Assassination

2738 Words
Andie Gregorio Condolence? Tangina niya. Kung p’wede ko lang siyang saktan noong mga oras na iyon para mailabas ang sama ng loo ko, ginawa ko na. Ang kapal lang talaga, kung ano ikinaamo ng mukha niya, ‘yong naman ang ikinasama ng ugali. Hindi na ako magtataka na ganoon nga ang kaniyang naging pagkilos dahil sa mga sinabi nito na patungkol sa ama ko, sigurado na ako na kilala niya iyon. Malamang pinaimbistigahan ako ng pamilya nila, dapat ay inasahan ko na iyon para sa mga taong katulad nila na segurista. Bakit nga naman sila magpapaapekto sa katulad ko? Bakit sila manginginig o matatakot sa mga salitang sinabi ko kahit na napakaraming ebidensya? Para sa mga taong katulad nila, para lang akong isang alikabok na madaling linisin, at kayang-kaya nila akong patumbahin anumang oras. Masyado akong nagpaka-kampante na sa pamamagitan ng mga simpatya na nakukuha ko sa mga tao ay maiiwasan ko ang mga pagbabanta na iyon. Pero sa reyalidad, wala naman talaga silang pakialam sa katulad ko. Kapag may panibagong issue, siguradong matatakpan lang nito ang sa akin dahil habang tumatagal ay magsasawa na rin ang mga tao sa mga kadramahan ko, at kapag nangyari iyon, ibabaon nalang sa limot ang mga ito na parang walang nangyari. Ibinaba ko ang tingin sa papel na hawak ko, may pag-iingat kong hinawakan iyon magmula nang umalis ako sa hotel. Nakita ako ni Tado, hindi naman na nakagugulat iyon dahil nandoon siya sa labas at paniguradong sinundan niya ako sa utos na rin ni Marshall. Inaasahan ko nga na magpapang-abot kami, na gagawa siya ng eksena roon pero hindi niya ginawa. Nakapagtataka tuloy, hindi naman gano’n ang Chato na kilala ko. Dahil sigurado, na kapag namalan nito na ginagatasan ko ang kamatayan ng lolo niya, siguradong tatambangan ako niyon hindi dahil sa hindi niya mapatawad o masikmura ang ginagawa ko kung ‘di dahil sa hindi ko sinabbi sa kaniya para naman may porsyento siya sa pera. Kilala ko ang lalaking iyon, sa pagkatamad niya ay sigurado akong hindi niya hihindian ang perang ito. Kahit ano pang kadramahan ang gawin niya, hindi niya ako mapapaniwala na may pakialam siya sa matanda dahil ni minsan ay hindi naman niya ito binigyan ng importansya. “He’s here. You guys should divide it in half.” Naaalala ko pa ang nga salitang iyon na binigkas ni Marshall. Sigurado ako na inutusan niya roon si Chato pero nakapagtataka na parang walang ang lalaki sa nangyayari. Nandoon lang siya sa labas, nagtataka kung bakit ako nandoon at kung sino ang kausap ko. May posibilidad kaya na pinaglalaruan lang ako ng Marshall na iyon? Nakakairita naman. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko dahil sa mga nangyayari. Problemado na nga ako kay Chato, dumagdag pa ‘yang Marshall Villavicencio na iyon. May sinabi siya tungkol sa pamilya ko, kahit hindi man niya kumpletong sinabi, alam ko na may koneksyon sila ni Papa. Hindi na nakapagtataka, backer nga ito ng mga bagay na iyon. Kung sabagay, mas mapapadali ang mga transaksyon kung may isang tao na nasa mataas na posisyon ang nagtatago ng mga baho nila. Sabi ko na nga ba, hindi lahat ng mga may inosenteng mukha ay anghel, ang iba sa kanila ay mga demonyo. Kaya pala ganoon nalang kung tumakas si Olivia sa kasalanan niya, dahil kinalakihan na mahal nito ang ganoong klaseng environment sa pamilya nila. “Aanhin mo naman ang bilyong piso kung kapalit niyon ay buhay ng mga taong sinira mo?” Napatingala na lamang ako sa kalangitan. Bumabalik sa akin ang mga alaalang nais ko nang ibaon nang buong buhay ko. Pero kita mo nga naman, kahit anong gawin ko ay sobrang nakakatangina lang talaga ang mga nangyayari. Napahawak ako sa akin tyan, naramdamdaman ko ang mainit na luha na lumabas mula sa akin. Napapitik ako ng dila bago inalis ang kamay sa aking tiyan at pinunasan iyon. Ano na ngayon ang mangyayari? Kung hindi lang sana biglang sumulpot si Chato ay hindi ako matataranta na pirmahan ang kontrata na iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito sa cheke, paano ko ba ito makukuha? Ni hindi manlang nasabi sa akin ni Marshall. Kailangan ba rito ng identification cards? Wala ako ni isa sa mga iyon. Talagang pinaglalaruan ako ng lalaking iyon. Dapat cash nalang ang binigay niya sa akin para hindi ako namomroblema ng ganito. Paniguradong sinadya niya ang mga nangyari para mapilitan akong pirmahan ang kontrata, pero anong gagawin ko ngayon? Kaunting pera nalang ang natitira mula sa cellphone na ninakaw at binenta ko, binayaran ko kasi ‘yong limang daan na balanse ko sa hotel. At least ngayon, hindi ko na kailangang mag-alala na kakalat ang mukha ko bilang isang wanted dahil lang doon sa balanse. Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone. Lumitaw ang pangalan ni Justine, ang vlogger na iyon na dagdag pa sa sakit ng ulo ko. Pero teka, kaapg tumalbog itong cheke, p’wede akong makiusap sa kaniya na i-post ang video at sabihin roon na sinubukan akong suhulan ni Marshall. Sana nga lang hindi sinunod ni Justine ‘yong sinabi ko sa kaniya na itigil ang pagvideo noong lumipat kami ng pweste tatlong mesa ang layo mula sa kaniya, sana pasimple niya pa ring kinuhanan ng video ang mga nangyari. Kaya lang, baka totohanin ng lalaking iyon ang banta niya na kakasuhan ang babae kapag na-leak ang video. Kung bakit ba naman kasi masyadong tanga ang babaeng iyon na nangako pa na walang video na mangyayari. “Andeng!” narinig kong sigaw niya kaya nailayo ko ulit ang cellphone. Hindi ba p’wedeng kumalma muna siya kahit ngayong araw lang? Palagi kasing pataas ang boses ng babaeng ito. Kahit noong nandoon kami sa hotel at nagvo-vlog siya, nakakairita. “Bakit ka umalis? Nasaan ka na?” Luminga-linga ako sa paligid. Gabi na pero ang liwanag pa rin dahil sa mga 24/7 na mga tindahan na nakabukas. “Napatawag ka?” “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, pero sige, p’wede ka bang pumunta rito sa hotel?” Sa hotel? Hindi pa rin siya nakakaalis doon? Ano bang trip niya sa buhay? At saka bakit ba niya ako pinapapunta roon? Balak ba nitong kunin ang pera ko? Pero hindi naman niya siguro alam ang nangyari, hindi ba? Malabong marinig niya ang mga nangyari kaya p’wede kong itago nalang ito sa kaniya kaya lang p’wede rin siyang makatulong sa akin para makuha itong pera. Wala kasi akong kaide-ideya kung papaano itong gagawing pera. Kaya lang papaano kung hindi niya alam ang mga nangyari at madismaya siya na pinermahan ko ang kotrata? Alam ko namang famewhore si Justine pero hindi ko naman maitatanggi na may silbi siya sa akin. Pero anong gagawin ko? Teka, bakit ba ako nag-aalala? Noong umpisa palang naman ay ito na ang plano ko. Wala na dapat akong pakialam sa babaeng iyon. “Ano namang gagawin ko diyan?” “May kailangan lang akong sabihin. Importante ito.” Importante? Bakit hindi nalang niya sabihin sa akin? Bakit kailangan ko pang pumunta roon? Wala naman na akong kailangan sa kaniya, nasa akin na ang pera at wala na siyang maihuhothot sa akin dahil kailangan kong tumupad sa usapan namin ni Marshall. Napatingin muli ako sa cheke. Siguro ay kailangan kong sabihin sa kaniya ang desisyon ko, kahit ano pang magiging reaksyon niya ay ayos lang naman, ang mahalaga ay matulungan niya ako sa huling pagkakataon na makuha itong pera. Napabuntong-hininga ako bago um-oo. “Thank you! Thank you!” Napangiwi ako sa mga ikinikilos niya. Nakakapagtaka talaga siya. Muli akong bumalik sa hotel, marami pa ring nakaparadang van at nakapagtataka na may isa roon na hindi maayos na nakaparada. Sanay naman na ako sa mga pinoy na hindi sumusunod sa mga batas o kahit mga simpleng instructions pero hindi ba kapag mag-oovernight kayo rito sa hotel, dapat ay sigurado ka na maayos ang pagkakaparada mo? Napapitik nalang ako ng dila. Ang titigas talaga ng mga ulo nila. Pumasok na ako nang tuluyan sa van, doon ay nakita ko si Justine na putlang-putla. Nang makita niya ako ay umaliwalas ang mukha niya, tumakbo siya sa akin at niyakap ako. Iginala ko naman ang paningin ko kasi baka may camera na