Andie Gregorio
Balintawak Market.
Paulit-ulit na pumapasok sa utak sa utak ko ang mga salitang nabasa ko roon sa parihabang billboard. Maingay ang mga tao, walang patid ang pagdaloy ng mga sasakyan at hindi mabilang mga gulay nasa paligid. Nakababa na ako sa truk noong na-stuck kami sa traffic, naging madali na sa aking gawin iyon. Napatingin ako sa mga prutas na hawak ko, kinuha ko iyon mula sa truk para kahit papaano may pagkain ako. Wala ng natira sa akin, wala na akong isang daang libo na pinunit ni Nardo ang tseke. Tanginang lalaki na iyon, kahit kailan talaga ay wala nang magawang matino sa buhay niya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, siguro alik kalye na naman at doon uli matutulog sa tulay. Pero alam kong kailangan kong mag-ingat, mas maganda kung dito nalang ako sa lugar na ito, sa lugar kung saan maraming tao para naman may diversion, para kaya kong magtago kapag natugan ko na hinahanap nila ako.
“Bili na! Otsenta isang kilo!” sigaw ng isang babae habang tinuturo ang mga patatas na nasa paligid. Sinabi ko na kailangan kong magtago sa maraming tao pero mukhang hindi ko kaya na manatili rito dahil nangangati ang kamay ko na para bang gusto nitong mangupit uli. Kung sabagay, maraming tao ang nandito, at mahihirapan sila na malaman na nanakawan sila. Ang Balintawak Market ay nasa Quezon City lang matatagpuan, hindi malayo sa lugar kung saan kami natutulog dati ni Chato. Hindi ko inaasahan na sa pamamagitan ng pagsakay sa isang sasakyan ay makakarating na kaagad ako rito. Ito ang pagsakan ng mga gulay at prutas na nanggaling pa sa Norte, mas mura ang mga produkto dito lalo na kung bultuhan kung bibilhin mo.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, napapatingin sa akin ang mga tao dahil bakit naman kasi hindi? Kitang-kita ang akin tiyan, pero hindi naman na bago iyon. Uso na rito sa lugar na ito ang crop top, pero siguro ngayon lang sila nakakita n gisang babaeng may hati ang tiyan gayo’n din ang mukha. Gusto kong makita ang kalagayan ko, kanina pa sumasakit ang aking pisngi at patuloy akong binabadtrip ng mga langaw na panay ang sunod sa akin. Nang makarating ako sa isang grocery store, tiningnan ko ang aking sarili sa salamin na nasa gilid nila. Nakabalot ang aking mukha ng tela, umaabot iyon hanggang leeg at ulo, ngunit ang dating hindi naman pulang kulay ay napalitan dahil na rin sa nabahiran ito ng dugo. Napapitik ako ng dila. Ang saklap ng hitsura ko ngayon, para akong galing sa isang saksakan na nakatakas lang.
Pero totoo naman iyon, nanggaling ako sa isang lugar na hindi ko alam kung ano at doon sa lugar na iyon ay may mga taong namatay, at ang isa ay pinugutan ng ulo. Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng katotohanan na nandoon ‘yong mga sundalo pero kahit isa sa kanila ay hindi manlang nakarating sa kuta ng grupo ni Nardo. Ganoon ba kalawak ang lugar na iyon para ang mga putok ng baril ay hindi nila marinig? Piwedeng narinig nila iyon ngunit nagbingibingihan sila. Ganoon na nga malamang ang nangyari. Nagdadalawang isip tuloy ako kung kailangan kong pumunta sa pollice station para sabihin ang nangyari. Nandoon pa si Justine, kailangan niyang mairescue pero hindi ko naman kaya ‘yon na mag-isa, wala akong laban sa mga taong hasang-hasa na ang utak at puso sa pagkitil ng buhay.
“Grabe totoo ba ‘yon? Hindi ba chismis ‘yan?”
“Gaga, totoo nga! Kalat na sa ShareMe pero wala pa nagsasalita ‘yong pamilya.”
Akala ko noong una ay patungkol kina Senator Villavicencio ang usapan nila pero hindi, may mga binabanggit silang pangalan ng mga tao na hindi ko maintindihan. Ayon sa usapan nila, dinukot daw ito pero wala pang pinatotohanan iyon dahil hindi nagsasalita an gpamilya. Sa madaling salita, chismis lang. Dinukot…kailan lang ay kinidnap kami ni Justine. Napapaisip ako kung may taong nakahalata sa pagkawala namin, ah hindi, ng pagkawala pala sniya. Malaamng merong mag-aalala sa kaniya pero sa akin ay wala. Sikat naman siya sa social media, isa siyang vlogger kaya maraming makakapansin sa kaniyang pagkawala, pero hindi pa naman nakakadalawang araw iyon. Hindi alam ng pamilyang iyon kung ano ng dinanas ng anak nila sa kamay ng mga sindikato.
“Bibili ka ba?” Napatingin ako sa matandang babae, nakaharang pala ako sa harapan ng binebenta niya kaya ganoon nalang tono nito. Kailangan kong magsumbong sa pulis pero natatakot ako dahil baka may kaso na ako ng pandurukot sa kanila. Worth it ba na i-report ko ang nangyari ‘tapos kalayaan ko naman ang kapalit? Nakaalis nga ako sa kamay ni Nardo sa pangalawang pagkakataon pero baka makulong naman ako sa presinto. Nagpatuloy ako sa paglalakad, nakarating ako sa police station pero nanatili lang akong nasa labas niyon at nakatitig. Pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Nardo, na hindi ko na raw kailagan pa ng isang daang libong piso dahil mas malaki ang makukuha niya kapag naubos ang pamilya ng senador. Ibig sabihin lang niyon ay malaking halaga perang nakapatong sa ulo ng pamilya at hindi basta-bastang isang indibidwal lang ang may gawa nito. Napaatras ako patalikod, kung ganoon nga ang sitwasyon, posibleng malaking tao rin iyon na matindi ang galit sa kanila at posibleng may mga kakampi ito sa pulsisya at kapag nagkataon na dumiretso ako roon at magsumbong, makararating iyon sa kung sinoman at ipapapatay ako.
“Tangina talaga,” nagpakawala ako ng hangin . Gusto kong sabunutan ang sarili ko, gusto kong makatulong pero hindi ko alam kung papaano ko gagawin iyon nang hindi ako nadadamay. P’wede ko namang pabayaan nalang si Justine pero nakakainis lang kasi kinakain ako ng konsensya ko. Konsensya? Tangina ano bang pinagsasabi ko? Wala ako niyon. Napasabunot nalang ako ng buhok bago tumalikod, pikit-mata kong nilunok ang mga posibleng magiging kahihinatnan ng desisyon ko pero wala na akong choice kung ‘di ang gawin iyon. Kasalanan ko ba ang lahat ng ito? Hindi ko maiwasang kwestyunin ang mga desisyon ko sa buhay, kung hindi lamang sana ako masyadong nagpabulag sa pera, hindi ako mararating sa ganitong sitwasyon. Lumabas ako sa pamilihan ng Balintawak, pero hanggang sa paglabas ay mayroon pa ring mga nagtitinda. Nakakagutom ang mga amoy niyon, lalo na kapag may nakakasalubong akong mga tao na umiinom ng softfrinks at buko juice, parang gusto kong nakawin iyon sa kanila dahil kanina pa ako nagtitiis sa sariling laway.
“Ate o,” napalingon ako sa baabeng nag-abot sa akin ng pera. Akala ata nito ay namamalimos ako, bakit naman kasi hindi iisipin ang bagay na iyon kung ang itsura ko ay ganito? Nagpasalamat ako sa babae habang hawak ang inabot niyang limang piso. Napatingin ako sa paligid, naghahanap ng mga batang namamalimos na p’wede kong takutin. Nang sa wakas ay nakakita ng magandang target, kaagad ko silang nilapitan at inilahad ang palad ko sa kanila. At dahil isa silang grupo, nasa lima ay matapang sila na pagtawanan ako. May isa rin silang binatang kasama pero mukhang hindi naman nila guardian iyon, mukhang isa rin sa mga nangingikil sa mga bata.
Dahil sa maraming tao at mga bata ito, hindi ako basta-basta makakilos. Kinuha ko ang lighter sa aking bulsa at ipinalabas ang apoy niyon, nang lumabas ay inilapat ko ang aking daliri habang isa-isang tinitingnan at nilalapitan ang mga bata. “Anong ginagawa mo?” tanong ng binata na nangingikil nang makitang iniangat ko ang aking kamay, inilagay ko iyon sa aking ulo para matanggal ang tela. Napalunok siya nang makita ang aking mukha, dumikit ang mga natuyong dugo sa aking balat kaya masakit iyon tanggalin pero dahil pinilit ko na matanggal iyon habang pinapanatili ang walang emosyon sa mukha ko kahit sobrang sakit na, dumugo iyon. Bumaba ang tingin ko sa isang bata na may hawak na pera, pinantay ko ang tingin namin sa isa’t isa at hinawakan ko siya sa kaniyang balikat.
“Alam mo ba kung saan ko nakuha ‘to?”
