Changes

2733 Words
Andie Gregorio Pakiramdam ko bagong tao noong maligo ako. Ganito pala ang pakiramdam na nakapaglinis ka ng katawan, muntik ko na kasing makalimutan dahil hindi naman naging parte ‘yon ng pang-araw-araw kong gawain. Wala akong inaksayang panahon, kinuha ko ‘yong mga nakatabing lotion sa sa isang cabinet, meron ding nakalagay na towel doon na siyang ginamit ko; binuksan ko ang lotion, panay ang singhot ko roon dahil nakakayaman ‘yong amoy, kaagad kong pinunas iyon sa buong katawan ko, kahit ang mukha at kasulok-sulukan ng aking katawan ay hindi ko pinalampas. Inamoy ko ang aking sarili at pinasadasa ang aking mga daliri sa katawan. “Ang kinisss!” Hindi ko masabi ang aking nararamdaman, hindi ko masabi ang tamang salita na makakapag-describe sa nararamdaman ko, basta ang alam ko lang ang bilis ng t***k ng aking puso, hindi dahil sa takot o kaba kung ‘di dahil sobrang kaligayahan. Gusto kong tumalon nang paulit-ulit, makayakap ang bawat taong makasasalamuha ko. Tingin ko naman hindi na hindi ako pagtatabuyan sa lagay na ito, hindi ba? Ang bango ko na, pakiramdam ko dumagdag din ang kagandahan ko noong naligo ako. Nadagdag? Mali ‘yong word. Walang nadagdag sa kagandahan ko dahil matagal na rin naman akong tinatagong alindog at lumitaw nga ito ngayong naligo ako. “Ang bango mo, Andeng!” Pabagsak akong humiga sa kama, at sa pagkakataong ito, hindi na imagine iyon dahil totoong ibinagsak ko ang aking sarili, ngunit walang sakit akong naramdaman. Nakataas ang aking kamay, napansin kong matulis ang aking mga daliri at naninilaw iyon, may iilan din sa mga daliri ang malapit ng mabulok. Nakaisip ako ng ideya na kailangan kong magpaganda. Siyempre, bakit hindi? Kung titira ako sa isang mansyon dapat ay maganda ako dahil ako ang reyna doon, dapat titingnan ako ng mga katulong na para akong isang maharlika, at aba dapat lalng dahil ako ang magpapasweldo sa kanila. Dapat pala ay isinama ko na ang ballpen at papel doon sa pina-order ko, para mailista ko na ang mga bibilhin ko kapag natanggap ko na ang isang milyon. Kailangan din na espesyal ang bawat kakainin ko sa hapagkainan. Sawang-sawa na ako sa biscuit at kape, balang araw kapag natikman ko iyon ay magtatae nalang ako dahil ayaw tanggapin ng aking sikmura ang mga pagkaing cheap. Napasinghot ako sa paligid, tumama ang paningin ko sa naka-plastic na pagkain, may logo roon na alam ko na kaagad kung sino ang may gawa. Kinuha ko iyon at inamoy, nakagugutom! Ang sarap ng spaghetti, at manok, samahan pa ng french fries at softdrinks na malamiglamig pa. Kaagad kong kinuha ang isang maliit na mesa at inapit iyon sa mesa para doon ko mailagay ang pagkain at para na rin madali kong makuha. Kaagad kong kinain iyon, lalo na ang french fries. Hindi ko gustong pumikit habang kinakain ito, kung ‘yong mga taong nasa billboard ay palaging nakapikit kapag tinitikman ang mga in-endorse nilang pagkain, ako hindi ko gagawin iyon. Dahil ginagawa ko na iyon dati kapag nananaginip akong gising, kapag nag-iimagine, at dahil hindi ito panaginip, gusto kong maitatak sa utak ko na simula palang ito ng mga magagandang mangyayari sa buhay ko. Ito lang ang napili kong ipa-order dahil wala pa akong ibang alam na sosyal na pagkain, hindi ko kasi alam ang ioorder ko sa mga ‘yon. Oo, nakakita na ako ng Starbucks pero ano bang peron doon? Kape at cake? Anong klaseng kape at cake ang bibilhin ko? Hindi bale, malalaman ko rin mamaya-maya. Dahil may damit na ako, p’wede na akong gumala. Pumasok ako sa banyo at pinagmasdan ko ang sarili ko. Hindi ko alam ang tawag dito pero nakasuot ako pantalon na abot hanggang baywang, ‘tapos meron ding damit pero umaabot hanggang pulso ko. Ewan ko ba kung bakit ito ang pinili ng lalaki, sinabi ko lang naman na hindi dapat kita ang kinikili sa damit na bibilhin niya pero hindi ko naman sinabing jacket ang trip ko. Ang init na