Andie Gregorio Wala akong alam sa kung papaano ko maipapalabas ang tubig na nasa loob ng katawan ng babae, wala naman kasi akong mga kung ano-anong training pero naalala ko noong nasa klasada kami ni Chato at naghahanap ng target, biglang nagkagulo sa loob ng isang jeep. Akala ko nga noon ay may holdaper, inisip ko pa na masyadong desperado na talaga ang mga tao sa mundo dahil nga sa pangangailangan, kahit na matindi ang traffic at alam nito na malaki ang tsyansa niyang mahuli dahil una ay panay ang andar at hinto ng sasakyan, hindi niya magagawang takutin ang driver at sabihin dito na bilisan para makarating siya sa lugar na pagbabaaan, pero kahit alam ko na delikado kapag pumunta roon, napansin ko na may mga taong lumalapit. Kahit na ang isang palaboy ay hindi ipapahamak ang sarili ni

