Zombies

2162 Words
Sikel Villavicencio Katahimikan ang namayani sa paligid. Walang sinuman ang nais na magbasag nito. Hindi ipagkakaila na tensyonado ang lahat matapos ang nangyari kanina. Nilingon ko si Darius, kung kanina ay swabe lamang siyang nakaupo, ngayon ay nakadikit na ang kaniyang kamay sa bibig habang nakapatong ang braso sa mesa, nakatingin ito sa kaniyang amo at hinihintay ang sasabihin nito. Habang si Senator Agustin naman ay nakatalikod sa amin kung kaya hindi ko mabasa ang kaniyang emosyon , ngunit sa paraan ng pagtaas at baba ng kaniyang likod dahil sa paghinga, alam kong pareho lang din kami ng iniisip ngayon. "Pabaliktad ko iyang nakuha sa harap ng pinto sa bahay," Kumuha ako ng lakas ng loob para ako na mismo ang kusang sumira sa nakabibinging katahimikan. "That is a tarot card which symbolizes Reversed Justice. Senator, hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang nais iparating ng taong nagmamay-ari n'yan." "Death threat," wala sa sariling naibulong ni Darius. "Ano na ang gagawin natin ngayon, Senator?" Inilabas nito ang maitim na bagay, inilapag niya iyon sa mesa na siyang lumikha ng ingay. Dalawang beses ko palang siyang nakitang nasa gano'ng estado--ang mga matang uhaw sa dugo at handang kumitil para lamang sa seguridad ng dapat niyang protektahan at isa ako sa mga iyon. Nasaksihan ko kung papaano niya gamitin ang maaari o posibleng gawin para lamang matupad ang mga ipinag-uutos sa kaniya kahit pa ang kapalit nito ay pagkamuhi. "When did you get this?" Sa wakas, humarap na rin ito sa aming direksyon ngunit ang atensyon nito ay mariin pa ring nakadikit sa kaniyang hawak at pinaglalaruan ito. Walang emosyon ang mababakas sa kaniyang mga mata, tila ba nais nitong masolosyunan ang nakahaing problema sa lalong madaling paraan at ito ay hindi na bago sa katauhan niya. "Dalawang araw bago ngayon." "Two days ago?" itinaas nito ang tingin sa akin na para bang may hindi ako nagawang tama. "Didn't I tell you that if something strange happen, you must call me?" Hindi ko alam ang kaniyang cellphone number. Kapag naman in-email ko siya, alam kong mapupunta lang iyon sa assistant secretary niya at maaaring hindi ako nito bigyang atensyon, o kung hindi mapalad ay didiretso iyon sa spam section. Bukod pa ro'n, batid ko na ang mga katulad niya ay masyadong organized at may nakalaang spesipikong email para sa mga personal na lakad niya, at ang email address na makikita sa internet ay pawang may kinalaman sa trabaho. Dahil sa mga dahilang iyon kung bakit ako naririto, hindi ko maaaring ilagay lamang sa posibilidad ang tsansang makakausap ko siya. Hindi rin naman niya ako masisisi kung bakit hindi nakalagay ang kaniyang phone number sa aking contact list. "How about the surveillance cameras inside the house?" Nanliit ang kaniyang mga mata habang hinihintay ang aking isasagot. Hindi na bago sa amin ang death threat. Mula pa man noon ay nakikita kong nagiging balisa si mama gabi-gabi at dahil iyon sa mga natatanggap niyang mensahe sa iba't ibang tao. Kung kaya sinubukan niyang lumapit sa senator para lamang magkaroon ng seguridad ang aming buhay. Tumugon naman ito at pinalipat kami sa malaking bahay, nagbayad pa siya ng taong nagbabantay sa mga ikinikilos naminat higit sa lahat ay nag-donate siya ng CCTV na siyang pinapakinabangan ng aming barangay. Pero ang "donation drive" na kaniyang ginawa ay tanging pakulo lamang at pampabango ng kaniyang pangalan dahil hindi naglalabas ang mga taong kagaya niya nang walang benepisyo itong maidudulot sa sarili; direkta man o hindi."Sierra, have you checked it?" Bumalik ang aking sarili sa kasalukuyan nang muli siyang magtanong. Unti-unti kong ibinaling ang atensyon sa kabilang direksyon at umiling. "Walang CCTV ang nakakabit sa paligid na nakasasakop sa bahay." Sumalubong ang kaniyang kilay. "What are you implying to?" "Hindi ko sinunod ang utos ninyo." "Estúpida!" Nangigigil niyang ibinagsak ang magkabilang kamay sa babasaging mesa na kulang na lamang ay ikawasak ng bagay na iyon ang nangyari. Napapikit ako at napayuko. Nais ko na lamang lumabas ng sulok na ito para hindi marinig ang kaniyang boses. Bakit ba ako ang binabalingan niya ng ganitong emosyon? Hindi kami naririto sa sitwasyong ito kung hindi niya ginamit ang pangalan ko para sa kaniyang kampanya noon! Naramdaman ko ang matigas na dibdib sa aking likuran, hinawakan nito ang aking kamay na nakasarado ngunit pilit kong inialis ang