Andie Gregorio
Ang sabi ko sa kanila, gisiningin ako nang maaga, hindi ang bulabugin ang araw ako. Inis akong bumangon sa tawagan na aking naririnig, wala pang araw pero ang ingay na sa paligid, sanay naman na ako roon dahil sa palaging gising ang mga tao sa Maynila, kahit nga an gmga busina ng mga nag-oovertake na mga sasakyan o tunog ng ambulasya ay naging parte na ng pang-araw-araw ko. Pero ewan ko ba, masyado lang akong napagod sa mga nangyari, nakakapagod tumakbo na parang wala kang patutunguhan at ang pinakahuling gugustuhin kong mangyari ngayong araw ay ang maistorbo ako sa pagtulog. Ang bata talaga ang titigas ng ulo.
Nang makaupo ako ay iginala ko ang tingin sa paligid, nakita ko ang mga kabataan na nagtatawanan sa dulo, Aakalain ko ngang huhmithit ang mga ito dahil sa ginagawa nila ngayon pero mukhang wala pa sa isip nila iyon. Pero malabo, kung ang simpleng pagnanakaw nga lang ay hindi magawa ng mga ito paano pa kaya ang sirain an gbuhay nila? Mabuti naman kung hindi sila gumagamit, ayaw ko nang may dumagdag pang panibagong Chato sa buhay ko. Nakaalis nga ako sa lugar na tinitirhan namin ni Chato dati, dito naman ako ngayon napadpad na may taong kasing kitid din niya mag-isip.
Mula rito sa pwesto ko ay sinubukan kong alamin kung ano ang mga nangyayari pero walang epekto dahil sa dami nila at dilim ng bahagi na iyon, hindi ko makita kung ano ang pinagkakaabalahan n gmga ito kaya bumangon ako. Nang magsalita ako mula sa likuran, ganoon nalang ang gulat nila lalo na nang makita nila ang mukha ko. Nang malaman nila na wala naman paladapat silang ikatakot dahil ako lang naman ito, binigyan nila ako ng daan para makita ang ginagawa nila. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang babae na nakatalikod, nilapitan ko iyon at pilit na pinaharap sa akin, pumapalag pa siya noong una pero nang hilahin ko ay hindi na ito nakaangal. Nilapit ko siya sa may liwanag, napaismid nang malaman na hindi pala siya si Justine. Magkasing katawan kasi ang dalawa, umasa ako na ang babaeng ito ang vlogger pero hindi pala.
“Kilala mo?” narinig kong tanong ng binata. Hindi ko pa pala alam ang pangalan nito maging ng mga batang kasama niya, pero bakit kailangan ko pang mag-abala? Aalis din naman ako sa lugar na ito dahil siguradong hahanapin ako ni Nardo, baka isipin nito na magsusumbong ako sa pulisya at hindi ko gusto na magtagpo ulit ang landas naming dalawa. Kung kailangan kong magpalipat-lipat ng pwesto ay gagawin ko para lang hindi niya ako makita, kaya hindi na mahalaga ang pangalan ng mga batang nandito miski ng binata. Makakalimutan din naman nila ako sa susunod at gano’n din ako sa kanila.
“Hindi,” sagot ko saka binitawan ang babae na tumakbo papunta sa gilid at tumalikod sa amin. Umupo ulit siya doon at hindi ko na narinig na magsalita. Napailing na lamang ako, bakit nga naman pumasok sa isip ko na makikita ko si Justine sa lugar na ito eh nasa gubat nga pala siya. Hindi rin ako nag-iisip, hindi ko dapat makalimutan na iniwan ko siya roon dahil gusto kong makatakas. Nakakabadtrip din kasi talaga ang babaeng iyon, kung tumakbo sana ito noong marinig niya ang sigaw ko ng “tulong”, may posibilidad na nagkita kami o nagkabanggaan manlang habang tumatako. Kahit na alam kong malawak ang gubat na iyon, pumapasok pa rin sa utak ko na posible pa ring magkita kami. “Hindi ko siya kilala.”
“Weh?” sinamaan ko ng tingin ang lalaki, lahat nalang ba ang sasabihin ko ay pagdududahan niya? Tangina rin siya. Ang dami ko nang sakit ng ulo na dinulot kaya huwag na niyang dagdagan pa. Pero sa halip na kabahan dahil sa sama ng tingin ko, patuloy pa ring nang-usisa ang lalaki. “Pero bakit mo hinila ‘yang may saltik na ‘yan?”
“May saltik?” Pag-uulit ko sa sinabi nito. Bumalik ang tingin ko sa babe, siguro nga ay may sakit siya. Kakaiba rin kasi ang ikinikilos, kung matino siyang mag-isip dapat noong unang beses siyang tinawag ay lilingon siya pero hindi. Napansin ko rin kanina noong hinawakan ko siya ay medyo nanigas siya at parang kinakabahan. ‘Tapos parang ayaw nito na lumapit o may kumausap sa kaniya. Kaya pala siya ginagawang katatawanan ng mga batang ito. Madalas namang ganoon, kung sino ang sa tingin nating mas mahina sa atin ay aapihin natin. Katulad ng ginawa sa akin ni Nardo, at ako kay Chato at sa mga batang ito, at ang mga bata sa may sakit na babaeng iyon. “Hindi ko siya kilala, akala ko lang dahil kasing katawan niya ‘yong hinahanap ko.”
Tumango-tango nalang ang lalaki saka tinawag ang mga bata na nandoon pa rin. Kaagad naman na sumunod ang mga bata, napansin ko na may bato silang hawak na itinapon sa kung saan. Dinampot ko naman iyon at pinaglaruan. Tumingin ako sa mga bata pagkatapos ay bumwelo at itinapon iyon sa direksyon ng babae, nang tingnan ko ang mga bata ay napapikit ang mga ito na akala ata ay sa kanila ko ibabato iyon. Sa direksyon ng babae tumama iyon pero hindi sa mismong katawan niya, napasigaw ito saka napatayo at umalis sa puwesto niya. Naglakad siya papunta sa direksyon namin, akala ko ay gaganti pero nilampasan lang niya kami, patuloy lang itong humahakbang na halos matumba na. Pakiramdam ko ay hirap na hirap itong buhatin ang sarili, sobrang payat din niya.
“Babalik din ‘yan dito,” narinig kong sabi ng lalaki sa kampanteng todo, siguradong-sigurado ito sa mga pinagsasabi niya. “Umaalis at bumabalik ‘yan, hindi namin alam kung saan pumupunta pero kapag nandito ‘yan ay hindi rin nagtatagal dahil pinagtitripan ng mga bata.”
Inilipat ko ang tingin sa mga bata at sumang-ayon naman sila, ni hindi manlang naisipang magsinungaling. Paano nalang kapag nagnakaw kami at nahuli sila? Baka mamaya ay ituro ng mga uhugin na ito ang pangalan ko, nagpakilala pa man din ako sa akin.
“Mabaho kasi siya.”
“Oo nga, mabaho kami pero mas mabaho siya.”
Ang arte naman ng mga ito. Mabuti nga buhay ‘yong mabahong sinasabi nila, subukan kaya nilang matulog sa isang kuwarto na kahit nandoon ka na sa loob ay amoy mo pa rin ang pamatay na amoy. Baka magbago lang ang isip nila at sabihin na matino pa ang amoy ng babaeng iyon. Nakarinig ako ng paghikab, pagkatapos ang unang hikab na iyon ay naging sunod-sunod na, maging ako ay gusto ko na ring gumaya. Anong oras na ba? Panira talaga ng tulog itong mga batang ‘to, p’wede naman silang matulog nang mahimbing para hindi nila maamoy ang katawan ng babaeng iyon. Huwag nila sabihin na nagising sila dahil sa baho? Napaka-arte naman nila. Bumalik na muli ako sa pagkakahiga at hindi naman ako nahirapang bumalik sa pagtulog dahil sa pagod na naramdaman ko.
Nagising na naman ako sa yugyog na naramdaman ko kaya gano’n nalang ang pagka badtrip ko sa nangyari, minura ko ang taong iyon pero hindi niya ako tinigilan, tinapik ko ang kamay niya habang nakapikit at napa-aray naman ito. “Sabi mo gisingin ka namin nang maaga, ‘tapos hindi ka naman pala babangon.” Reklamo ng bata. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Ngayon na ba ‘yon? Bakit parang hindi naman tumagal ang tulog ko? Pakiramdam ko ay inuto lang ang lumipas mula nang pumikit ako kanina. Pinilit ko ang sarili na bumangon dahil na nga rin sa pangako ko. Hindi ko naman gustong magtanim ng sama ng loob ang mga ito sa akin dahil lang sa hindi ko tinupad ang pangako ko, kailangan ko pang manatili ng ilang sandali rito para makapag-ipon ng pera habang nagpapagaling sa sugat na tinamo ko.
Ang totoo niyan, naisip ko na rin na ipa-doktor ito, para ma-checkup manlang dahil parang hindi naman humuhupa ang hapdi, pero naisip ko rin na aksaya lang iyon sa pera. Bibili nalang siguro ako ng anti-biotics ‘tapos bubudburan ito para gumaling. At saka matibay naman ako, malayo sa puso kaya sigurado naman akong hindi ko ito ikamamatay. Tiis nalang talaga sa pang araw-araw, mabuti nga ngayon ay nagagawa ko nang makapagsalita. “Nasaan na ang mga kasama mo?” tanong ko sa kaniya nang mapansin na mag-isa lang siya.
“Umalis para manlimos, ang tagal mo kasing magising.” Aba, kung makapagsalita itong batang ito parang hindi na siya ‘yong batang muntik nang maihi sa horts nan gpunasan ko ng dugo ang pisngi niya. Magandang ideya ba na ganito na siya kung magsalita sa akin? Ibig bang sabihin nito ay magaan na ang loob niya sa akin? Mabuti naman kung ganoon, hindi ko na kailangan pang mag-alala na biglang may papatay sa akin habang tulog ako, ‘yong binata nalang talaga na iyon ang problema.
“Kapatid mo ba ‘yong mga ‘yon?” tanong ko sa kaniya
“Sila? Hindi, ‘no! Malayong-malayo, ang pogi ko kaya!”
Napangiti ako sa sinabi niya. Ayaw nito patalo sa mga ‘yon. Tama nga ang hinala ko na hindi sila magkakapatid. Siguro grupo lang sila ng mga batang uhugin na napabayaan ng mga magulang at naisip na magtayo ng grupo kasama ang mga kapwa bata niya dahil cool iyon. Mga kabataan talaga, wala nang magawa sa buhay. “Bakit hindi nalang kayo bumalik sa mga magulang niyo? Hindi niyo naman kailangang gawin ito dahil may mga magulang naman kayo, tama?”
Lumungkot ang mukha ng bata. “Wala na sila, pinagkamalan na runner kaya napatay.”
“Nino?”
“Ng mga pulis,” kitang-kita ko kung paano sumarado ang kamao ng batang lalaki nang sabihin niya iyon. Napapitik ako ng dila. Ang bata pa niya para magtanim ng sama ng loob. Lumapit ako sa kaniya, kumuha ako ng matulis na bato na kasya sa kamay ko at gumuhit sa lupa. “Alam mo ba kung ano iyan?”
Tumango siya. Mabuti.
“Itong bagay na ito ang nakapatay sa mga magulang mo, ‘di ba? Ngayon, gusto kong isipin mo na p’wede rin ‘yang makapatay sa iyo,” alam kong menor de edad pa siya pero mas pulido naman ang utak nito kaysa sa iba. Dahil sa marami na itong pinagdaanan sa buhay, sapat lang na mag-assume ako na malalim na siya mag-isip. “Alam mong illegal ang magnakaw, gusto mo pa rin bang magpatuloy?”
Matapos nang ilang minutong paghihintay ay dumating na rin ang mga kasamahan niya, ngunit wala roon ang binata. Ayos lang, hindi naman siya ang kailangan ko sa pagkakataong ito. Kanina, tinanong ko ang isang bata kung gusto pa rin nitong magpatuloy sa kabila ng mga posibilidad na nakataya ang buhay niya rito, at um-oo siya. Pagkatapos niyon ay inutusan ko siyang papuntahin dito ang kaniyang mga kasama dahil magpaplano kami at ginawa naman niya iyon. Pero doon palang sila sa malayo ay nakita kong nagtatawanan na para bang isang laro lang ang gagawin namin, naalala ko tuloy an gmga panahon na may nga kagrupo din ako at hindi sila marunong magseryoso. Kumuha ako ng bato at pinatama iyon sa direksyon nila.
“Ilag!” sigaw ng isang bata, tinulak niya ang kaibigan dahilan para walang matamaan sa kanila.
Nang makarating sila sa pwesto ko ay hindi nila napigilang magreklamo. “Bakit ba ang hilig mong mamato?” tanong ng batang sumigaw kanina ng ‘ilag’.
Pero hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa kaniya sabay turo sa kaniya. “Look out.”Tinuro niya ang sarili niya, tumango ako. “Yon ang gagawin mo sa samahang ito, ikaw ang magiging mata nila dahil nakita mo rin ‘yong pagbato ko na hindi napansin ng mga kasama mo.” Humelera sila nang pabilog sa direksyon ko, at seryosong nakikinig. “Ikaw naman,” tukoy ko sa batang nakausap ko kanina na tumawag sa mga kaibigan niya. “Alam mo nang delikado ang gagawin nating ito pero gusto mo pa ring magpatuloy. Ikaw ang magiging snatcher.”
Isa sa mga katangian ng look out ay ang pagiging mapagmatyag nito sa paligid, ang kaniyang maayos na pandinig at ang kaniyang atensyon sa ginagawa. Karamihan sa mga nahuhuling magnanakaw ay dahil masyadong kabado ang look out o ‘di kaya tatanga-tanga kaya hindi natunugan na may mga tao sa paligid at naghihintay na umatake. Kaya isa sa pinakamahalagang role na gagampanan ng isang tao sa pagnanakaw ay ang posisyong iyon..
Pangalawa sa pinakamahalaga ay ang snatcher. Ito ang taong dapat na may lakas ng loob at kayang maging kalmado, ito rin ang taong dapat na nagtataglay ng matinong pag-iisip para malaman kung sino ang mas magandang gawing target. Hindi mo p’wedeng pagnakawan ang isang tao dahil lang babae ito, ano bang malay mo kung black belter pala siya sa taekwondo? Kaya crucial ang posisyong ito at kailangang maging mabusisi.
Gamit ulit ang bato ay gumuhit ako, isang malaking stick man at isang maliit. “Ano sa tingin niyo ang magandang gawing target?”
“Yong mga matatanda,” sagot niya. Wala pa man akong sinasabi ana detalye tungkol sa drawing ay inisip kaagad niya na matanda iyon. “Kasi kapag nagmamalimos kami, matanda ang pinupuntriya namin kasi mabilis silang maawa.”
Nadismaya ako sa sagot nia. Ayos na sana kaso pumalpak ang sagot nito. “Hindi ito tungkol sa pagmamalimos, pero may punto ka naman sa una mong sinabi. Yon nga lang, hindi ito matanda. Palagi niyong tatandaan na huwag kayo basta-bastang nag-aasume na por que nakuha niyo na ang ninakaw niyo ay tapos na kaagad ang trabaho niyo.”
Lahat sila ay napakunot-noo sa sinabi ko. Napabuntong-hininga na lamang ako, mga bata nga pala sila at kailangan kong ipaintindi sa kanila ang mga bagay na ito, kailangang himayhimayin nang bumaon sa utak nila. “Ganito kasi ‘yan, ang isang biktima kapag nadale ng isang snatcher na may motor, ang una niyang tatandaan ay ang plate numer niyon. Alam niyo naman siguro ang plate number, ‘di ba? Ganoon din pagdating sa pagnanakaw nang walang gamit ang motor. Tatandaan ng mga ‘yan ang mukha ninyo, ang kulay ng buhok, at ang damit.”
“Sinasabi mo ba na kailangan naming bumili ng wig, facemask at bagong damit?”
Umiling ako. “Hindi, huwag muna kayong gumastos. Saka na ‘yan kapag may pera na kayo.”
“Eh ano ang ibig mong sabihin?”
“Dahil nga natatandaan ng biktima ang dumale sa kaniya, hahabulin niya iyon hanggang sa mahuli niya at makuha ang pera. At kapag nakuha niya ang pera, ‘tapos na ang samahan ninyo. Kaya dito na papasok ang back up,” tinuro ko ang isa pang bata na nag-assume na matanda ang tinutukoy ko. “Kailangan mong makasigurado na nakuha na nga ang nanakawin ninyo at dapat ay sumusunod ka sa snatcher para maibigay niya sa ‘yo ang bagay na ninakaw niya.
Pangatlo sa pinakamahalagang role ay ang back up, dahil nga masyado nang advance mag-isip ang mga biktima at nag-improve na ang kanilang utak, hindi dapat magpahuli ang magnanakaw doon. Habang umuusad ang panahon at nalalaman ng mga pulis ang mga stratehiya namin, at naisasapubliko nila ito, kailangan naming mag-isip ng panibagong paraan nang sa gayoon ay maisakatuparan ang aming mga plano.
Natapos ang aming orientation, naghanda na ang mga magkakaibigan at niyaya ako pero umangat lang ang kilay ko sa kanila. “Anong ginagawa mo?” Tiningnan ko lang ang kamay ng bata na nakalahad sa harapan ko.
“Bakit? Hindi ka ba sasama?” Hindi ako sumagot pero mukhang alam na niya ang patutunguhan niyon kaya inalis na rin niya ang kaniyang kamay at nagsimula na silang maglakad paalis nang tawagin ko sila.
“May isa pa nga pala kayong dapat tandaan,” naghintay ang mga ito ng susunod kong sasabihin. “Walang laglagan.” Madiing bilin ko. Tumango na lamang sila at nagsimula na ulit na maglakad habang ako ay nandoon lamang sa ilalim ng tulayat naghihintay sa kanilang pagbabalik. Makaraan nang ilang minuto, nakarinig ako ng mga yabag na paparating.
Nagtagumpay sila.
“Andeng!” nawala ang ngiti ko nang mapagtantong hindi mga bata iyon kung ‘di ‘yong binata. Hingal na hingal ito nang makarating sa pwesto ko. “Andeng, anong ginawa mo?” Pinagmumura ako ng lalaki, napahilamos pa siya ng mukha. “Bakit hinuhuli ng tanod ang mga bata?!”
Tangina, ang tanga naman nila.