naman at acting lang ito katulad ng una naming pagkikita, pero wala akong nakitang camera. Mukhang ginalingan nilang magtago ngayon. Hinila ako ni Justince paupo sa pwesto niya kanina, pagkatapos ay nagsalita ako. “Anong importante ‘yon?” Siguraduhin lang niya na importante nga iyon dahil baka mamura ko siya kapag hindi. Inilapit niya ang mukha sa akin, na para bang matinding sikreto ang sasabihin niya. “Hindi ko alam, pero parang may sumusunod sa akin. Natatakot ako.” Halos manlamig ako sa aking narinig. Tangina talaga niya! Puta, puta. Pinagpapawisan ako kahit na ang lamig naman ng paligid. Iginanala ko ang paningin sa paligid, tinitingnan kung may mga nakakadudang tao ang nasa paligid. Hinarap ko siya, “Sigurado ka ba?” Tumango siya. “Nasa byahe na ako, pauwi pero napansin ko na may sumusunod sa akin na van. Hindi ko gustong umuwi ng bahay kasi baka i-salvage kami buong pamilya,” napasabunot si Justine ng buhok niya. “Hindi ko kayang madamay sila dahil sa katangahan ko. Andeng, anong gagawin ko? Natatakot ako. Marami pa akong pangarap sa buhay, papakasalan ko pa si Jeffrey, boyfriend ko. Hindi ko pa nga nalo-loss ang virginity ko sa kaniya eh!” Gusto kong sabunutan siya sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para makuha pang magbiro sa mga pagkakataong ito. Ang sabi niya, natatakot daw siya. At ngayon pa talaga siya natakot matapos ang lahat ng nangyari? Ngayon lang ba pumasok sa utak niya na noong unang beses na nag-upload siya niyon sa social media ay nasa delikado na ang buhay niya? At bakit naman niya ako pinapapunta roon? Balak pa ata niyang idamay ako sa kamalasan ng buhay niya. Hindi lang ata kung ‘di sigurado. Pinapunta niya ako rito at siguradong tuwang-tuwa ang mga papatay dahil sa dalawa na kami ang nandito. Sino naman ang may gagawan nito? Walang duda, ang pamilyang Villavicencio. “Teka, saan ka pupunta?” hinila ni Justine ang damit ko nang magtangka akong lumapit. “Iiwan mo ako? Andeng naman! Tinulungan kita, ‘di ba? Binigyan kita ng pagkakataon para masabi mo ang nangyari sa lolo mo. Huwag mo namang gawin sa akin ito.” Napangisi ako sa mga pinagsasabi niya. Inaasahan ko talaga na isusumbat niya ang lahat ng ito sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang braso niya at tinanggal iyon sa damit ko. “Magkano kinita mo?” “Ha?” “Huwag mo akong gawing tanga, babae.” Napanganga siya sa sinabi ko, hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ko. Ano bang akala niya? Na magpapasalamat ako matapos ang lahat? Nakuha ko na ang gusto ko; mayroon na akong isang daang libo ‘tapos biglang papupuntahin niya ako para idamay sa kamatayan niya? ‘Tapos anong gusto niyang gawin ko? Na magpasalamat? Isa siyang malaking pakyu. “Pulubi ako pero hindi ako tanga, hindi ako bobo. Tingin mo ba wala akong kapasidad na mag-isip nang katulad mo? May kinita ka sa pagvo-vlog sa buhay ko, ‘di ba? Anong inaarte mo ngayon?” Isang malutong na sampal ang tumama sa aking mukha. Pakiramdam ko na-dislocate ang panga ko sa lakas niyon. Umiinit ang pisngi ko dahil sa impact. Hinarap ko siya pero nakatikim na naman ako ng malutong na sampal sa pangalawang pagkakataon. “Wala kang utang na loob! Kapag namatay ako ngayon, isusunod kita!” Tinalikuran ko siya. Nagwawala siya sa restaurant at nagising na ang mga tao dahil sa pagwawala niya. “Tandaan mo ‘yan Andeng!” Tss. Drama. Nagmamadali akong gumamit ng elevator para makaakyat sa floor na pinuntahan ko dati. May nakasalubong akong matanda, hindi ko alam kung bakit mayroong gano’ng edad na nasa hotel pero wala na akong pakialam. Basta ang alam ko lang ay nagmamadali ako, kailangan kong makatakas mula sa mga nais pumatay kay Justine. Hindi ako papayag na dito lang mauuwi lahat ng mga apaghihirap ko. Hindi naman ako p’wedeng lumabas sa exit dahil siguradong mahuhuli nila ako. Tangina talaga, ano ng gagawin ko? “Pasensya na!” Sigaw ko sa matanda na aksidente kong nabangga dahil sa pagmamadali. Natataranta ako sa mga nangyayari. Bakit hindi? Sigurado akong