sarili sa kaniya. Hindi ko kailangan ng kaniyang awa. Hindi ko kailangan ang kaniyang presensya. Marahas na kinuha ng senator ang telepono habang ang matalas nitong tingin ay hindi mawala sa akin. May tinawagan doon ngunit sa huli ay nanggigigil niyang ibinagsak ito nang hindi sumasagot sa tawag niya ang kung sinoman na dapat ay nasa kabilang linya. "How about the outside area? Did you see anyone suspicious roaming around your surroundings?" Naalala ko ang aking mga ginawa bago lumuwas ng probinsya. Iyong dalawang beses na pagtangka naming alamin kung nasa hospital ba si Jordan, ang dalawang beses naming pagtungo sa paaralan para makakuha ng impormasyon ukol sa binata, ang pakikipagsapalaran namin sa tyansang makakuha ng impormasyon sa tricycle driver para makapunta sa barangay nito na lahat ay nauwi lamang sa wala. Inalala ko kung papaano ako nagduda kay Tado na ang mga ginagawa niyang ay para lamang sa trabaho at ang sa tingin ko ay kaniyang motibong makuha ang pagkakakilanlan ng mga taong tulak ng masamang gawain na siyang dahilan para tingnan ang CCTV na hindi sinasakop ang bahay namin. "Meron," nakuha ko ang atensyon nito. "Dalawang araw bago ngayon, sumailalim ako demo class at may naging estudyante ako..." Napahawak ako sa bag kung nasaan ang notebook na ibinigay sa akin ng kapatid ng binata. Inalala ko ang mga pagkakataon na iyon, na kahit sa sandaling oras ay may nakilala akong taong may nakaaaliw na personalidad, isang taong handang makamit ang pangarap kahit na sinasabing hindi ito kaya ng kapasidad ng kaniyang utak. "...si Jordan. Inihatid niya ako sa bahay pagkatapos ng demo class namin, pero nabangga siya. Hindi, hindi siya nabangga kundi binangga. Hindi aksidente ang nangyari sa kaniya..." Tumingin ako kay Senator Agustin, umaasang kahit papaano ay marakaramdam siya ng awa, ngunit bakas ng simpatya sa kaniyang mukha. "I don't care who in the world Jordan is, or what his role in your life. Can't you still get Sierra? Those people were hunting you, and you are still thinking of others? Leave him alone." Naibuka ko ang aking bibig. Hindi ko kinaya ang kaniyang mga sinabi, tuluyan nang nahigitan ang aking pasensya, nilamon ako ng emosyon at tuluyang sumabog. "Sinasabi mo bang hayaan kong may mamatay na inosente dahil sa away politika mo?! Sinasabi mo bang wala kang gagawin kahit may na-kidnap nang dahil sa iyo?! Tao ka pa ba?!" Naramdaman ko ang maiinit na likido sa aking mukha ngunit hindi na ako nag-abala pang punasan iyon. Sinubukan kong atakihin siya ngunit maagap ang naging reaksyon ni Darius. Nagpupumiglas ako, sinubukan kong kagatin siya, sipain ang kaniyang maselang bahagi ng katawan para lamang makaalis ngunit halos ikaputol ng aking litid nang pilipitin niya ang aking bisig. Tumingin siya kay Senator Agustin na sumang-ayon sa ginawa ng lalaki, naramdaman kong nag-iinit ang aking katawan dahil sa emosyon. Kung ako na galing sa sarili niyang dugo at laman ay wala siyang pakialam kahit nakita niyang nasasaktan, bakit pa ba ako nag-aksaya ng panahon sa posibilidad na tutulungan niya ang ibang tao? "Senator, sa tingin ko magiging easy target kayo ngayon lalo pa dahil magkasama kayong dalawa. Sa tingin ko, mula palang noon ay nais nila kayong magsama." "You couldn't be more right," Pagsang-ayon ng lalaki. "Those rats! I should be more suspicious. I know that there is something more that is going on here." Muli itong tumingin sa akin bago napailing, inilapat nito ang mga mata kay Darius bago muling umusal. "If I were the opposition, who could be the possible prospect?" "Someone who is close to her, it might be him." Nanigas ako sa kinatatayuan. Hindi ko nagugustuhan ang dating ng usapan. Unti-unting sumilay ng ngisi sa labi ng lalaki, lumapit ito sa amin at kinuha ang itim at mabigat na bagay sa mesa, inilagay nito ang bagay na iyon sa kamay ng binata. "Once again, finish this mess." Unti-unting nanlaki ang aking mga mata nang mapagtagpi-tagpi ang pinag-uusapan nila, pinigilan kong kumalas ang hikbi sa pamamagitan ng pagkagat sa aking bibig. Pilit kong sinalubong ang kaniyang matalim na titig. "W-what do you mean, Senator?" "Look, my daughter, there were times that allies will turn their back against you and you should do anything just to make things back on their right track. I thought you are a chess champion, my dear? You suppose to know when to sacrifice your pawn for your benefit."Pero hindi lamang basta-bastang bagay