Andie Gregorio Apoy. Liwanag mula sa malayong bahagi ang nakita ko, pamilyar ako sa mga nangyayari, alam kong delikado kung pupunta ako roon. May mga taong naka-itim na lumilipad, hahabulin nila at ako para patayin. Hindi dapat ako pumunta roon dahil alam kong dahil sa desperasyon ay makakarating ako sa lugar na puro bato, na mapipilitan akong unumin ang aking pawis dahil sa pagkauhaw, alam kong masusunog ang aking balat, at sa huli ay matatagpuan ako ni Sierra at mawawalan ng malay. Lumingon ako sa aking mga paa, kusa iyon na gumagalaw at hindi ko malaman kung bakit, patuloy akong tumatakbo pero walang kaba sa dibdib ko, mabilis na umiikot ang paligid, nagbabago ang mga nakikita ko, mula sa mga mata ni Sierra na nakikiusap sa akin na sumama ako sa kaniya, at sa mga mata ng babaeng natagp