Umiling ang bata. “Huwag kang maniwala diyan.” Lumingon ang bata sa binata, gusto nitong umalis pero diniin ko ang kapit sa kaniyang leeg.
“Sa pinatay ko kanina, pero alam mo ba? Hindi ito masakit.” Pinadaan ko ang daliri sa aking sugat. Potangina, ang sakit! Gusto kong sumigaw pero pinigilan ko, nang matapos kong mapadaan ang daliri ko roon ay ipinahid ko sa mukha niya at may bahid iyon ng dugo. “Alam mo na kung sino ang isusunod ko.”
Madali ko itong natakot, nakuha ko ang pera na dala niya na hindi ko alam kung sa papaanong paraan nito nakuha. Siguro ay sa pamamalimos, o ‘di kaya sa magiging seller ng mga kung ano-ano, kung anuman iyon ay wala na akong pakialam. Tiningnan ko ang mga bata na tumakbo sa isang direksyon, hiindi ko na sila sinundad dahil nakuha ko naman na ang gusto ko. Napasulyap ako sa isang ale na nakatingin sa aking mukha, hindi ko nalang iyon pinansin. Ibinalik ko ang tela saka ipinabuo ko ang mga barya sa tindahan, ‘tapos ay itinapon ang kalawanging lata. Sobrang saya ko sa isang piso na iyon na ibinili ko kaagad ng pagkain at inumin, pagkatapos ay kaagad na nilantakan iyon. Umupo muna ako habang nakatingin sa mga taong naglalakad, biglang pumasok sa isip ko ang cellphone, ‘yong binili namin ni Olivia gamit ang pera niya sa bangko, p’wede kong maibenta iyon. Pero nanlumo ako nang makitang wala akong dala niyon. Naiwan ko ba sa gubat? Pero hindi rin, wala akong maalalang may bitbit ako na cellphone noong nasa van kami.
Sa hotel…napatayo ako. Tama, nalaglag ko iyon sa hotel. Kailangan kong bumalik doon para makuha at mapakinabangan ko naman pero naalala ko na may hawak akong baril noong nakita ako ng pulis at ang reaksyon niya na iyon ay hindi mawala sa isip ko dahil akala niya ay kasama ako sa mga sindikato, pero hindi. Wala akong kinalaman sa kahit sinuman sa kanila. Nakakainis naman, hindi ako p’wedeng pumunta sa hotel baka makilala nila ako at biglang ikulong nalang. Ayaw kong mabulok sa kulungan. Bumalik ako sa pagkakaupo, hindi magandang ideya na bumaik ako roon dahil posibleng may hindi magandang mangyari. Hindi rin ako p’wedeng bumalik sa dating tinitirhan namin ni Chato dahil baka magkita kami nito at magkagulo na naman. Sapat na ang mga tanginang nangyari sa akin noong mga nakalipas na araw at ngayon at wala na akong planong magdagdag pa ng sakit sa ulo. Kailangan kong maghanap ng ibang matutuluyan, ibang ilalim ng tulay na magsisilbi ko munang tulugan.
“Karton?” tanong ng isang bagger, pumunta ako sa isang grocery store para humingi ng karton para may paghigaan ako pero mukhang ayaw naman niyang mamigay. Tumingin ito sa isang foreigner na nagbabantay sa mga nangyayari. Napakamot ng ulo ang lalaki saka umiling sa akin. “Pasensya na.”
Tumango nalang ako. May magagawa pa ba ako? Sobrang higpit naman ng may-ari na iyon. Naghanap pa ako ng ibang mga tindahan at sa wakas ay may matinong utak ang pumayag. Dala-dala ko iyon patungo sa kung saan, hanggang sa makahanap ako ng tulay. Nang makarating sa ilalim, napansin ko ang mga nandoon, sila ‘yong kanina. Nagbubulungan pa ito habang nakatingin sa akin pero wala naman na silang ibang ginawa bukod doon, inilapat ko ang karton sa lupa at umupo roon. Hindi pa rin ako tinitigilan sa mga pisempleng tingin kaya hindi na ako nakatiis, lumapit ako sa kanila.
“May problema ba tayo?” Hindi ko gustong matulog nang may mga taong nasa paligid na posibleng may gawin sa akin na masama habang nakapikit ako. Kung kailangan kong kausapin sila sa ganitong paraan, gagawin ko para maiwasan lamang iyon.
Nagulat pa sila, sabay-sabay na umiling. “Wala, Boss.”
Boss? Gusto kong masuka. Naaalala ko si Nardo sa ganiyang pagtawag. Hindi ko gustong tinatawag akong Boss kahit na hindi naman ako ginagalang. Mas gusto ko pang tawagin ako sa pangalan ko pero ibinibigay ang respeto sa akin bilang malakas sa grupo. At sa grupo nina Nardo, alam ko na inis sa kaniya ang kaniyang mga kasama lalo na kapag may pagkakataon na malapit na akong mamatay pero biglang susulpot ang lalaki para tulungan ako. At isa sa mga inis sa kaniya ay ang lalaking nag-iwan ng kutsilyo doon sa kuwarto, gusto talaga nito na magsaksakan kami roon. “Ayoko ng Boss,” sabi ko sa kanila. Inilahad ko ang kamay ko sa harap nila at nagtataka naman nilang tiningnan iyon. “Andeng.”
“Andeng?”
“Andeng ang pangalan ko kaya tawagin niyo akong gano’n.” Napipilitan silang tinanggap ang aking kamay, napatingin ako sa isang binata na kasama nila, nandito rin pala ang isang ito. Para ko tuloy nakikita si Chato sa kaniyang mukha. “May problema ba tayo?” tanong ko sa lalaki, pero wala itong imik. Hindi ko alam kung natatakot ba ito sa akin dahil hindi siya nagpapakita ng ganoong emosyon pero hindi ko rin alam kung hindi siya takot dahil hindi naman siya nanlalaban.
Kinuha ko ang natitirang barya sa kinain ko kanina, ibinalik ko iyon sa batang lalaki. Hindi ko naman gustong saktan siya o manakit ng iba, wala lang akong naisip na ibang paraan kanina para magkaroon ng pera nang mabilisan kaya naisip ko silang lapitan. Nasa walo hanggang labing tatlong taong gulang sila, maliban sa isang binata na mukhang hindi naman na menor de edad. Nanlaki ang mga mata ng batang iyon, napangisi ako pero kaagad ding nawala. Napasulyap ako sa mga bata na nakatingin sa akin.
“Masakit ba?” tanong ng isa, hindi nag-aalala ang tono niyon, mas tamang ang kuryusidad ng isang bata ang mamumuo sa kaniya. Siniko naman siya ng katabi na para bang nagbabala na dapat hindi na nito tinanong iyon, pero wala naman iyon sa akin. Ayos lang ang mga tanungang iyon kung iyon ay isa sa mga paraan para gumaan ang pakiramdam niya sa akin.
“Hindi,” sagot ko pero kaagad na sumigunda ang isang lalaki.
“Ows? Kapag tinusok ko ‘yan tingin ko aaray ka.” Mapanuyang komento ng lalaki, naka-krus pa ang braso niya at taas-noo ang tingin sa akin na para bang minamaliit ako. Ibang klase, sinabi ko na nga ba na nakikita ko si Chato sa kaniya at hindi nga ako nagkamali, parehas nga silang masyadong maraming dada.
Hindi ko ito pinansin, tiningnan ko ang mga bata. At dahil nandito ako sa lugar na ito, wala akong ibang gagawin kung ‘di ang makisama katulad ng dati kong ginagawa. “Yan lang ba ang kinita mo ngayong araw?” tanong ko sa kaniya. Tumango ito. Ibig lang sabihin niyon ay masyadong matino ang mga batang ito. Kailangan nilang matutunan na hindi sila magtatagal sa lansangan kung ganiyan sila mag-isip, mamaliitin lang sila, at gagatasan ng mga grupong mas malakas sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nandito ang mga batang ito, kung nasaan ang mga magulang nila. Wala naman silang magkakaparehas na mukha kaya impossibleng magkakapatid sila. Tumango na lamang ako sa bumalik sa higaan, malapit lang naman an gpwesto ko mula sa kanila. “Bukas, gisingin niyo ako nang maaga.”
Nagkatinginan ang mga ito, miski ang binata ay naintriga sa dahilan kung bakit ko nasabi iyon. “Bakit?”
“Magnanakaw tayo.”
Nagkatinginan ang mga bata, may aliw sa mga mata nila at hindi nila iyon maitago. Napansin nman iyon ng binata kaya kaagad siyang napabangon. “Hindi mo sila p’wedeng turuang magnakaw.”
“At bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang gawin iyon?”
Napatiim-bagang ito at natahimik. Nasapul ko ba ang ego niya? Sana oo. Totoo naman kasi iyon, kung ninananakawan niya ng mga kinita ang mga batang uhugin na ito dahil lang sa kulang siya sa diskarte, bakit niya pipigilan ang mga ito na magnakaw din? Huwag niya sabihing natatakot siya na baka mahuli ang mga ito? Kung mahuli man ay wala akong magagawa roon, kargo nila ang buhay nila kaya dapat ay walang sisihan o turuan.