ito. Hindi isang kapirasong kahoy ang buhay ng isang tao, at hindi dapat kapwa nila tao ang nagdidikta ng magiging buhay nila. Hindi ko gustong ipinagkukumpara ang dalawang magkaibang bagay na sadyang malayo sa isa at isa. Madali lamang sabihin na isakripisyo ang buhay ng isang tao, ngunit hindi sila naiiba sa atin. Lahat tayo ay may pananagutan sa bawat isa, at sa batas. Walang karapatan ang kahit sino na kumitil dahil labag iyon sa pinaiiral na hustisya. "Killing is just playing chess, sweet heart," Inilapit nito ang bibig sa aking noo at naramdaman ko na lamang na dumampi iyon doon na ikinatindig ng aking pagkatao. Hindi ko kailanman gugustuhin na maging ama ang isang mamamatay tao. "Master your game." Sunod-sunod na bumalik sa aking alaala ang mga tao sa aming barangay. Kahit na ang mga taong may hindi kaaya-ayang ugali ay may karapatang mabuhay, kahit na ang sino pang pinakamasamang nilalang sa mundo ay may karapatang ipagtanggol ang sarili sa husgado para mangatwiran kung bakit niya nagawa iyon, kahit ang mga pulitiko sa Pilipinas na nakakulong ay binibigyang pagkakataon ng senado na tumakbo sa posisyon at may mga bobotohin pa rin sila dahil naniniwala ang mga ito na inosente o may pangalawang pagkakataon para sa bawat tao. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangang pumatay. Hindi ko maunawaan kung bakit sa simpleng hinala lamang ng mga pagtatraydor ay may pamilyang maiiwan. Sa dalawang taon kong paninirahan sa bahay na iyon, hindi maipagkakaila na naging malapit din sa akin ang mga tao. Ang aming kapitan na mataas ang paninindigan at pilit na nilalabanan ang nakagisnang palaksan ng kamag-anak para sa mga prebelehiyo sa barangay, ang taong lubos na mapagmahal sa kaniyang pamilya, at ang taong may malasakit sa mga nasaakupan niya. Saksi ako at si Tado sa pagiging matapat nito sa sebisyo. "You should go, Darius." Hinila ako ng lalaki papalabas ng apat na sulok na kuwartong iyon. Nagsusumigaw ako, nagpupumiglas. Kung hindi nila ako tutulungan sa paghahanap kay Jordan, marapat lang na hindi na ako magtagal pa rito dahil wala ring makukuha, kailangan kong lumuwas pabalik sa probinsya para kaagad na paalalahanan ang aming kapitan. Kailangang kong humingi ng tulong sa mga pulis para kaagad na magfile ng missing reports. Kung hindi maglalahad ng palad o kahit maglabas ng pawis sina sina Senator Agustin, Darius, at mga pamilya ng binata, ako nalang at ang iba pang sangay ng gobyerno ang kikilos. "What the?" Gulat na napatingin sa amin ang sekretarya dahil halos matanggal na ang aking kasuotan dahil sa pagpupumiglas. Ramdam ko pa rin ang sakit ng aking braso dahil sa pagpilipit ng lalaki ngunit hindi iyon ang pangunahing dapat isipin. Tumingin ang babae, nakikita ko sa mga mata nito na nais niya akong tulungan ngunit nang makita niyang sumunod na lumabas si Senator Agustin ay napahinto ito, umayos ng tayo, at saka yumuko. Tuluyan na akong nakalabas ng kuwarto at dahil sa ingay na aking ginagawa, nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa mansyon. Narinig ko ang mabibilis na hakbang papunta sa aming kinaroroonan, doon ay nakita ko ang aking lalaking kapatid. Bumalot ang pagtataka sa kaniyang mukha at nang makita niya ang aking kalagayan, walang pagdadalawang isip, lumapit siya. Pero kaagad ding mapaatras nang tinutukan siya ng armas ni Darius. Namutla ang binata, itinaas nito ang magkabilang kamay bago natuon ang atensyon likuran. "Dad!" sigaw nito. "Make this stop!" Hindi siya pinansin ng kaniyang ama. Tuloy-tuloy lamang ang mga ito sa ginagawa hanggang sa malagpasan namin ang binata na napasabunot ng kaniyang buhok at sunod-sunod na napamura. Hindi ko siya sinisisi, walang kahit anong bakas ng hinanakit ang mamumutawi kahit na hindi niya ako magawang kunin. Sapat na ang mga oras na lumipas para mapatunayan niya na hindi kailanman siya nagtanim ng sama ng loob, sapat nang kapatid pa rin ang turing sa akin. Nakasalubong namin ng magulang ng kapatid ko habang yakap nito ang babaeng anak. Nakatingin lamang ito sa mga nangyayari at tinaasan ako ng kilay. Sumilay ang ngisi sa labi nito at hindi ko na dapat ikipagtaka iyon dahil parehas lamang silang mag-asawa na walang puso. Kaya ba pinili ni Mama na malayo kay Senator Agustin? Pero dahil sa death threat ay nagawa niyang  makipagsapalaran. Dahil nakikita niyang mangyayari ito? Mapakla akong napangiti. Family reunion? Kalokohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD