Andie Gregorio
“Ulitin mo ang sinabi mo kanina,” makailang beses kong sinabihan ang babaeng ito na magsalita pero hindi pa rin nito ginagawa. Hindi ko naman siya magawang saktan dahil may kailangan pa ako sa kaniya, pero kahit anong pilit ko ay hindi ako sinusunod nito. Parang takot na takot sia sa akin nang gisingin ko siya mula sa pagkakatulog, wala naman akong ginawa sa kaniya. Binangungot ba siya? “Nagsalita ka kanina. Hindi mo ba na naaalala?”
Nankatitig lang ang babae sa akin, mamula-mula ang kaniyang mga mata na para bang maiiyak na. Napaismid ako. Kung magdrama ang babaen ito ay sinaktan ko siya, pero wala naman akong ginagawang masama. Noong marinig ko siyang magsalita, hindi talaga ako makapaniwala niyon, hinintay ko na ulitin niya ang iniusal niyang pangalan pero hindi na nito ginawa kaya naintiriga ako, ginising ko siya at ito nga, nanlalaki ang mga mata niya ngayon at nakatingin sa mga kamay ko na nakahawak sa kaniya na para bang sinasaktan ko siya. Inialis ko nalang ang kamay ko, mukhang wala talaga itong balak magsalita kahit na ano pang pagpupumilit ang gawin ko.
Bumalik ako sa pwesto ko at muling ibinalik ang damit na hinihagis ng lalaki na nakita ko sa tabi ng babaeng ‘yon. Habang ginagawa ko iyon ay panay ang sulyap ko sa babae na ngayon ay nakaupo at yakap ang mga tuhod niya, nakatingin ito sa malayo na parang malalim ang iniisip. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko kung ano ang possibleng nangyari sa babae kung bakit siya nagkakaganyan, baka dahil sa paulit-ulit na p*******t sa kaniya ng mga bata kaya natutuliro siya. Pero ano bang pakialam ko? Napailing nalang ako saka tinawag siya. “Anong gusto mong itawag ko sa iyo?” Hindi siya sumagot. “Sierra…” sa pagkakataong iyon ay lumingon sa akin. Sierra, huh? “Yan nalang ang itatawag ko sa iyo.”
Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya, bumalik na ako sa pagkakahiga saka pumikit at habang nasa ganoong kalagayan ay tinawag ko siya, sinabi ko sa kaniya na huwag na siyang bumalik sa pagkakatulog dahil oras naman para patulog. Hindi naman ayos ‘yong siya itong binabantayan ko ‘tapos himbing na himbing siya. At saka maganda na rin na may mga matang nakabukas habang natutulog ako para alam kong ligtas pa rin ako. Hindi ko naman gusto na masakal ulit ako ng lalaking iyon sa pangalawang pagkaaktaon. Suking-suki na ang leeg ko sa pananakal at ayaw ko na maka-three points sila. Isa pa, hindi ko nakita na inaresto ang lalaki, baka pagala-gala lang ito sa paligid at naghihintay ng pagkakataon para umatake. Maganda na iyong makasigurado ako.
Nagising ako dahil sa tunog ng ambulansya, sa palagi kong pananatili sa kalsada, madalas na iyong mangyari na maalimpungatan ako dahil sa tunog na iyon. Tiningnan ko si Sierra, napaismid ako nang makita siyang natutulog din. Aba puta naman, sobrang kalmado ng pakiramdam ko dahil akala ko ay binabantayan niya ako ‘yon pala natutulog din siya. Kung si Chato lang ang babaeng ito, baka nabato ko na siya dahil sa inis. Hindi na tuloy ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko siya na magagawa niya ang mga iuutos ko sa kaniya, kung ito pa nga lang na bantayan ako sa pagkakatulog ay hindi niya ginawa nang matino. Pero ewan ko ba, maimpluwensiyahan ng utang na loob ko sa kaniya ang mga naging desisyon ko. Utang na loob? Tama ba ang naisip kong iyon? Hah, mali. Wala akong dapat na ganoong iniisip, kaya ko lang siya gustong makasama ay dahil sa posible niyang maitulong sa akin.
Naisip ko lang kasi na p’wede ko siyang gamitin para mapadali ang pagnanakaw ko, dahil nga wala akong back up dahil wala na ako doon sa p’westo namin ni Chato na may mga kakilala ko, at dahil wala na rin ang mga bata na p’wede ko sanang asahan, wala na tuloy akong pagpipilian kung ‘di ang isama siya sa sa mga plano ko. Napatitig ako kay Sierra, kung noong mga oras lang na iyon ay pinili kong makita ang mga babala, kung binigyan ko lang ng importansya ang ipinakita niyang ugali na hindi niya sinunod ang iniutos ko na bantayan ako habang natutulog, kung itinuring ko lang na red flag ang bagay na iyon, hindi na sana darating pa sa puntong pagsisisihan ko ang pagsama sa kaniya sa mga plano.
Lumapit ako kay Sierra, iyon nalang ang tinawag ko sa kaniya tutal iyon naman ang salitang una kong narinig sa kaniya. Ayaw ko namang pahirapan pa ang sarili ko na mag-isip ng pangalan na parang nanay niya ako at cargo ko siya. Ni hindi nga pinag-isipan ng mga magulang ko ang aking pangalan na “Andie” at ang palayaw kong “Andeng”, ‘tapos ako pahihirapan ko ang sarili ko na mag-isip pa ng pangalan na para lang sa taong hindi ko kilala? Isa pa, hindi naman siya tumanggi sa sinabi ko, lumingon pa nga siya noong tinawag ko siya ng ganoon. Nang makalapit na sa babae ay mahina kong sinampal ang mukha niya, nabigla ang babae at biglang napabangon. Ganito ba siya palagi? Isang praning? Kailangan niyang kumalma paminsan-minsan. Kung ganito siya na palaging kinakabahan, baka bigla siyang sumablay na ikapahamak namin.
Pasikat na ang araw nang gisingin ko siya, sinabi ko na buhatin niya ang mga karton pero hindi nito ginawa. Wala ba itong balak sumama sa akin? Akala ko ay pumayag na siya na tutulungan ko siyang kumita ng pera, napag-usapan na namin iyon noong nasa tindahan kami ng burger. Hindi siya umalma, malaya nga siyang sumama sa akin kaya inasahan ko na ayos na ang lahat ‘tapos biglang maiinarte siya ng ganito. Hinarap ko ang babae habang dinadampot ang mga karton ko, kung wala siyang balak sumama sa akin ay bahala siya, naglakad ako palabas pero napahinto nang maramdamang may sumusunod sa akin, si Sierra iyon. Bagot na bagot ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Sasama ka sa akin?” tanong ko pero hindi siya sumagot, muli akong humakbang at humakbang din siya. So sasama nga siya? Nilingon ko ang mga naiwang karton niya na nasa likuran. “Hindi mo ba dadalhin ‘yon mga karton mo?” tanong ko rito pero hindi siya sumagot. Tinalikuran ko ang babae at tuluyang lumabas habang siya naman ay sumusunod din sa akin. Bahala siya kung ayaw niyang dalhin ang higaan niya pero huwag niya asahang kikilos ako o papahirapan ang sarili ko na maghanap ng higaan niya mamaya. Naalala ko pa kung ilang minuto ako nagpagala-gala para lang makuha itong karton ko, tinanggihan pa nga ako ng isang pinoy dahil natatakot ito sa sasabihin ng amo niya na nakatingin sa bawat ginagawa nila gamit ang CCTV. Kaya huwag asahan ng Sierra na ito na gagawin ko ulit iyon para sa kaniya, matulog siya sa sahig kung trip niya mukhang sanay naman ang babae dahil may mga galis ito sa katawan.
Napahinto ako sa paglalakad nang makitang na-green na ang stoplight, pero napaabante ako nang may tumama sa likod ko, muntik na tuloy akong mahagip ng sasakyan. Napatingin ako sa may gawa niyon, walang iba kung ‘di si Sierra. Kung kahapon ay hindi siya nakakapagsalita, ngayon naman ay bulag na siya. Ang lawak ng daan para maglakad siya at matamaan pa ako. Hindi nalang ako nagsalita at hinintay na magbago ang kulay, pagkatapos niyon ay naglakad na ako sa pedestrian, pero nang lumingon ako sa likod ay hindi nakasunod sa akin si Sierra. Muntik na akong mapahilamos ng mukha kung hindi ko lang naalala na may sugat pala ako, muli akong bumalik doon saka hinila siya para makatawid na kami. At nang makarating sa dulo ay hindi ko na mapigilang pagsabihan ang babae dahil sa mga katangahan nito. P’wede bang iayos niya ang turnilyo ng utak kahit ngayon lang? Kailangan niyang magfocus dahil kapag hindi niya ginawa iyon, talagang iiwanan ko siya rito. “Masyado kang agaw pansin kanina,” sabi ko na may purong katotohanan naman.
Papaano ay ayaw pa nitong sumama sa akin at sapilitan pa ang naging paghila ko. Gusto ko na ngang makaalis doon dahil baka may balasubas na driver ang biglang sumulpot kahit naka-red ang spotlight. Ganito naman kasi sa Pilipinas, maski pagsunod sa batas trapiko hindi nila magawa, ang dami tuloy na mga batang kalye ang nasasagasaan. Pero ano bang ipinagkaiba ko sa kanila? Pare-parehas lang din naman kami na mga utak-biya sa mga batas. Ako na magnanakaw, at sila na mga kamoteng driver. Napagpasyahan ko na hawakan nalang ang kamay ni Sierra para hindi na siya gumala sa kung saan-saan, iniabot ko rin sa kaniya ang karton para mabuhat niya at mabuti naman na hindi niya tinanggihan iyon.
Pagkatapos ng mahba-habang paglalakad ay nakarating kami sa paradahan ng mga jeep na patungo sa Divisoria. Kahapon doon sa pinagbilhan ko ng burger kasama si Sierra, nalaman ko na December 29 na pala. At dahil lumipas na ang mga oras, December 30 na ngayon at paniguradong dadagsa ang mga tao sa isa sa pinaka-busy na market dito sa Pilipinas tuwing may ganitong okasyon, walang iba kung ‘di ang Divisioria. Siguradong maraming mga tao ang mga napiling ngayon mamili ng mga paputok dahil sa naging abala sila sa mga nakaraang araw, p’wede rin naman na mas lalong dumami ang mga tao sa mismong oras nalang nalang ang natitira bago mag-Bagong Taon. Hindi na bago sa akin ang ganoong kalakaran dito, at saka mga Pinoy ‘yan, palagi ‘yan silang nagpapahuli pagdating sa mga ganitong bagay. Mabuti nalang talaga dahil malapit nang mapuno ang jeep nang sumakay kami, hindi na namin kailangan pang maghintay nang matagal para maghintay.
Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang magmataas ng kilay nang mapansin nakatakip ang mga bunganga at ilong ng mga pasahero. Kahit hindi nito sabihin, alam ko na dahil iyon sa mga amoy naming dalawa ni Sierra. Ang aarte naman ng mga pasaherong ito. Bakit? Kahit kailan ba hindi sila naging amoy putok? Kung makapandiri sila sa amin para namang ikamamatay nila na katabi nila kami. Kinuha kko ang pera at inabot iyon pero nagtagal pa sa ere an gkamay ko na parang ayaw nilang kunin, sa huli may matandang kumuha niyon. “Dalawa ‘yan,” sabi ko. Nakakabadtrip! Napangisi ako, nakaisip ako ng medyo-medyo magandang ideya para sumaya ang araw ko. Nang malapit na kami sa babaan ay umalis na ako sa pagkaakupo at bumwelo para bumaba, sumunod sa akin si Sierra pero nang biglang prumeno ay nawalan ako ng balanse at napayakap sa isa sa mga pasahero, nang makita ko naman si Sierra ay napahawak sa isa sa mga pasahero. Sayang nga dahil hawak lang ang ginawa niya.
Tuluyan na kaming nakababa, rinig na rinig ko pa ang reklamo ng mga pasahero lalong-lalo ng isa sa mga niyakap ko. Oo, niyakap dahil sinadya ko talagang gawin iyon. Bagay lang iton sa kanila, kulang pa nga iyon para sa mga pagmamaliit nila. Lamang lang naman isa ng ilang paligo, kaya din naman naming maging matino. Nagawa ko nang magmukhang mayaman, nakapasok pa ako sa hotel, nakabili ng cellphone, at iba pa. Sila ba nagawa na nila iyon? Mga feeling malinis pero hindi naman. Iginala ko ang paningin sa paligid, tama nga ako, nagkalat sila ngayon dito. Sobrang daming tao na halos wala ng galawan, iisipin ko nga na kung may traffic na mga sasakyan, ganoon din ang mga tao. Nagkalat ang iba’t ibang mga laruan, mga damit na pwedeng pang-regalo, at siyempre hindi magpapahuli ang mga paputok. Kapansin-pansin ang ibang mga tao na sobrang daming binili, siguro nasa libo rin iyon, ganito talaga ang mga tao kung maglustay ng pera. Kung mayroon lang akong pera na ganiyan karami, hindi ko gagamitin ‘yon sa pagbili lang ng mga paputok na hindi ko naman mapapainabangan. Minuto lang ang itatagal niyan sa itaas, pero kapag binili nila ng ibang bagay: ng mansyon, ng mga pampaganda, siguradong sulit iyon.
Umupo muna kami sa mga lugar na hindi masyadong siksikan. May mga batang naglalaro doon, hindi ng mga laruan kung ‘di ng mga paputok. Mga ipinagbabawal iyon sa batas pero ginagawa pa rin nila, kapansin-pansin ang mga pulis na nagkalat sa paligid pero hindi nila sinusuway ang mga ito. Nandito lang ata sila para maging palamuti. Tapos na ang Pasko pero naka-display pa rin sila. Tiningnan ko si Sierra, panay ang ikot ng mga mata niya sa paligid na parang isang bata na tuwang-tuwa sa mga nakikita, tinawag ko siya pero hindi nito ako narinig kaya hinawakan ko sa panga para lumingon sa akin.
“Hindi tayo nandito para mamasyal, maliwanag?” At katulad ng dati ay hindi pa rin ito sumusunod. “Nandito tayo para magnakaw, nakita mo ‘yong mga taong ‘yan, lahat sila may dalang pera ngayon dahil magba-Bagong Taon. Pero hindi muna natin sila pagnanakawan, magpapalipas muna tayo ng gabi.”
Naisip ko lang na kung mismong sa besperas ng bagong taon namin gagawin ang krimen ay hindi na mag-aabala ang mga tao na pumunta sa presinto, o ‘di kaya kapag nasa kulungan sila ay hindi kaagad sila mapapansin ng mga ito. Pero ang problema, hindi na nila kailangan pang pumunta sa police station dahil nga nagkalat ang mga pulis. Pero dito naman papasok ang role ng mga mamimili. Dahil nga dami nila, p’wede akong magtago roon at magpanggap din na mamimili pero kagaya nga ng sinabi ko rin sa pagpaplano kasama ang bata, mahalaga ang back up kasi papaano kung bigla kang tiningnan ng pulis at nakitang hawak mo ‘yong gamit ng tao? Wala kang takas doon. Pero kung naiabot mo ito sa taong kasabwat mo, madali kayong makakatakas.
Tumingin ako kay Sierra, inulit-ulit ko ang mga sinabi ko sa kaniya para maalala nito. Hanggang sa sumapit nga ang besperas ng bagong taon, nagsimula na akong kumilos habang si Sierra naman ay nasa basuharan at nagpapanggap na kumukuha doon ng pagkain. Hindi naman na magtataka ang mga tao, hindi sila maghihinala dahil mukha naman talagang hamog ang babaeng iyon. Nang makalapit na ako sa target, mabilis kong hinablot iyon at kagaya ng inaasahan ay sumigaw ito at hinabol ako, madaling narinig ng mga pulis, sinabi ng babae ang detalye ng itsura ko. Nang tumapat ako sa basurahan ay kaagad kong nilagay doon ang bag ng biktima ko, pagtapos ay tumakbo.
Akala ko ay ayos na, napapangisi pa ako niyon dahil may pang Media Noche kami pero mula sa malayo ay nakita kong kinuha ni Sierra ang bag na itinapon ko sa basurahan at pinagmasdan niya iyon. Hawak lang niya at hindi manlang siya nag-aalala. Tangina, ano bang iniisip niya? Akala ko ay itatago niya iyon pero hindi niya ginawa, at base sa ikinikilos niya ay wala siyang balak gawin iyon. Sunod-sunod akong napamura, tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga pulis na pinaghahanap ako. Tinantya ko sa utak ang segundong tatakbuhin doon, kailangan ko lang ibalik ang bag sa basurahan at hilahin paalis doon ang babae. Nagsimula na akong tumakbo, nagawa ko naamng ibalik ang bag pero nahirapan akong paalisin doon ang babae. Huli nang maisipan kong iwanan nalang siya doon dahil nakita ako ng babaeng biktima ko, noong patakbo ako sa isang direksyon ay may sumulpot na pulis doon.
Bumagsak ang aking balikat, lumingon ako sa likod at nakitang binitbit din ng pulis si Sierra dahil patuloy na nagsasalita ang babaeng biktima na kasabwat ko raw iyon, masyadong matulis ang mang-amoy niya. Pinosasan ako ng pulis, ramdam ko ang malamig at masikip na bakal na nasa inilagay sa akin na ginawa rin kay Sierra. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang dinadala ako nito sa loob ng sasakyan, hindi ko maintindihang mabuti ang pinagsasabi ng pulis, nakikita ko lang na bumubuka ang labi nito pero wala akong naririnig. Tuluyan na kaming pumasok sa police station, ipinasok kami sa magkahiwalay na selda, ilang oras lang ang lumipas ay nakarinig ako ng mga paputok.
Mapait akong napangiti. Bagong taon sa kulungan. Tanginang ‘yan.