Andie Gregorio
“Anong ginawa mo?!” Hindi pa ako nakatatayo nang sumugid siya sa akin, hinila niya ang damit ko dahilan para tumaas ito lalo. Oo nga sinabi na parehas sila ni Chato ng ugali pero kihit gano’n ay may pagkakaiba pa rin naman sila. Si Chato ay mallit na lalaki, habang ang isang ito naman ay matangkad. Kaya siguro ganoon nalang siya kung magpakita ng tapang sa akin dahil iniisip nito na kayang-kaya niya ako. “Tinuloy mo pa rin ‘yong walang kwenta mong pinagsasabi kagabi?”
“Ano bang ibig mong sabihin?” tanong ko sa lalaki, mahigpit ang kapit nito sa aking damit na halos ikasakal ko na mabuti nalang dahil napipigilan ng dalawang kamay ko ang ginagawa niya. Ano bang problema ng lalaking ito? Kung makaasta siya para namang sobrang nagmamalasakit siya sa mga bata samantalang ginugulangan nga niya ang mga iyon. “Bitawan mo nga ako!”
“Huwag ka nang magsinungaling! May sinabi ka na magnanakaw kayo, ‘di ba?”
Ah iyon ba? Oo, may sinabi nga ako na gagawa kami ng krimen pero nagbago ang isip ko. Mas gusto ko na sila nalang ang kumilos at ako ay dito nalang muna habang nagpapagaling sa natamo kong sugat at saka wala akong ganang tumakbo matapos ang mga nangyari, ayaw ko na munang pahirapan ang sarili ko dahil kailangan kong makakuha ng lakas. Kaya nga pinabayan ko an gmga batang iyon na gumawa ng krimen nang sila-sila lang mismo, ano pa bang silbi na tinuruan ko sila ‘tapos ako lang din ang gagawa? At saka alam naman ng mga batang iyon ang risk ng kanilang ginagawa, may mga utak na ang mga iyon para magdesisyon sa kailang buhay, nagawa nga nilang umalis sa mga bahay nila at magsama-sama rito. Binibigyan ko lang naman sila ng pagkakataon na magbagong buhay mula sa mga nakasanayan nilang tamang gawain. Kagaya nga ng sinabi ko, hindi sila tatagal sa kalye kung hindi sila marunong dumiskarte. Oo, tinuruan ko silang magnakaw pero hindi ko sinabing magpahuli sila. Mga bata talaga na iyon, mabuti nalang hindi ako sumama dahil baka nadamay din ako.
“Wala akong alam sa pinagsasabi mo,” ito ang isa sa mga motto ng magnanakaw: huwag kang aamin na nagnakaw ka. Kahit na harap-harapan ay nahuli ka na, kailangan mong tandaan na kapag walang matibay na ebidensya ay p’wede kang tumanggi. Kapag mga mata lang ang nakakita sa iyo, p’wede mong gawan ng kwento ang mga nangyari para hindi ka kaduda-duda. Iyon nga lang, sa pagkakataong ito ay walang susuporta sa mga pinagsasabi ko. “Bitawan mo sabi ako!”
Pero alam ko naman na hindi niya ako paniniwalaan. Kahit na hindi pa ako tumagal sa lugar na ito, nababasa ko ang lalaking ito. Siya iyong tipo ng tao na hindi tatanggapin na nagkamali siya kaya laking pagtataka ko nang biglang lumuwag ang kapit niya sa akin. Akala okay na, na kahit papaano ay pinaniwalaan niya ang mga pinagsasabi ko pero bigla ako nitong tinulak hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. Tangina, parang nabali ata ang buto ko sa impact niyon. Hindi pa man ako nakababawi sa ginawa niya, hinawakan naman nito ang mukha ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit. Sinadya nitong hawakan ang sugat ko sa mukha, tinanggal niya ang tali saka tuluyang pinadaan doon ang kaniyang daliri. Putanginaaa, hinawakan ko ang kaniyang kamay para pigilan iyon, gusto ko rin siyang sipain pero nagawan niya ng paraan para maharang ang mga binti ko. Sinubukan ko siyang kagatin pero dahil hawak niya ang sugat ko, mas lalo niyang dinidiin iyon na parang ipinapasok niya sa sugat ang kaniyang daliri.
Tumatagos hanggang kalamnan ko ang sakit, masama ang mga tingin na ipinupukol ko sa kaniya, pero walang epekto iyon. Tangina, makawala lang ako rito ay ibabalik ko ang sakit na ito sa kaniya. Kung tutuusin kayang-kaya ko naman siyang gantihan pero dahil may mga inilamang siya sa akin, lalo na sa tangkad at dito sa sugat na talagang pinuntirya niya, hindi ko tuloy magawang makalas ang sarili ko.