nga sa Pilipinas, ipapasuot pa niya ito! Kinuha ko ang suklay at ginamit iyon sa aking sarili. Sobrang tigas ng buhok ko, alam mo ‘yong sobrang dami ko na ngang ginamit na produkto sa buhok ko, halos maubos ko nga pero hindi pa rin tinablan ang buhok ko. Sobrang tangina lang kasi ang sakit na sa batok at kamay dahil sa hindi nga ako nagpapagupit, lampas p’wet na ‘yong buhok. Kaya ito, hirap na hirap ako sa buhay ko ngayon. Siguro dapat akong pumunta sa salon, ‘tapos magpapaganda ako, ipapalinis ko ang buong katawan ko. Sa huli, hindi ko natapos ang pagsuklay dahhil nagkanda buhol-buhol na, nahirapan pa akong alisin ang suklay na nasa buhok ko. Sinubukan ko pero ayaw talaga. “Tangina?” napahilamos ako ng mukha saka hinayaan nalang na nandoon ‘yon. Kinuha ko ang susi at ‘yong pera na itinabi ko at dahil may bulsa na rin ako, nilagay ko nalang iyon doon. Pumunta na ako sa pinto at handang buksan iyon nang malaglag ang susi, nangalay kasi kanina sa kakasuklay, pupulutin ko na sana iyon nang mapatingin ako sa mga paa ko. Naka-tsinelas lang pala ako, at ang dumi ng mga kuko ko roon. May mga nakalilimutan pa ba ako? Bumalik ako sa kutson at umupo roon, iniisip ang mga bagay na nakalimutan ko hanggang sa malasanan ko ang sarili kong laway. Pumasok ako sa banyo at tiningnan ang mga ngipin ko. “Puno ng tartrar,” komento ko. Hinalungkat ko sa cabinet ang toothbrush at mabuti nalang ay mayroon ‘yon doon. Lahat nalang ata ng kailangan ko ay nasa loob ng bagay na ‘yon. May toothpaste din kaya swak din, kinuha ko iyon at nagsimula nang magtoothbrush. Nakalima ata ako, ramdam ko pa na parang nangingilo ang gilagid ko at nalalasahan ko ang dugo, pero pagtingin ko sa salamin ay naninilaw pa rin ang ngipin ko. Kapag titingnan nang malapitan, walang tartar pero bakit madilaw pa rin? Nakakabadtrip naman. Kailangan ko rin bang magpalinis ng ngipin? Tuluyan na akong bumaba gamit ang elevator, may kasabay pa akong magjowa: isang pinay at isang afam. Nasa likod nila ako, nasa harap naman sila kaya kitang-kita ko kung paano sila magharutan at ang mga kamay na kung saan-saan napapadpad. Gusto ko nalang ipikit ang mga mata ko sa mga nakikita ko, pero tinawag nila ako kaya napamulat rin ang mga mata ko. Tinanong nila ako kung saan ako bababa dahil sila na raw ang pipindot, saka sinagot ko naman. Lumingon sa akin ang pinay, tinaasan ako nito ng kilay. “Mag-isa ka lang teh?” Mukha ba akong may kasama? Tumango nalang ako sa kaniya at nang nandoon na ako sa floor ay mabilis pa sa alas cuatro akong bumaba. Mabuti naman at natapos na iyon, nakita ko pa silang may pahabol tingin sa akin habang tumatakbo. Hinawakan ko ang buhok ko na magulo, naiwan pa roon ang suklay dahil nga hindi ko matanggal. Hanggang sa paglabas ko ng hotel na iyon ay humahabol ng tingin ang mga tao kaya hiyang-hiya talaga ako sa sarili ko, nagmamadali akong kumuha ng taxi at sinabi sa kaniya na sa mall ang punta ko. Ibinababa niya ako sa mall na pinuntahan din namin ng babae, hindi ko na talaga mahalungkat sa utak ko kung anong pangalan niya o kung nagpakilala man siya sa akin. Pero hindi bale na nga, hindi siya ang problema ko ngayon kung ‘di ang buhok ko. Kung saan-saan ako nagpaikot-ikot sa mall ‘yon pala ay sa pinakadulong floor ko makikita ang mga beauty salon, magkakasama sila halos ng mga pang-exercise na mga gamit at pang-spa, pumasok ako sa isang store at kaagad naman akong sinalubong ng isang babaeng nakatingi. Tinawag ako nitong “madam” at kaagad na tinanong ang nais ko, ipinigay sa akin ang brochure at in-introduce sa akin ang mga services na in-offer nila pero wala akong maintindihan roon. “Gupit ba mayroon kayo?” tanong ko sa kaniya, tumango naman ang babae. “Hair cut lang po ba?” tumingin ito sa buhok ko at hinawakan iyon. “I think you need a rebond with brazilian treatment dahil sobrang freezy po ng hair niyo. We offer facial treatment din.” “Wala bang panglahatang katawan?” “Po? What do you mean?” “Full body treatment; pagputol ng kuko, panggupit, saka ‘yong sa ngipin na rin.” Napangiwi ang babae nang ipakita ko sa kaniya ang ngipin ko. Medyo napatakip din siya ng ilong saka napalayo sa akin. “You need to go to dentist po para malinisan iyon, at saka you should buy…uhm mouth wash? I am sorry, I didn’t mean to offend you.” Sinungaling. Yumuko ang babae saka bumalik sa pwesto niya kanina. “We have packages sa mga sinabi niyo po kanina pero hindi kasama ang paglinis sa ngipin.” Sinabi niya sa akin ang mga part ng package: paglinis sa mga kuko, foot massage, facial massage with black heads remover, paggupit ng uhok with rebond and brazillian treatment. Sinabi nito sa akin kung magkano ang magagstos at ibinigay ko naman sa kaniya kaagad ang bayad. Tinanggap naman niya iyon saka binigyan ako ng ipapantapal ko raw sa sarili ko habang ginugupitan ako. Inuna niya ang gupit dahil medyo kita niya rin na nahihirapan ako roon, tinanong pa niya ako kung anong gupit na hindi ko maintindihan. P’wede bang gupitin nalang niya para mawala na iyang sobra kong habang buhok? Alam ba niya ang pakiramdam na sobrang bigat na bigat ka na sa ulo mo dahil sa buhok na iyon? Kaya nang maputulan niya iyon ay sobrang gaan ng pakiramdam ko. Inilagay niya iyon sa basurahan at sinimulan nang suklayan ang buhok ko pero napatigil siya. “Bakit?” tanong ko “Uh, ang dami niyo po palang kuto ma’am. Nakapagpacheckup na po ba kayo? Baka may mairecommend sila na anti-headlice po or p’wede rin po kayong bumili sa mga katabi naming shop baka mayroon silang product na makakatulong sa inyo.” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tingnan siya ng masama. Napalunok naman siya at napatango nalang. “Pasensya na po.” “Gawin mo nalang ang trabaho mo, ate okay? P’wede ba ‘yon?” “Opo ma’am.” Sinabi ng babae sa akin na tatagal daw ng limang oras ang gagawin niya sa akin. Nagulat naman ako roon, siyempre sinong hindi? Ganito ba talaga kapag nagpapaganda? Wala na akong magawa kung ‘di ang tumango nalang. Basta siguraduhin niya na hindi ko pagsisisihan ang ginawa kong ito. Nakakangalay din palang umupo, wala pang isang oras akong nandoon pero umiinit na ang pwet ko habang ginagawa niya ang pagrerebond sa akin. Tahimik lang ang shop, ginagawan niya ng paraan para magkaroon kami ng usapan pero tipid lang ako na sumasagot kaya wala na ring siyang nagawa kung ‘di ang tumahimik. “Anong kulay mo, madam?” tanong niya sa akin matapos linisan ang kuko ko. Medyo nahirapan siya, sinabi niya rin na wala ng pag-asa na maiayos niya ang kuko ko na deads na pero matatakpan naman daw iyon gamit ang mga pangkulay. Tinuro ko ang pula, tumango naman siya at nagpatuloy sa ginagawa. At nang matapos ang pagkulay sa buong kuko ko, mapa-talampakan at kamay, pinahiga niya ako para sa isang facial massage with black heads removal. At dahil sa kanina pa nga ako nakaupo at sa pagkakataong iyon lang ako nakahiga, naging kalmado ako at napasarap sa pamamahinga. Nagising na lamang ako na wala na ang babae, hinanap ko siya at nakitang may iba siyang customer na inaayusan. Nang makita niya ako ay ngumiti siya. “Gising na po pala kayo madam.” “Bakit hindi mo ako ginising?” Natawa siya. “Ayos lang po na nakatulog kayo sa shop, madalas talagang mangyari ‘yon. Hindi ko na rin po kayo ginising tutal wala pa namanghihiga roon.” Kahit na. Dapat ginising niya ako. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader at nakitang pasado ala-sinco na ng hapon. Nagmamadali akong umalis doon at sinigurado ko na wala akong nakalimutan. Akala niya siguro ipagpapasalamat ko na hinayaan niya akong makatulog doon, pwes hindi dahil mali siya. Dahil sa kaniya, may mga plano ako ngayong hapon na hindi ko na magagawa dahil sa hinayaan niya akong makatulog. Habang naglalakad nang mabilis ay napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin sa mga store, napahinto ako at napahawak sa aking mukha. Ako ba ito? Hindi ako makapaniwala. Parang bumaba ang edad ko ng ilang taon, ‘tapos mukha rin akong pumayat dahil sa gupit ko. Bumalik ako sa hotel na iyon, bitbit ang mga pagkain at iba pang mga ipinamili ko. Pinagtitinginan nga ako ng mga naroroon, akala yata ay dito na ako titira sa lugar na ito. May mga ipinamili rin akong mga bagong damit saka mga kung ano-anong pampaganda at pampaputi. Matagal ko na itong pangarap at dahil nandito na lang din naman ako ay sinusulit ko na. Habang nasa elevator papunta sa floor ko ay may humabol pa na dalawa, napagtanto ko na iyon nga pala ang magjowa na nakasalubong ko kanina, nag-uusap ang mga ito, magkahingkingan na parang wala ako sa paligid. May balak silang puntahan, doon daw ay puwedeng maging milyonaryo at nalaman ko na kagagaling lang din nila kagabi roon at nanalo sila ng libo-libong piso at ngayon ay balak nilang bumalik. Bumukas ang pinto at nauna silang lumabas, pero nauna na akong naglakad sa kanila papunta roon sa kwarto ko. Naririnig ko pa rin ang boses nila kahit nakalock ang pinto, ibinagsak ko ang sarili ko roon sa higaan pero napabangon din ako para tingnan ang hitsura ko nang malapitan sa salamin. Napatampal ako ng aking noo dahil sa panay pasok sa aking utak ng mga naririnig ko. Kung pupunta ako ngayon doon, baka maging milyonaryo na ako ngayong gabi palang. Hindi ko na kailangan pang maghintay hanggang kinabukasan para lamang matanggap ang natitirang balanse sa isang milyon. Nakapagpasya na ako. Dali-dali akong nagbihis, nagpalit din ako ng sapin sa paa, nagtoothbrush, mouth wash, naglagay ng lipstick at pabango, pagkatapos ay dali-daling lumabas at tamang-tama dahil kalalabas lang din nila. Tumingin sa akin ang babae, maging ang kasintahan niya ay napahinto rin, nagkatinginan ang mga ito. “Is that you? We’ve seen each other earlier. You look better.” Papuri ng afam. Tinanguan ko nalang siya kahit na kinikilig ako sa papuri nito. Oo, sa papuri lang. At least alam ko na may epekto ang ginawa kong paggastos kanina, ‘di ba? Siniko ito ng pinay na kaakbay niya. “May date ka teh?” Umiling ako. “Wala, pero sasama ako sa inyo.” Lumapit sa akin ang pinay, pero bago ‘yon ay sinabihan niya ang afam na kakausapin muna ako nito. Nang makalapit ang pinay ay medyo napangiwi ako nang hinigpitan niya ang kapit sa akin. “Gurl, hanap ka ng iyo, okay? Alam kong p****k ka pero huwag mo namang hulihin ang nabingkit ko na. Akin na ‘yon kaya tigil-tigilan mo ang pagpapacute.” Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. Sino ba siya para idikit ‘yang mga daliri niya sa akin? Baka kung saan-saan niya pa hinawakn ‘yan, ang dugyot talaga. “Wala akong balak, gurl.” Paggaya ko sa tono ng boses niya. “Narinig mo naman sinabi ko ‘di ba? Ang sabi ko sasama ako sa inyo, hindi ko sinabing makikipagjukjukan ako kasama niyo.” Napakunot-noo ang babae. “Sasama ka sa amin?” Napaikot ako ng mga mata. “Magsusugal kayo, ‘di ba? Resorts World Manila, tama? Narinig ko kayong nag-uusap kanina at naisip ko na p’wede akong sumama sa inyo.” Napaatras ang babae. “Hindi ka p’wedeng sumama, eh. Unang-una, hindi ka namin kilala dahil baka mamaya miyembro ka ng sindikato. Pangalawa, bakit ka sasama sa amin na hindi mo rin kilala?” Para namang hindi ko kayang protektahan ang sarili ko kapag may ginawa silang kalokohan sa akin. Sa araw-araw kong pananatili sa kalye, batak nga ang puso, isip, at katawan ko sa mga kapahamakan na dulot ng lansangan. Ngayon pa ba ako matatakot? “Matagal mo na bang kilala ‘yang kasama mo?” tanong ko sa babae, nilingon niya ang lalaki na kumaway sa direksyon namin. Umiling ang babae bilang tugon. Ngumisi ako. “Gano’n naman pala, edi walang problema kung sasama ako sa inyo, tama?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD