamaya ay mabaliw na. Minsan kailangan din nila ng distraction para hindi maantok, at pasimpleng malibog lang din 'yan sila. Baka nga pinagnanasaan ng mga 'yan sa isio nila ang nga customer na papasok na may malaking pwet at may hitsura. Tumingin ako sa nangyayari at nagmadaling maglakad papunta roon. Nakita kong merong mga nagvivideo, siksikan sila roon, meron ding mga katulad ko na nasa kalsada natutulog na nakiusyoso at pasimpleng ninanakawan ang mga nando'n. Nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay kaagad nilang ibinalik iyon, akala ata ay ititembre ko sila pero kaagad akong umalis at ibinaling sa iba ang tinginko dahil hindi ko na problema kung may mga tangang vlogger na nando'n. Ganito sana ang gusto kong mangyari, na kaming mga kawatan ay hahayaang magnakaw ang kapwa namin magnanakaw. Tulungan lang, walang hilahan. Dapat tulungan namin ang isa't isa na maging mayaman sa pamamagitan ng mga perang nahuthot namin. At syempre, pasimpleng nilingon ko ulit 'yong tao kanina at tuluyan na niyang nakuha 'yong target niya. Mabuti naman, ayos 'yon. Nang makarating ay isiniksik ang sarili sa mga taong kumukuha ng video. Napasilip pa ako ro’n para tingnan kung anong oras na. Ah, madaling araw; pasada alas cuatro. Kaya naman pala medyo dumami na rin ang mga sasakyan dahil uwian na ng mga nag-night shift sa trabaho. Right timing sana ito para pagdiskitaha ang mga cellphone nila, hindi rin sila kasi nag-iisip. May mga matitigas talaga na ulo na dapat turuan ng leksyon, pero hindi ngayon. Hindi muna ngayon dahil wala pa akong mga kasama rito. “Nandito po tayo sa kahabaan ng XX street, bandang XX ng XX kung saan may naganap na insidente ng banggaan. Isang SUV at truck ang mga sangkot sa aksidente; wasak ang harapan ng SUV samantalang nasira naman ang ilaw sa harapan ng truck.” Lumingon ako sa nagsasalita, inaasahan ko na merong bitbit na malaking camera ang isa sa mga taong nandito pero wala akong nakita. Isang lalaki lang na naka-puti at may logo sa bandang dibdib niya ang nakita ko, nakasuot siya ng salamin habang hawak ang cellphone, mukhang nila-live niya ang mga nangyayari. “Nandito po ngayon ang barangay captain para magbigay ng statement habang wala pang rumeresponde na ambulansiya at pulis.” Lumayo ako sa kanila at naghanap pa ng madaraanan para makita ang mga nangyayari habang tinitingnan ang mga taong nandito dahil baka nakikichismis lang din dito si Chato, nagtatago sa mga tao. Nakarinig ako ng pagpalahaw, pero wala ro’n ang atensyon ko. Nasaan ka ng adik ka? Bumagsak ang balikat ko nang hindi ko manlang nakita ang lalaking ‘yon. Binalak ko na sanang umalis nang pumasok sa utak ko na kailangan ko palang alamin kung ano ang nangyari, ang makita mismo ‘yong truck at SUV para may maiambag ako sa curiousity ng dalawang chismoso at chismosa ro’n sa tindahan. Ang hirap makipagsiksikan sa totoo lang, para na akong hotdog na nasa tinapay. Ay pota, gutom na talaga ata ako dahil nag-iisip na ako ng tinapay. Isiniksik ang sarili sa mga taong kumukuha ng video. “…Gano’n na nga po, ano. Sa tingin po natin ay meron tayong mga casualties: ang driver po ng SUV ay naipit at hindi na po gumagalaw. Sinubukan po siyang kausapin ng mga tao rito, pero ayon sa kanila, hindi na po siya humihinga. Bukod pa roon, mayro’n ding pedestrian ang nadamay; isang matandang babae—" Napatigil ako at napalingon muli sa media. Ibinalik ko ang tingin sa pinagkakaguluhan nila.Unti-unting naging malinaw sa akin ang boses ng umiiyak, 'yong parang boses bata pero alam kong hindi galing sa bata iyon. Siya lang naman 'yong taong kapag ibubuka ang bibig ay walang matinong sasabihin at kung kikilos ay puro palpak at kaagad na nakilala kung sino iyon. Nahagip ng mga mata niya ang pwesto ko at gano'n nalang ang talim ng tingin nito habang kapit ang lola niya na duguan. Siya lang naman 'yong taong kapag ibubuka ang bibig ay walang matinong sasabihin at kung kikilos ay puro palpak at kaagad na nakilala kung sino iyon. Nahagip ng mga mata niya ang pwesto ko at gano'n nalang ang talim ng tingin nito habang kapit ang lola niya na duguan. Tuluyang naging malinaw sa akin ang boses ng umiiyak, nagmamadali akong lumapit, sumiksik, at ipinagtutulak ang mga taong nando’n at nakita ang lalaking nakayuko habang yakap ang isang matanda; kaagad na nakilala kung sino iyon. Nahagip ng mga mata niya ang pwesto ko at gano'n nalang ang talim ng tingin nito habang kapit ang lolo niya na duguan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD