Escapee

2706 Words
Andie Gregorio “Gusto niyong mag-enjoy?!” Narinig kong sigaw ni Nardo, kasunod niyon ay ang paghila sa akin ng isang kamay at marahas na pagtanggal nito sg duck tape sa aking bibig. Hindi ko mapigilan ang mapasigaw, pakiramdam ko natanggal ang pisngi ko sa ginawa niya, nag-iinit ang labi ko at nang basain ko ng laway iyon ay nalasahan ko ang dugo. Sunod nilang tinanggal ang piring ko sa mata, malabo sa umpisa ang aking nakikita na parang may usok sa paligid pero ilang sandali lang ay nawala rin iyon. Napalingon ako sa aking kaliwa nang marinig ang boses ni Justine na sumisigaw, tinanggal din pala ang tape sa kaniyang bibig, todo ang pagpupumiglas niya sa mga nakahawak sa kaniya pero hindi niya kaya ang mga ito at nang tuluyan nang tanggalin ang kaniyang piring ay saka siya napapikit at huminahon. Lumabas ang dalawang lalaki na kasama namin. Noong nakapiring ako, inasahan ko na napapalibutan kami ng grupo ni Nardo pero alisin nila ang nakatakip sa aking mga mata, napagtanto ko na hindi, na nasa isip ko pala ang bagay na iyon. Inikot ko ang paninngin sa paligid, nasa isa kaming maliit na bahay, sa hindi kalayuan ay mayroong isang kuwarto. Nang tumingin ako sa labas, doon ko nakita ang anim na kalalakiha, malawak ang mga ngisi nito habang nakatingin sa amin, nang itinutok ko ang pansin sa pinto, napansin ko na naka-lock iyon na para bang sinadya nilang iwan kami ni Justine sa loob. Inilapat ko ang tingin sa kasama ko, nalilito siya sa mga nangyayari, pero hindi nito naialis ang mga pamatay na tingin na kanina pa niya ibinabato sa akin. Hindi ko rin siya maintindihan, mahirap bang paniwalaan na hindi ako kasama sa grupo na ito? Wala nga akong kamalay-malay na sina Nardo pala an gustong pumatay kay Marshall at wala naman talaga sa plano nilang dalhin kami rito. Kung may tao man na may karapatan na magalit, sa aming dalawa ay ako iyon, dahil kung hindi dahil sa kaniya ay wala ako rito ngayon. Pero napagtanto ko na hindi ko pa pala nasasabi ang mga iyon sa babae, hindi ko pa naipapaliwanag ang parte ko dahil kaagad na naghimutok siya noong marinig niya ang usapan namin nina Nardo at sa paraan kung papaano ako magsalita sa mga miyembro doon sa van. Hindi ko alam kung may silbi pa pero susubukan ko. Unti-unti akong lumalapit sa kaniya, nakatali pa rin ang aking kamay sa likuran at medyo hirap sa paglalakad dahil maputik kong mga paa. Tinanggal nalang din nila ang duck tape at piring, bakit hindi pa nila sinama ang tanginang tali na ito? “Justine, makinig ka...” pero hindi pa man ako nakalalapit nang humakbang ang babae paatras sa akin. Huminga ako nang malalim para maging kalmado. Wala na akong pakialam kung nakatingin man ang mga lalaki na iyon sa amin habang sinasabi ko ito, wala kasing kasiguraduhan kung pananatilihin ba nilang nasa ganito kaming sitwasyon, baka mamaya ay pasukan na naman ng hangin ang utak nila at lagyan na naman kami ng ducktape at piring. Humakbang ulit ako papunta sa kaniya. “Huwag kang lalapit!” Napaatras ako. “Oo na, hindi na. Hindi na ako lalapit pero makinig ka muna sa akin.” “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Traydor ka! Tandaan mo ‘yong sinabi ko sa ‘yo noong nasa hotel tayo,” masama ang mga tingin na sabi niya sa akin. Napaisip naman ako. Alin doon? Sa dami ng pinagsasabi niya sa hotel, inagaw na niya ang eksena na dapat ay naging pag-uusap namin ni Marshall, sa hindi mabilang na mga sinabi niya, alin doon ang tatandaan ko? “At kapag nabuhay ako, ipo-post ko, ipapakalat ko sa lahat ang ginawa mo! Ikaw at ‘yang mga kasama mo, lahat kayo makukulong!” Tiningnan niya nang masama ang mga tao sa labas, lalong-lalo na si Nardo. Gusto kong sabunutan si Justine sa mga pinaggagawa niya. Hindi alam ng babaeng ito ang kayang gawin ng lalaki kapag tinamaan siya ng pagka-saltik. Kaya nga nag-iingat ako ngayon sa mga pinagsasabi ko dahil alam ko na p’wedeng-p’wede akong ipatumba ng lalaki na ‘yan kahit na ina pa ako ng anak niya. At dapat na pumasok sa maliit na utak ni Justine ang bagay na iyon, na hindi kami nasa teleserye na p’wedeng maawa ang mga taong iyon sa kaniya at patatakasin siyia. Kailangan niyang tumino, makisama kung gusto niya pang mabuhay. Marami pang pinagsasabi ang babae, pinagmumura ako nito kaya hindi ko na matiis, gusto kong takpan ang bibig niya pero hindi ko magawa dahil sa nakatali ang kamay ko, kung paharap sana ang pagkakatali ay ayos pa dahil may paraan pa para maabot ko ang bibig niya. Pero sa pagkaaktaon ding iyon na lumapit ako, sunod-sunod na laway ang tumalsik sa iba’t ibang parte ng katawan ko. Tanginang ‘yan. Tumingin ako kay Justine na nakangisi sa ginawa niya. At sayang-saya pa siya sa lagay na iyan ha? Siya na nga itong tinutulungan para humaba ang buhay niya, siya pa itong nanunura. “Justine, hindi ako ang kalaban mo rito.” Sabi ko sa kaniya, hininaan ko ang aking boses para hindi marinig. “Kailangan mong magtiwala sa akin, kailangan mong makisama kung ayaw mong mamatay.” “b***h, ikaw ang unang mamamatay sa ating dalawa.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi ko na alam ang susunod na ire-react ko dahil bigla siyang sumugod. Hindi na ako nakaiwas dahil hindi ko inaasahan na makakawala siya sa pagkakatali sa kaniya, at ngayong malaya na ang dalawa niyang kamay, ginamit niya iyon para sakalin ako habang ang bigat ng kaniyang katawan ay nakapatong sa aking tiyan. Nagpupumiglas ako, ramdam ko ang talim ng kaniyang kuko na bumabaon sa leeg ko, pinipilit ko ang sarili ko na makaalis sa pagkakahawak niya, sinusubukan kong tumayo pero lalo niyang pinabibigatan ang sarili. Tangina naman! Kaya ang ginawa ko nalang nililihis ang aking leeg pero kahit gawin ko iyon ay lalo lang niyang dinidiinan ang kapit, mas lalo siyang naiinis sa akin. Inis? Tama bang inis lang ang salitang gagamitin ko sa pagkakataong ito na kinakapos na ako ng hininga dahil sa ginagawa niya? Unti-unting bumibigat ang aking ulo, namamanhid iyon at parang gustong sumabog. Tumingala ako at naghanap ng p’wedeng gamitin, pero wala akong makita. Mula rito sa p’westo ko, nakikita ko ang mga lalaki na nagkakasiyahan. Naglalabas ng pera ang mga ito haang tinuturo-turo kami. Rinig ko ang kanilang mga sinasabi, na wala na raw akong pag-asang mabuhay, na ‘tapos na raw ang maliligayang araw ko sa mundo. Pinagmasdan ko ang kanilang mga ngiti, parang bumabagal iyon, ramdam ko rin ang pagtulo ng aking mga luha dahil sa kawalan ng pag-asa. Ito ba ang ibig sabihin nila ng kasiyahan? Ang akala ko ay balak nilang paglaruan si Justine kaya panay ang pagtutol ko sa kanilang plano, pero ito pala ang tinutukoy nila na gusto nilang mag-enjoy. Oo nga naman, hindi na dapat ako nagulat na ang kamatayan ng isang tao ang magpapasaya sa kanila. Pinatay nga nila ang lampas dalawangpung tao, anong pinagkaiba ko roon? Dagdag lamang ako sa mga itatapon nilang bangkay. Mapait akong napangiti, wala akong naaamoy, humihina ang pang-amoy ko sa mga nakapalibot sa amin kanina hindi katulad nang kararating ko lang rito. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang bagay na iyon o manlumo sa sarili ko dahil senyales ito na… “Tigil na ‘yan,” bumukas ang pinto, iniluwa nito ang isang lalaki, pwersahan niyang hinila si Justine palayo sa akin dahilan para makalanghap ako nang hangin. Napaubo pa ako, sunod-sunod na parang may isang sakit, at ‘yong tunog na iyon ay parang nanghihingalo, na desperadong makahanap ng hangin sa kaniyang paligid. Kung kanina na pagdating ko ay halos ayaw kong langhapin ang hangin, sa pagkakataong ito ay gustong-gusto ko na ang salungat niyon. Napahawak ako sa aking dibdib at sa mga kamay ko na nilalamig at nanginginig, pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit ang sarili na bumangon gamit ang pader na naging alalay ko. Hinarap ko si Justine na hawak ni Nardo, nagpupumiglas ang babae pero hindi niya kaya ang lakas niyon. Naramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng aking dibdib, ang matinding emosyon na bumalot sa akin at wala akong ibang gusto noong mga oras na iyon kung ‘di ang ilabas iyon. Isinarado ko ang aking kamao, masamang mga titig ang ipinukol ko sa kaniya at ganoon din siya sa akin. “Bitawan mo ako! Hindi pa tayo tapos Andeng! Tandaan mo—” Bumagsak ang katawan nito sa sahig, ipuan ko siya at sunod-sunod na pinagsasapak para makaganti. Mas matindi an gimpact kapag sinuntok ko ang mukha niya, gusto kong makita siyang nahihirapan. Hindi pa ito sapat para sa mga sakit ng ulo na dinala niya sa buhay ko, hindi niya alam kung ilang taon akong nagdusa sa kamay ni Nardo at kung ano ang mga naging paghihirap ko para lamang makaalis sa impyernong iyon ‘tapos sa isang iglap, biglang mababalewala lang ang lahat dahil sa babaeng katulad niya. Sinubukan ko namang magtimpi, pinilit ko na sabihin sa kaniya ang katotohanan na wala akong alam sa mga nangyayari pero masyadong sarado ang utak niya para pakinggan ako at sa halip na magalit sa mga lalaking nagdala sa amin ito, ibinunton pa niya sa akin ang lahat. Dinuraan niya ako nang ilang beses at nagkunwaring nakatali pa ang kaniyang mga kamay sa likuran para lamang ma-trap ako, higit sa lahat ay sinubukan pa niya akong patayin. Ubos na ubos na ang pasensya ko sa kaniya. Naramdaman ko na lamang ang paghila sa akin ng mga kamay, nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Nardo. Inis na tinanggal ko ang pagkakapit niya sa akin sa pinagmasdan si Justine na nakahandusay sa sahig, wala itong malay pero sigurado naman akong buhay pa siya. Naramdaman kong muli ang mga kamay ng lalaki pero kaagad ko ring inalis iyon saka padabog na pumasok sa isang kuwarto. Nilingon na lamang niya ako at mukhang wala na akong planong sundan. Mabuti nga iyon at mas mainam kung tuluyan na rin siyang lumayo sa buhay ko, wala na akong pakialam sa kaniya. Nagsumiksik ako sa gilid ng pader, yakap ko ang sarili habang patuloy na umiiyak. Tangina bakit ba ayaw tumigil ng luha kong ito? Kahit ang mga kamay ko ay patuloy na nanginginig, pilit kong kinokontrol iyon pero naninigas lang. Siguro dahil sa mga alaalang bumabalik sa akin, na noong sinasakal ako ni Justine ay naalala ko ang mga pinagagawa sa akin ni Nardo at hindi ko matanggap na nagawa kong saktan ang kapwa ko babae. Lumapat ang tingin ko sa lalaking kapapasok lang, si Nardo, may dala siyang tubig. Kanina ko pa iniisip ang bagay na iyon, noong papunta kami rito at narinig ko ang lagaslas ng tubig, napagtanto ko na hindi pa pala ako nakaiinom ng tubig mula nang nasa hotel kami, iniisip ko pa niyon na sana ay tinanggap ko nalang ang pagkain na inialok ni Marshall. Kaya nga nang makita ko ang tubig, ganoon nalang ang pagmamadali kong makuha iyon at mainom. Nanginginig pa ang kamay ko at nagkanda-tapon pa ang laman pero nainom at naubos ko naman halos lahat. “Matulog ka muna,” pinagmasdan ko ang kuwarto. Sinabi ni Nardo na kailangan kong magpahinga pero hindi ko magagawa iyon, lalo na kapag pumapasok sa utak ko na ang kuwartong ito ay minsan ng hinigaan at ginamit ng mga taong pinatau niya. “Dito ka lang muna, may kailangan pa akong asikasuhin.” “Ano?” kahit wala naman akong interes kung ano iyon, gusto ko lang talagang nasa paligid si Nardo para may proteksyon sa mga taong nandito, kahit na binalak nitong patayin ako kanina. “Salamat nga pala,” labas sa ilong ang mga salitang iyon. Pakyu siya, wala akong dapat ipagpasalamat sa taong kagaya niya. Natawa si Nardo sa sinabi ko, napapailing nalang ito bago kinuha ang armas na nasa gilid ng bulsa niya at kinasa iyon. “May magbabantay muna sa iyo rito habang wala ako, may kailangan lang kaming hanapin.” Hanapin? Anong gagawin niyo sa kanila? Hindi pa ba sapat ang mga pinatay ninyo? Gustong-gusto kong itanong sa kaniya ang mga iyon pero hindi ko nagawa dahil kailangan kong makisama, ayaw kong dumating sa puntong pagbuuhatan niya ako ng kamay at siya mismo ang kikitil ng buhay ko dahil lang sa sakit niya ako sa ulo. “Sino?” “Anak ni Senator Agustin, ‘yong babae.” Nanlaki ang mga mata ko. Nandito sa lugar na ito si Olivia? Hindi p’wede. Kailangan niyang makaalis, kailangan niyang mabuhay. Gusto kong umalis sa kuwarto noong mga oras na iyon, gusto kong hanapin si Olivia at itakas siya. Hindi siya p’wedeng mamatay, napakabata pa niya. Alam kong malayo ang mararating niya, p’wede siyang maging modelo o ‘di kaya ay artista. At saka kahit papaano naman, nakatulong sa akin si Oliva at si Marshall. Binigyan nila ako ng pera, kung tutuusin p’wede nilang hindi na gawin iyon dahil p’wede naman nila akong patahimikin. Ang akala ko nga noong una ay ang pamilya nila ang may utos na ipasundan si Justine noong nandoon kami sa hotel, pero mali ang theorya ko dahil ayon na rin mismo kay Nardo, si Marshall ang target nila at hindi kami. Ang ibig sabihin lang niyon ay walang banta sa buhay namin at walang inutusan ang pamilyang iyon na ipapatay kami. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Gusto kong pilitin ang sarili ko na hindi ko kasalanan ang mga nangyayari pero hindi ko magawa. May parte sa akin na nagpapasalamat sa pamilyang iyon dahil kahit papaano ay naranasan kong magkapera, masulit ang dalawang araw na buhay mayaman ako. Kaya sa oras na iyon, ang nasa isip ko lang ay masiguradong ligtas si Olivia. Pero bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ko kailangang isipin ang buhay ng iba? Hindi ko gusto na nagkakaganito ako. “Oliva?” narinig kong wika ni Nardo, napatingala ako sa kaniya. “Olivia ba ang sabi mo?” Napakunot-noo ako, may sinabi pa akong ganoon nang hindi ko namamalayan? Ganoon ba kalalim ang iniisip ko para hindi malaman na may sinasabi na pala ako sa kaniya? Umiling si Nardo. “Hindi si Olivia ang nakatakas kundi ‘yong isang babae na kapatid nila.” Napaisip ako. May kapatid pa ba ang dalawang iyon? Biglang pumasok sa akin ang senaryo na kung saan nagsasalita si Justine, nasa hotel kami niyon at nakatutok ang atensyon ko sa labas dahil inaabangan ko ang bawat sasakyan na paparada at ang bawat sakay nito. Inakala ko pa nga na si Marshall ang nakasakay sa kotse kung hindi lang pamilyar sa akin ang mukha ng lalaki na may-ari pala ng hotel. Si Marshall na unang beses kong nakita na nakasakay sa big bike at simpleng nakaporma, ni wala malang alahas o body guards ang nakapaligid sa kaniya. Alam kaya ng lalaking iyon na may banta sa buhay niya? Alam kaya nito na pinugutan ng ulo ang lalaking kanang kamay ng ama niya? “Eh sino?” tanong ko. Sinubukan kong alalahanin ang pangalan ng babae, sigurado naman ako na narinig ko na iyon, na sinabi iyon ni Justine pero hindi ko lang maalala dahil masyadong nakatuon sa ibang bagay ang atensyon ko. Tumingin ako kay Nardo, naghihintay sa isasagot niya. “Si Sikel Villavicencio, anak ni Agustin sa ibang babae.” Pagkatapos niyon ay umalis na siya habang ako naman ay naiwang nakaupo. Pinagmasdan ko ang kuwarto, kinuha ko ang mga kumot at anupang bagay roon hindi para gamitin kung ‘di para alisin. Hindi ko gusto na dumidikit o nakikita ko iyon lalo na dahil iba ang amoy niyon, at alam kong amoy iyon ng mga taong dating natulog sa kuwartong ito. Napapaisip tuloy ako, sino kaya sila? Nasaan ako? Nang matapos kong maitabi ang mga iyon ay pinagmasdan ko ang higaan. P’wede na akong makahinga nang maluwag dito kahit papaano, hindi naman sasakit ang katawan ko kung walang mga unan dahil batak na ako roon, puno na nga ng kalyo ang likod ko. Teka, ano ‘yon? Kinuha ko ang bagay na nasa higaan, napaktan iyon kanina ng kumot kaya hindi ko napansin. “Notebook?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD