Andie Gregorio
Nagising ako s tunog ng pagbukas ng van, iminulat ko ang mga mata ko pero wala akong nakita. Napagtanto ko na may nakatakip pala doon kaya sinubukan kong tanggalin pero may kamay na pumigil sa akin. Naramdaman ko ang init ng hininga nito sa aking tenga, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang posisyon namin ni Nardo, nakahilig ang aking ulo sa kaniyang balikat habang ang kamay naman nito ay nakapulupot sa aking leeg. Kaagad akong umatras palayo sa kaniya at sinubukan uli na alisin ang tela na nasa aking mga mata pero hinila niya ang kamay ko dahilan para hindi ko magawa iyon.
“Ano bang problema mo?!” asik ko sa lalaki
“Nandito na tayo,” sagot niya. Natigilan ako sa sinabi nito. Ano bang tinutukoy niya? Sinubukan ko ulit na tanggalin iyon pero pinigilan akong muli ni Nardo. “Bawal mong tanggalin ‘yan, maglalakad ka palabas habang hawak kita.”
Bakit naman niya ako kailangang hawakan kung may mga mata naman ako? Kaya kong maglakad! Hindi na ako kagaya ng inaasahan niya na isang mahina at pabigat na babae, kaya ko na ang sarili nang walang tulong mula kanino man. Hindi na ako umangal pa, nanatilil akong nakaupo habang pinapakinggan ang mga nangyayari sa labas. Nakabukas ang van, siguro ay bababa pa kami pero bakit pa nila pinapatagal? Ano bang nangyayari? Iginala ko ang aking kamay sa harapan, sinusubukang kapain si Justine pero wala siya roon, inilipat ko pa sa ibang pwesto, ngunit may kamay na pumigil sa akin.
“Nauna na ang kasama mo,” nanlamig ako sa sinabi niya. Ano ang ibig nitong sabihin na nauna na? Nauna nilang pinatahimik? Pero malabong mangyari. Sinabi nila kanina na dinala nila kami para mapakinabangan. Ano ba ang ibig nilang sabihin doon? Balak ba nila kaming gawing parausan? Nag-init bigla ang ulo ko. Oo, hindi kami magkasundo ng babae na iyon, na inuna ko ang aking sarili kaysa sa kaniya. Nagawa ko lang naman iyon dahil wala akong choice, siya ang nag-udyok sa akin na gawin iyon, pero hindi naman p’wede na habang nandito ako ay gagawin nga nilang kapaki-pakinabang si Justine, na bababuyin nila ang babaeng iyon. Hindi ko gustong magaya siya sa kapalaran ko. Maganda ang vlogger na iyon, tipikal na mga influencer na may pagkamapili sa mga isinusuot, at sa mga nilalagay sa mukha kaya hindi na ako nagtataka na mapagtripan siya ng mga bata ni Nardo. Pero kahit naman hindi maitsura ay papatusin nila, gano’n sila kung maimpluwensyahan ng mga ginagamit nila. Hinawakan ng lalaki ang aking balikat, napapitlag ako. “Relax ka lang, Andeng. Wala silang ginawa sa babaeng ‘yon, kung ‘yon ang inaalala mo.”
Hindi ako maniniwala sa isang taong sinungaling na katulad niya. Hindi mapapanatag ang kalooban ko hanggang hindi ko nakikita si Justine. Bakit ba kasi kailangan nila kaming piringan? Ang sabi ni Nardo, bawal ko raw tanggalin pero bakit naman? Wala akong makita miski anong liwanag, tanging tenga ko lang ang makakaramay ko ngayon. Minabuti ko nalang na makinig sa paligid. Kung pagbabasehan ko ang sinabi ng lalaki, sigurado ako na exclusive itong lugar na ito, ayaw nilang makita namin kung saan kami para wala kaming ideya sa kung ano ang mga mangyayari. Pero hanggang kailan? Hindi naman p’wedeng palagi nilang ibabaltot ang mga mata namin para lang sa gusto nila.
Nakarinig ako ng mga yabag ng sapatos, umuga ang sasakyan at sa tingin ko ay dahil kinapitan iyon ng isang tao. “Boss, patay na siya.”
“Tangina, anong sabi mo?!” napatayo ako sa kinauupuan, nauntog pa ako pero hindi ako nagpatinag, kahit sa mga brasong nakayakap na pinipigilan ako. “Anong ginawa niyo kay Justine? Tangina ninyo!” Naramdaman kong namamasa ang aking mga mata. Naaawa ba ako? Hindi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Siguro mas matimbang pa ang galit, gusto kong manapak ng tao pero paano ko gagawin iyon? Naramdaman ko ang paghigpit ng telang nasa likuran ko. Minabuti ni Nardo na itali ako para hindi makawala, gumamit din siya ng duck tape para itakip iyon sa aking bibig. Hindi ako makahinga sa ginagawa niya, gusto kong magsalita at sumigaw pero hindi ko na magawa.
“Ayos ‘yan Boss para manahimik siya,” wika ng lalaki. “Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa babaeng ‘yan, baka maging sakit sa ulo pa natin ‘yan sa susunod. Bakit mo pa ba dinala ‘yan dito? Mabuti pa ‘yong isa good girl,” humagikgik ang lalaki. Naisarado ko na lamang ang aking kamao dahil sa mga pinagsasabi niya.
“Ina siya ng anak ko,” sagot ni Nardo. Narinig ko pa ang mahinang komento ng lalaki pero hindi na ito nagdagdag ng sasabihin. Siguro ay nagpalitan ang mga ito ng mga titig, hindi ko alam, ewan, basta nakinig na lamang ako sa usapan nila. “Sigurado ka bang siya ‘yon?” tanong ni Nardo.
“Oo, Boss. Positive na si Darius ‘yon, kanang kamay ni Senator Agustin. Kung gusto mo bumaba ka para makita mo nang harapan. Mag-eenjoy ka pramis! Hihihi!”
Kanang kamay ni Senator Agustin? Pinatay nila ‘yong nagngangalang Darius? Tangina talaga. Ano bang pumasok sa isip nila at ginawa nila ang mg bagay na ito? Hindi naman ganito si Nardo dati, ni hindi ko nga alam na may mga tao sa gobyerno ang may kapit sa kaniya. Ang naiisip ko lang noong mga oras na iyon ay makaalis sa lugar ng lalaki. Pero base naman sa ikwinento ni Marshall, na dealer daw nila ang aking ama. Papaanong nangyari ang mga ito? Naguguluhan ako. Hindi ko na dapat pinoproblema ang mga bagay na ito pero dahil kasama ako ni Nardo, wala akong magawa kung ‘di ang makinig sa mga usapan nila at isipin kung ano ang mga nangyayari at mangyayari dahil sa sitwasyon ko ngayon, imposible na makatakas pa ako. Nakakatangina talaga, kung bakit ba naman kasi nagyari sa akin ang mga bagay na ito. Kung alam ko lang na magkakaganito ang buhay ko pagkatapos kong humingi ng tulong kay Justine at makilala si Oliva, hindi dapat ako nag-abala pang habul-habulin ang isang milyon na inaasam ko.
Sana ay nakuntento nalang ako sa pakunti-kunting pera na nakukuha ko sa pagnanakaw, maliit nga iyon kumpara sa isang milyon o isang daang libo na ibinigay sa akin ni Marshall gamit ang isang libo pero ayos na rin iyon kaysa mapasok ako sa gulong ito.
Hindi ko tuloy alam kung sino ang mas walang utak sa amin ni Nardo, mukhang siya ata. Kung makapagsalita siya noon sa akin, para bang isa akong walang kwentang tao na wala ng nagawa sa buhay niya pero tingnan mo naman siya ngayon. Ano bang pumasok sa isip niya at bigla siyang pumapatay ng mga tao at ang pamilya pa ni Senator Agustin! Hindi pa siya nakuntento dahil dinamay niya pati ang kanang kamay nito. Hindi ba niya alam na inaanak ng presidente si Olivia? Paano nalang ang mangyayari kapag nalaman ng presidente ng Pilipinas na may banta sa buhay ng Olivia na iyon at kapatid nito na si Marshall? Panigurang iniikot na nito ang buong Pilipinas, baka nga naka-ronda na ang mga tanod, nakapatrol na ang mga pulis at may mga check point na rin sa iba at ibang lalawigan sa bansa. Ang tanga mo talaga Nardo. Papaano nalang kapag nahuli ang van na ito o hindi kaya ay biglang in-ambush? Tangina, ayaw ko pang mamatay.
Naramdaman ko ang pag-alis ni Darius sa aking pwesto, hinawakan nito ang braso ko papalabas. Kamuntikan na akong madapa sa daan kung hindi lamang niya ako hawak. Sa ilang segundo ay sementado ang aming tinatapakan pero pagkatapos niyon ay pinalitan na ng madamong lugar. Umaabot hanggang tuhod ko ang mga d**o, ramdam ko ang mga maliliit na batong tinatapakan ko at ang iba pang mga halaman na tumatama sa aking mukha habang naglalakad ako. Pagkaraan ng ilang sandali, naramdaman ko na nababasa na ang aking sapin sa paa hanggang sa tuluyan nga itong nabasa nang lumubog ako sa putik.
“Tumingin ka nga sa dinadaan mo,” narinig kong sabi ni Nardo. Ay ganoon ba? Eh kung tanggalin niya kaya itong piring ko sa mata? Nakalimutan niya ata kung ano ang ginawa niya sa akin. Tinakpan na nga niya ang mga mata ko, nagawa pa niyang itali ang aking mga kamay sa likod na parang kaya kong makatakas mula sa kanila. Hirap na hirap akong tanggalin ang paa ko na lumubog sa putik, nang matanggal ko naman ay madulas-dulas naman ako sa paglalakad. Puta, pahirap naman talaga sa buhay itong dalawang ito.
Nakarinig ako ng lagslas ng tubig, napalunok ako dahil sa naramdamang uhaw. Ngayon ko lang naalala na hindi pa ako nakakakain simula pa kanin, kung alam ko lang na magkakaganito edi sana hindi ko na tinanggihan ‘yong pagkain na alok sa akin ni Marshall noong nandoon kami sa hotel para mag-usap kasama si Justine. Sana pala sinulit ko na para kahit papaano, kapag ito na ang huling araw ko sa mundo ay masasabi ko namang busog ako. Hindi ‘yong ganitong sitwasyon na kahit tubig ay wala akong mainom. Tumawid ako sa isang tulay na hindi sobrang haba, alam kong tulay iyon dahil narinig ko ang lalaking kasama namin na nagsasalita. Masyado rin siyang madaldal at hindi naman problema sa akin iyon, sa mga ganitong pagkakataon ko nga gusto ng mga taong kagaya niya dahil tingin ko naman may mga makukuha akong info tungkol sa kung saan kaming lugar ngayon.
Pagkatapos ng mga nangyari, simula nang lumabas ako sa van at naramdaman ang mga d**o, mga bato sa paligid at lagaslas ng tubig, sigurado ako na wala na kami sa Maynila. Impossible naman kasing magkaroon ng tuloy-tuloy na lagaslas ng tubig sa isang syudad, maliban nalang kung may mga tagas ng tubig sa mga gripo na kadalasang problema ng mga Pilipino roon. Impossible ring dagat iyon dahil alam ko ang tunog ng hampas ng alon dahil nakakapunta rin naman ako sa Manila Bay. Nasabi ko nga na hindi ko na kailangan pa ng mapa para lamang malaman ang bawat sulok ng lugar na iyon dahil buong buhay ko ay nasa kalye ako, at alam ni Nardo iyon dahil nakasama ko rin naman siya sa buhay ko. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit napili niyang piringan ako, dahil alam niyang malalaman ko kaagad kung saang lugar kami. Bumagsak ang aking balikat. Wala na siguro akong pag-asa ‘no? Hindi na dapat ako umasa na tatanggalin nila ang piring ko.
Napangiwi ako nang makaamoy ng masangsang na amoy, gusto kong takpan ang ilong ko pero hindi ko magawa. Napilitan nalang tuloy ako na magpigil ng hininga dahil sa amoy patay na dagang amoy na nasisinghot ko. Alam kong malapit lang iyon pero hindi ko matukoy kung saan banda, parang nagkalat sa paligid. Tangina, p’wede bang alisin na nila itong tali ko? O baka p’wedeng pabalikin nalang ako doon sa van, mas ayos pa ang amoy doon dahil may aircon at air refresher, hindi katulad dito. Nasaan ba kami? Nasa sementeryo?
“Tangina,” naibulong ko nalang sa hangin nang mapagtanto ang mga nangyayari.
“Mahigit bente, Boss. Gumagawa na ng hukay ang iba para maibaon pero mas maganda sana na maicremate natin para wala ng bakas,” narinig kong sabi ng lalaki. Naninindig ang balahibo ko sa katawan. Kaya pala nagkalat ang amoy sa paligid dahil ang totoo ay nagkalat ang mga bangkay ng mga tao. Hindi ito sementeryo, hindi ito isang lugar na dapat ay may ‘rest in peace’ dahil isa itong salvage site. Namalayan ko nalang ang sarili ko na napahakbang paatras pero may kamay na kaagad na pumigil sa akin. “Ano sa palagay mo, Boss?”
“Malabong mangyari ‘yon. Hindi natin sila madadala sa malayo nang walang makakatunog, lalo na sa amoy nila na ‘yan.” Sagot ni Nardo, hinila ako nito at naglakad kami. Sa tingin ko ay papalapit kami sa bangkay dahil amoy-amoy ko iyon. “Nasaan si Darius?”
Walang nagsalita. Naghihintay din ako ng sasabihin nila. Oo, alam ko na patay na ito dahil na rin sa narinig ko ang usapan nina Nardo pero kagaya ng lalaki, gusto ko ring malaman kung nasaan ito. Nang malaman nito kung nasaan ang bangkay ng hinahanap niya, sinama ako nito papunta roon. Matapos ng palalakad ng ilang metro, huminto rin kami. Narinig ko na napapitik ng dila ang katabi ko.
“Sino ang pumugot ang ulo niya?”
Tangina…may ilalala pa pala ang mga nalaman ko kanina.
May lumapit sa amin na isang lalaki, kaboses nito ang lalaki na nagsabi ng bente kanina. Ilan ba silang nandito? Mahirap mabilang lalo na kung boses lang basehan dahil may naririnig pa akong mga tawanan sa hindi kalayuan. “Surprise ba, Boss? Ako may gawa niyan. Utos na rin niya, saka bilang ebidensya na rin.”
“Buhay ba siya nang gawin niyo ‘yan?”
“Syempre, Boss! Ang baduy naman kung papatayin muna namin siya bago gawin ‘yan.” Sinang-ayunan siya ng ibang mga tao na nasa paligid, nagtatawanan pa ito na parang hindi buhay ng isang tao ang kinuha nila. Pero hindi lang naman isang tao ang kinuha nila, ang sabi rin nito kanina ay mahigit bente. Hindi man nito sinabi kung sino ang nasa likod niyon, alam kong kagagawan nila ‘yon. “Sino ‘yang chix na ‘yan, Boss? Pupugutan din ba namin ‘yan? Baka p’wedeng hayaan mo muna kaming mag-enjoy.”
“Yun oh!”
“Tiba-tiba tayo diyan!”
“May isa pa ‘yang kasama!”
Wala akong ibang choice noong oras na iyon kung ‘di ang ilapit ang sarili ko kay Nardo. Ayaw ko man pero kailangan ko siya ngayon lalo na dahil “Boss” nga nila ito. Dapat siguro ay hindi na ako sumuway sa mga pinag-uutos ng mga ito, dapat makisama muna ako sa kanila hanggang sa makasigurado ako na ligtas na ako. Sa lugar na hindi ko alam at napapaligiran ng mga taong sabog ang utak, mahalagang may kakampi ako. Naramdaman ko naman ang kamay ng lalaki na humawak sa aking balikat, na para bang sinisigurado nito na walang mangyayari sa akin. Narinig ko ang pagkadismaya ng mga lalaki, narinig ko nalang na itutuon nila ang atensyon kay Justine kaya sunod-sunod akong napailing.
Hindi p’wede. Hindi maaari.
Naramdaman ni Nardo ang pagtanggi ko sa mga nangyayari. Umalis ito sa tabi ko pero bago iyon ay pinaupo ako sa isang upuan. Para akong isang batang uhugin na umiiyak at naghahanap ng pamilya pero wala akong malapitan, hindi ko alam kung nasaan si Nardo. Wala namang mangyayaring masama sa akin, ‘di ba? Poprotektahan ako ng lalaking iyon, hindi ba? Gusto kong punasan ng sipon na tumutulo galing sa aking ilong dahil sa kakaiyak ko pero hindi ko ito magawa. Pakiramdam ko, sobrang hina ko. Na hindi na ako ang dating Andeng na kinatatakutan ng mga nasa kalye.
“Gusto niyong mag-enjoy?” narinig kong tanong ni Nardo. Guminhawa ang pakiramdam ko, ibig sabihin ay nasa malapit lang siya. Pero anong sabi nito? Enjoy? Hindi, huwag mong gagawin! Panay ang iling ko. Naramdaman ko nalang ang marahas na ang paghila sa akin, para akong kinakaladkad patungo sa isang lugar. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga nangyayari, binitawan ako ng lalaki at iniwan ako sa kung saan. Maya-maya ay nakarinig ako ng pag-ungol ng isang babae, na para bang pumapalag ito.
Justine? Ikaw ba ‘yan? Justine!
Bumagsak ang aking katawan sa semento nang may ihagis sa akin na mabigat na bagay. Pero nang marinig ko ang paghikbi nito, napagtanto ko na hindi iyon bagay. Tao..isang babae. Walang iba kundi si Justine. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.
“Gusto niyong mag-enjoy?!” Narinig kong sigaw ni Nardo, nagsihiyawan ang mga lalaki sa paligid na para bang pinagpupustahan kami. Nagsusumiksik sa akin si Justine, hindi man kami makapagsalita ngayon ay alam ko na pareho kaming gulong-gulo at natatakot sa mga nangyayari. Gusto kong hanapin si Nardo, itanong kung bakit niya ginagawa ito. Nanay pa rin ako ng anak namin pero bakit nagagawa niya ito sa akin? “Pwes mag-enjoy kayo!”