“Oo na! Oo na!” isa sa mga kahinaan ng isang magnanakaw ay ang saktan siya o ang pamilya niya. Siguro nga patulay lang ‘yong pag-amin ko na kahit magnanakaw ako at hasa na sa trabahong ito, tao pa rin ako at napapain sa mga ganitong klaseng strategy. Kapag may banta sa buhay ng isang tao, bilang lang sa mga daliri ko kung ilan ang posibleng hindi pa rin umamin kahit na maputulan sila ng hininga, pero ang karamihan sa mga tao ay natatakot kaya napipilitang umamin. Pero dito sa kalagayan ko, malayong matakot ako sa kaniya. Matangkad lang siyang tao pero walang-wala siya sa mga taong nakita ko roon sa bundok na mga walang kaluluwa. Hindi dahil sa takot kung bakit ako umamin, dahil ‘yon sa sakit na idinudulit ng ginagawa niya na hindi ko na kayang matiis. “Inutusan ko silang magnakaw. Okay na ba? Masaya ka na?”
Pero sa halip na alisin nito ang pagkakapit sa akin ay mas lalo siyang nanggigil. Ano bang trip niya? Noong sinabi ko na wala akong kinalaman sa mga nangyari ay nagalit ito, ngayon namang sinabi ko na ako ang may utos niyon, mas lalo naman siyang nagalit. Adik ba siya? Hindi ko na tuloy alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. “P’wede bang bitawan mo na ako?!” Wala naman talaga siyang pakialam sa mga batang iyon, malamang kaya lang siya naghihimutok ngayon ay dahil may wala na siyang magugulangan na mga bata. Mga maliliit lang naman sa kaniya ang kaya niya, matangkad nga batugan naman. Dalawa an gulo pero hindi ginagamit. Tangina niya.
“Simula nang dumating ka rito ang dami mo nang dinalang kamalasan,” sabi ng lalaki. Sinasabi ba nito na malas ako? Napadrama naman niya. Walang swerte o malas sa mga taong kagaya namin, kami ang gagawa ng mga direksyon namin sa buhay. Kung magiging tanga kami, edi kulong. Walang kinalaman ang malas at swerte doon, utakan lang talaga ang labanan. Kaya ang mga batang iyon, hindi sila nahuli dahil minalas sila, nahuli sila dahil hindi sila nag-iingat. At papaanong nangyari na lahat sila ay nahuli? Kasasabi ko lang na walang laglagan pero dinamay na nila ang isa at isa kahit na nagbilin ako sa kanila niyon. Ah tangina, kailangan ko nang makaalis dito. Balak ko pa naman na magpahinga muna pero mukhang hindi ko na magagawa iyon. Bukod sa dahil teritoryo ito ng lalaking may hawak sa akin ngayon, dahil sa mga bata na nakulong at nilaglag ang kapwa nila, p’wede ring nila akong idamay at baka papunta na ang mga pulis ngayon dito. Pinahirapan ko pa ang sarili ko na i-orient sila sa mga role na gagawin nila nagbilin pa ako ng mga mahahalagang bagay pero wala rin palang kwenta.
Nakarinig ako ng sirena ng pulis. Bigla akong nataranta, napatingin din doon ang lalaki pero hindi manlang siya kinabahan, tuwang-tuwa pa nga siya. Hindi ba siya nag-iisip? Kapag nahuli ako rito, damay din siya dahl ganoon naman talaga iyon. Iisipin ng mga pulis na may kinalaman siya sa mga nangyayari dahil magkasama kami. Hindi ba p’wedeng kalimutan nalang niya ang nangyari? Maghanap nalang siya ng ibang bata na mapagtitripan niya, marami pa naman diyang mga uhugin sa kalye. Huwag niya sabihing pati yon ay kinatatamaran niya?
Habang tumatagal ay papalapit nang papalapit ang tunog ng sirena ng pulis. Parang kailan lang nang ma-corner din ako ng mga katulad nila, doon sa hotel kung saan ko muling nakita si Nardo. Hindi lang ata isang kaso ang ilalagay sa akin kung ‘di sandamakmak na dahil panigurado nasa wanted list na nila ako, may CCTV doon sa hotel at may hawak akong baril. Iisipin nila na may kinalaman ako rito at miyembro ako ng sindikato. Nakakabadtrip namang buhay ito. Wala na bang mangyayaring maganda sa buhay ko?
“Ugh!” napalingon ako sa lalaki, bumagsak ako sa lupa nang mabitawan ako nito. Nang alamin ko ang nangyari, nakita kong duguan ang ulo ng lalaki na kapit-kapit niya, iginala ko ang tingin sa paligid at nakita ang babaeng iyon. ‘Yong nandito kagabi na sinasabi nilang may saltik. Ibig sabihin, siya ang may gawa niyon at niligtas niya ang buhay ko. Hindi ko inisip kahit kailan na magpapasalamat ako sa isang kagaya niya. Nagkapalitan kami ng tingin, may pag-aalala sa mga mata niyon, gusto ko pa sanang magsalita pero nakita ko na papatayo ang lalaki at masama ang tingin doon sa babae, mukhang gaganti siya sa nangyari sa kaniya. Muli kong narinig ang sirena ng sasakyan, kaagad akong lumapit sa babae at hinila ang kamay niya para sabay kaming makaalis sa lugar na iyon.
Nang makalayo kami, ibinalik ko ang tingin sa pinaggalingan ko at nakitang may mga pulis doon, at kasama nila ang batang lalaki na sinabi kong magiging snatcher. Napapitik nalang ako ng dila, talaga ngang nilaglag ako ng batang iyon. Hindi ko alam na mababadtrip ako nang ganito katindi sa mga katulad nila, para ring silang mga matatanda kung magbigay ng sakit sa ulo sa akin. Nilingon ko ang babaeng katabi ko, totoo nga na mabaho siya pero kaya ko ang amoy niyon, payat siyang babae at may magulong buhok, puno rin ng itim ang kaniyang balat at mukhang nagkasugat-sugat pa iyon. Ginagalis ba siya? Hindi ko rin alam kung bakit dinala ko ang isang ito, siguro nga utang na loob na rin na dahil sa kaniya ay nakaligtas ako, pero ano na ngayon? Hindi ko siya p’wedeng dalhin sa kung saan man ako pumunta, hindi ko gusto na magdagdag pa ng panibagong bagahe sa balikat. Kahit na iniligtas ako ng babaeng ito, walang kasiguraduhan na hindi siya magiging pabigat sa akin.
Nagpalinga-linga ako sa paligid, dapat ko na siyang iwan dito. Tutal nasabi rin sa akin ng mga batang iyon na umaalis siya at bumabalik din sa ilalim ng tulay, kaya kapag iniwan ko siya rito ay p’wede na rin siyang bumalik doon kapag wala na ang lalaki. Binitawan ko siya, nagtataka itong tumingin sa akin. “Dito ka nalang, hindi kita p’wedeng isama. Bumalik ka nalang sa tulay.”
Hindi siya sumagot pero sapat na ang mga sinabi ko. Nakaiisang hakbang palang ako nang tumunog ang tiyan ko kaya napahawak ako doon. Hindi pa nga pala ako nakakakain, huling pagkain ko ay ‘yong kagabi pa. Ang inaasahan ko lang namang almusal ay ‘yong pagkain na ibibili ng mga bata na galing sa nakaw nila, hindi ko naman alam na papalpak ang mga ito. Nakakainis naman, kailangan ko nang kumilos para makakain na ako. Wala pa sana akong planong bumalik sa dating gawi pero sa mga nangyari ngayon, kailangan na. Muli akong humakbang pero napatigil nang maramdamang may kumapit sa akin, nilingon ako ang babae at napatingin sa kamay nito na puno ng barya.
“Sa akin nalang iyan?” paninigurado ako. Sigurado ba siya na binibigay niya ‘yan? Saan naman niya napulot ang mga iyan? Malabong galing sa nakaw, siguro dahil sa mga limos niya. Kinuha ko ang pera, hindi ko naman ito tatanggihan, tinanong ko pa siya kung mayroon pa siyang perang naitago at inabot naman niya iyon sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang matuwa sa pinaggagawa niya, may silbi naman pala siya kahit papaano. Niligtas na nga niya ako kanina, nagbigay pa siya ng pera noong narinig nitong tumunog ang tiyan ko. Matino naman siyang mag-isip, sigurado ba ang mga batang iyon na may saltik itong babaeng ito? Mukhang wala eh, nakatulong pa siya sa akin. Napahugot ako ng hininga saka hinila ang kamay niya, sumunod naman ito sa akin na parang bata. Huminto kami sa isang burgeran saka bumili ng buy 1 take 1 na burger, binigay ko sa kaniya ang isa, kaagad naman niyang kinain iyon na parang wala ng bukas. “Andeng ang pangalan ko.” Pagpapakilala ko sa kaniya, tumingin naman ito sa akin. “Ikaw? Sino ka?”
Pero sa halip na sagutin ako, napatitig lang ang babae sa akin nang sandali saka nagpatuloy sa kinakain. Napataas ang kilay ko. Hindi ba ito marunong magsalita? Hindi naman siya bingi dahil naririnig at parang naintindihan naman niya ang sinasabi ko. Baka maikli lang talaga ang dila ng isang ito, pero p’wede naman siyang makapagsalita kahit ganoon, ‘yong mga singaw na salita na pwede ko pa ring maiintindihan. Baka trip lang ng isang ito na hindi magsalita. Napatingin ako sa burgeran, may mga nakasabit pa rin doon na mga garlands at may maliit silang Christmas tree. Natapos na ang Pasko pero hindi pa rin nila tinatanggal, kung sabagay ay magnew-New Year pa pala. Wala akong ideya kung anong araw na, basta lumulubog ang araw at sisikat na naman pagka-kinabukasan, ‘yon lang ang alam ko. Basta nalalaman ko lang na may okasyon kapag masyadong abala ang mga tao, p’wede ko ring tingnan sa cellphone ng bawat mga ninanakaw ko pero dahil wala ako niyon dito, sapat nalang sa akin ang i-assume na hindi pa tapos ang bagong taon.
Tumingin ako sa nagtitinda, “Anong araw na boss?”
“December 29,” sagot nito saka bumalik sa ginagawa. Kaya pala sobrang abala ng mga tao dahil doon. Malapit na ang Bagong Taon, kung sa kanila ay panibagong pag-asa ito sa amin ay biyaya. Nilingon ko ang baabe, naubos na nito ang burger. Tumingin ako sa perang nasa sa akin, akin na ito ngayon at p’wede ko ang bilhin ang mga gusto ko kaya kahit alam kong gutom pa rin ang babae ay hindi ako bumili ng para sa kaniya. “Wala ka nang pera?”
Tumingin ako sa nagtitinda ng burger, alam kong kahit busy siya ay nakikinig siya sa mga pinagsasabi ko kaya minabuti ko nang umalis doon kasama ang babae. Lumingon siya sa akin at tiningnan ang bulsa ko. Ngumisi ako sa kaniya, “Pera ko na ito ngayon. Binigay mo na ito, ‘di ba?” Hindi ulit siya nagsalita. Hinawakan ko ang braso niya, “Ganito, tutulungan kitang magkapera pero sasama ka sa akin, gagawin mo ang gusto ko, maliwanag?”
Hindi ito pumayag pero hindi naman siya tumanggi kaya siguro pumapayag na rin siya. Hindi ko alam eh, hindi naman ako manghuhula. Kung sasama siya sa akin, itinuturing ko na iyon bilang oo. Hinila ko siya, pabalik na kami ngayon sa tulay at habang nasa daan ay bumili na rin ako ng tubig. Nang makarating kami sa ilalim ng tulay, masyadong tahimik doon, wala na ang mga bata miski ang binata. Hindi ko nakita kung dinala ito ng mga pulis pero sana ay oo. Sana dinamay na rin siya dahil sakit lang din naman siya sa ulo. Dahill wala na nga ang mga tao roon, ang daming mga karton na p’wede naming pagsama-samahin.
Inalis ng babae ang pagkakahawak ko sa kaniya at dumiretso sa dati niyang p’westo, doon sa sulok at nakatalikod sa akin. Wala siyang kahit anong mahihigaan doon. Napailing nalang ako ska hinawakan siya at dinala sa tabi ng higaan ko, kinuha ko rin ang mga higaan ng iba pa roon para magamit niya.
“Dito ka na matutlog,” sabi ko sa kaniya. “Ano ba kasing pangalan mo? Gusto mo bang mag-isip nalang ako ng ipapangalan sa iyo? Gusto mo ng pangalan na taong grasa?” biro ko sa kaniya, hindi na ako angtataka na inaasar ito ng mga bata dahil masarap nga naman kasi siyang pagkatuwaan. Hindi sumagot ang babae, napailing nalang ako nang makitang humiga siya sa karton na inilapag ko para sa kaniya at pumikit.
Habang siya ay nandoon at mahimbing na natutulog, ako naman ang nagsilbing parang nanay niya dahil nanatili akong gising. Hindi pa naman madilim pero hindi ko na rin gustong lumabas dahil wala rin naman akong gagawin doon, may pera na ako, bukas nalang ako gagalaw. Napakapit ako sa akin sugat at hinanap ang tela na panali ko roon. Tangina talaga ng lalaking iyon. Saan ba niya tinapon iyon? Habang naghahanap, napalingon ako sa baabe at nakita ang tela roon sa gilid niya. Tss kung saan-saan pa ako naghanap, nandoon lang para iyon. Lumapit ako para kunin iyon, pero napahinto ako nang marinig siyang umusal.
“Sierra…”