papahirapan ako ng mga taong iyon. Matapos ng mga nangyari, sa mga kahihiyan na idinulot ko sa pamilya Villavicenci, hindi nila palalampasin ang pagkakataon na ito na mapatahimik nila ako. “Mag-ingat ka naman, hija!” sigaw ng matanda saka inayos ang nagulo niyang damit. Nakatodo pustora ito, hindi tipikal na matandang babae na nakikita ko sa daan dahil siya ay naka-lipstick at makeup pa. Humingi ulit ako ng tawad sa matanda hanggang sa mawala na ito sa paningin ko dahil nakasakay na sa elevator. Nagpakawala ako nang hininga nang mangyari iyon, kinapa ko ang bagay na nasa aking bulsa, at napangiti. “Nakuha rin kita,” matagumpay na sabi ko. Madali lang naman iyon dahil isa na iyon sa mga taktika namin bilang isang magnanakaw. Noong nabangga ko ang babae, ah hindi, dahil sinadya ko iyon. Hindi ko siya nabangga dahil binangga ko siya para sa susi na ito. Tiningnan ko ang numero na naroroon sa susi at nalamang 105 iyon, doon rin sa mismong kuwarto na tinuluyan ko noon. Mabilis kong ipinasok ang susi sa keyhole at binuksana ng pinto, ini-lock ko rin iyon para sakaling bumalik ang matanda ay hindi siya basta-basta makakapasok. Tumingin ako sa bintana at nalula sa taas niyon. Iginala ko ang paningin sa paligid, umaasang magkaroon ng ideya. Dahil hindi ako p’wedeng lumabas gamit ang ordinaryong pinto, kailangang kong mag-improvised. Pinagsama-sama ko ang mga kumot maging ang takip ng mismong higaan, naghanap din ako ng iba pang tela sa cabinet pero wala ng iba roon bukod sa tuwalya, nang maipagsama-sama ko na iyon ay sinigurado kong mahigpit kong naipagbuhol. Napahinga ako nang malalim bago tumingin uli sa bintana. Oo, magnanakaw ako. Pero tangina, hindi ako isang akyat bahay gang. Hindi ako gano’n klaseng magnanakaw kaya rinig na rinig ko ang kabog ng dibdi ko. Parang hindi ako mamamatay sa mga nagbabanta sa buhay namin kung ‘di dahil sa atake sa puso. Tumingin ako sa ilalim para makita kung saan ang maiaabot ng nagawa ko pero laking dismaya ko an ghindi manlang iyon umabot sa kalahati ng bababain ko. Hindi naman ako p’wedeng tumalon nalang pagkatapos niyon, ‘di ba? Siguradong bali ang buto ko kapag nagkataon. Ano nga ba naman ang aasahan ko sa isang kumot, bedsheet, at tuwalya? Siyempre hindi talaga aabot iyon lalo na nasa 4th fllor ako. Napatingin ako sa pinto nang marinig kong may kumakatok doon. Akala ko ‘yong matanda pero sunod-sunod na pagpapaputok ang narinig ako. Hindi ko na magawa pang bumaba roon dahil kailangan kong magtago para hindi matamaan ng baril. Nabutas nito ang pinto, at naging dahilan iyon para madali niyang mabuksan ang pinto. Pigil ang aking hininga sa mga nangyayari. Nagtago ako sa ilalim ng kama, kitang-kita ko ang itim na sapatos nito habang papalapit siya nang papalapit. Bakit ba pakiramdam ko ay naririnig nito miski ang aking hinga? Ngayon lamang ulit ako nakaramdam ng ganito, na mahina ako. Naramdaman ko na bumigat ang kutson. Nawala ang mga paa ng kung sino man iyon. Umakyat ba siya sa kutson? O umalis na? Kailangan kong manatili muna rito, kailangan kong makasigurado. Magpapalipas muna ng ilang— “Aaaah!!!” Kumawala sa akin ang tili nang magpaputok ito sa mismong kutson. Tumagos ang bala papunta sa ilalim, kamuntikan na akong tamaan niyon. Tangina, ano bang pumasok sa utak ko at sumigaw pa ako? Ang tanga lang. “Lumabas ka na,” wika nito. Pero hindi ko ginawa. Muli siyang nagpaputok. “Labas!” “Oo na! Oo na! Putangina naman, nangwa-warshock ka talaga eh no?!” Dahan-dahan akong gumapang papalabas pero sinipa niya ang kama. “Bilis!” Napapikit na lamang ako nang mariin. Tangina talaga. Nang tuluyan na akong makalabas, hindi ako makatingin sa kaniya dahil natatakot ako. Ang alam ko lang ay naakbonet ito at isang lalaki. Tinutukan ako nito ng baril, itinapat niya iyon sa sintido ko. Pumikit ako. Alam ko na noong mga oras na iyon ay katapusan ko na. Ikinasa niyang muli ang hawak. At ang huli ko na lamang na narinig ay ang pagputok niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD