Burn

2682 Words
Andie Gregorio “Aray ko naman,” reklamo ko kay Nardo habang nililinis nito ang sugat ko. Walang kahit anong panlinis sila rito na ginagamit talaga kapag may sugat, wala rin silang ginamit na pangmanhid kaya halos mangiyak-ngiyak ako habang nililinisan nila ang sugat sa aking pisngi gamit ang tubig. Yong purong tubig na tinutulo nila ay nagiging dugo na kapag tumama sa aking pisngi. Wala pa ring tigil iyon sa pagdurugo, pakiramdam ko nahati na ang mukha ko sa dalawa. Tangina naman kasi ni Justine, sinabi ko naman kasi sa kaniya naa saksakain na ako doon sa braso pero ang arte-arte, kaya kinailangan ko tuloy na i-trigger ang emosyon niya para magawa niya ang gusto ko, pero itong ginawa niya sa aking pisngi ay wala sa plano. “Wala ba talaga kayong anesthesia? Putangina ang sakit.” Tumingin sa akin ni Nardo at umiling. Binigay niya sa aking ang lalagyan ng tubig at sinabing ako nalang ang maglinis sa sarili ko dahil ang dami ko raw reklamo. “Mas matindi pa nga diyan ang pambubogbog ko sa iyo dati pero hindi ka naman ganiyan kung magdrama.” Inis na sabi niya saka tinalikuran ako. Pumunta siya sa iba pang mga kalalakihan, kinausap niya ang mga iyon at tinatanong kung sino ang nagbigay ng kutsilyo pero walang sumasagot. Nagalit si Nardo, bakit daw kami binigyan ng patalim na maaaring gamitin namin laban sa kanila. “Mga hindi kayo nag-iisip! Nasaan na ba ‘yon?” Hinanap nila ang patalim at kaagad na nakita iyon, pero may isang bagay pa siyang hawak na hindi ko inaasahan. “Ano ‘to?” kinuha ni Nardo ang papel, tumingin siya sa akin at pinanliitan ako ng mga mata. “Cheke?” Wala namang punto kapag magsisinungaling pa ako sa harap nila. Sabi ko nga, kailangan kong makuha ang loob ng lalaki, kailangan kong pakisamahan ang bawat taong nandito at hindi makakatulong ang pagsisinungaling doon. Tumingin ako kay Nardo at napatango nalang, lumapit ito sa akin at iniabot ang kapiraso ng damit. Tinitigan ko lang iyon, lahat ng mga nandito ay nakasuot ng damit kaya impossibleng sa kanila ito. Talaga naman, ipapagamit pa nila sa akin ang damit ng isa sa mga pinatay nila. Kinuha ko iyon at inamoy, napangiwi ako. Talaga bang gagamitin ko ito? Wala bang may magandang loob sa mga taong ito na magpahiram? Nakakabadtrip. Sa halip na gamitin ang damit na iniabot sa akin, ginamit ko nalang ang damit ko. Dahil nga nagnakaw ako ng damit noon para hindi makilala ng mga tao dahil natatandaan nila ang suot kong jacket doon sa video, ito nalang ang gagamitin ko. Pinilas ko iyon sa kalahati dahilan para lumitaw ang aking kalahati ng tiyan. Napatingin naman doon si Nardo, pero wala na rin siyang sinabi habang ang iba namang kalalakihan ay pasimple akong sinisipulan at binabastos. Wala namang naging puna si Nardo sa mga bata niya. Hindi ba niya p’wedeng takutin ang mga ito na puputulan niya ng dila? “Isang daang libo?” tanong ng isang lalaki. “Tunay ba ‘yan?” “Paano makukuha ‘yan?” “Galing sa mga Villavicencio?” tanong ni Nardo. Tumango nalang ako, hirap akong magsalita dahil kaunting emosyon lang ay kumikirot ang aking pisngi, parang mappupunit. Gaano ba kalala itong tinamo kong sugat? Kahit anlang salamin ay wala sila sa lugar na ito. Mabuti pa kapag nasa kalye, ang dami kong salamin doon gamit ang mga bawat tindahan, libre pa. “Para manahimik ka?” tumango ulit ako sa tanong na iyon. Hidi na nagtanong pa uli si Nardo, siguro ay alam na nito ang mga nangyari. Simple lang naman ang paliwanag doon, dahil nga nakita na rin niya ako sa internet na humihingi ng hustisya para sa pagkamatay ng matanda, at alam ng lalaki na mayaman ang pamilyang iyon at hindi basta-basta aamin sa pagkakamali, talagang gagawa ang mga ito ng paraan para mapatahimik ako. At papaano ko nalaman ang mga iyon? Base na rin sa naganap na pag-uusap ni Nardo sa hotel, doon sa kuwarto kung saan sinubukan kong makatakas kamit ang pinagbuho na mga tela pero dahil kulang ay hindi ko rin nagamit. Inilahad ko ang kamay sa harap ni Nardo, inaasahan ko na ibabalik niya ang cheke pero hindi. Nanlaki ang mga mata ko nang punigpupunit niya iyon. “’Hindi mo na kailangan ito. Maliit lang ang isang daang libo kumpara sa makukuha ko kapag naubos natin ang pamilya Villavicencio. At saka sasama ka na sa akin, ako na ang bubuhay sa iyo.” Naisarado ko ang aking kamao dahil sa inis, gusto kong pagmumurahin siya dahil sa ginawa niya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Kung bakit ba naman kasi nandoon ang chekeng iyon kaya napulot ng lalaki. Malamang noong tinulak ako ni Justine at sinugatan sa mukha ay ‘yon din ang oras na nabitawan ko ang papel. Dahil sa sobrang pagkagulat sa bilis ng mga nangyari, nawala sa isip ko ang cheke. Nakakainis, sayang ang pera. Oo, hindi ko alam kung papaano makukuha iyon pero alam ko naman na may mga paraan pa, pero dahil sa mga nangyari ngayon, imposible natanggapin pa ng bangko iyon kahit na pagdidikit-dikitin ko pa. “Akin na ang lighter,” napahinto ako nang marinig ang salitang iyon. Humigpit ang kapit ko sa bagay na nasa aking bulsa, hindi pup’wedeng manatili lang ito sa bulsa ko dahil baka may makatunog. Kung dapat ko itong ilagay sa aking underwear ay gagawin ko para hindi lamang sila makatunog. Tumingin ako sa mga kalalakihan, nagtuturuan ang mga ito hanggang sa maituro nila ang lalaking niyakap ko kanina noong masuugatan ako. “May lighter ka?” Hindi ako makahinga habang hinihintay ang sagot niya. Alam na kaya nito? Hindi naman niya ako paghihnalaan, ‘di ba? Paano kapag nahuli ako ni Nardo? Baka katapusan ko na. Kahit ano pang pangako ang at matatamis na salita an gmga pinagsasabi niya sa akin kanina, na kesyo raw hndi ko na kailangang ng isang daang libo na iyon dahil mas malaki pa ang makukuha niya kapag naubos ang pamilya ni Senator Agustin at siya na ang bubuhay sa akin ay hindi pa rin ako naniniwala. At kahit totoo pa ang mga sinasabi nito, hindi ako sasama sa kaniya. Umiling ang lalaki, “Nahulog ko. Hanapin ko nalang mamaya.” Napapikit ako at nakahinga nang maluwag nang marinig iyon. Kung gayo’n, hindi niya alam na kinuha ko ang lighter nito. Hinawakan ko ang aking sugat na tinapalan na ng damit, napakislot ko. Nakuha ko ang atensyon nila, dahan-dahan akong tumayo saka tumingin sa kanila. Nagpaalam ako na babalik sa kuwarto, sumang-ayon naman si Nardo at sinabing kailangan ko na ring magpahinga dahil maaga pa raw kami aalis bukas. Wala akong ideya kung saan ang kaniyang tinutukoy, pagkatapos ng nangyari sa akin sa tingin ko ay hindi na nila ako lalagyan ng ducktape o piring sa mukha dahil mahahagip nito ang sugat ko na halos isang siguro ang haba, in-estimate ko lang sa pamamagitan ng sakit na nararamdaman ko na mula dulo ng kilay hanggang ibabaw ng labi. Mayroon din palang mabuting naidulot ang ginawang iyon ni Justine, malamang na kapag sa braso lang ay walang ganitong mangyayari. Nang bumalik ako sa kama, doon na ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Hindi ko maiwasang isipin kung nasaan si Justine. Matapos kasi ng nangyari ay inilayo na sa akin ang babae dahil iniisip pa rin nila na galit kami sa isa’t isa. Magandang bagay iyon para mas madali namin silang maloko. Kinapa ko ang lighter at hinanap ang notebook, naramdaman ko na may papalapit kaya kaagad akong nagkunwaring nagbabasa. Nakita ko si Nardo na nakamasid lang sa akin, iniangat ko ang tingin sa kaniya at tingnan ng nagtatanong na mga mata. Nakatingin lamang siya sa sugat ko sa mukha at napapitik ng dila. “Pareho na tayo,” sabi ng lalaki. Malabo na ang ugali ang tinutukoy niya, kahit kailan ay hinding-hindi ako magiging katulad niya na isang mamamatay tao. Ang tinutukoy nito ay ang sugat namin sa pisngi, meron din kasi siya niyon at tandang-tanda ko pa na ako ang may gawa niyon. Gusto kong itanong sa kaniya kung nasaan si Justine, pero masisira ang mga plano ko. Baka isipin nito na hindi na masama ang loob ko sa babae, dapat ay tumatak sa utak niya ang nangyaring pagsapak ko sa babae na galit ako roon, at isa pa ay kailangan niyang isipin na hirap akong magsalita dahil sa nangyari sa akin. “Ano ‘’yan?” tukoy niya sa notebook. Ipinakita ko sa kaniya iyon, sinulyapan lang niya at tumango. “Hinahanap ka na ng anak mo, alam mo ba ‘yon? Baka matakot siya na ganiyan ang nangyari sa ‘yo.” Napansin ko na may galit sa mga mata niya. Hindi p’wede, hindi niya dapat saktan si Justine, pero papaano ko ipaparating iyon nang hindi siya nagdududa sa akin? Nakakainis naman. Umalis na ang lalaki at iniwan ako sa kuwarto, hindi ko alam kung saan siya matutulog, siguro ay nasa labas ito. Minabuti ko nalang na pumikit at magpanggap na tulog. Kalagitnaan ng gabi, dahan-dahan akong bumangon at siniguradong hindi ako makagagawa ng ingay. Madilim sa loob ng bahay pero dahil may ilaw sa labas ay nakakakita pa rin ako. Lumapit ako sa mga butas, sinisilip kug nasaan ang mga lalaki. Tama, may ilan sa kanila na natutulog at sa hindi kalayuan ay may mga nag-uusap, ang lalim na ng gabi pero gising pa rin sila. Paano naman sila makatutulog kung ganito ang mga nangyayari? Masyado silang abala sa mga ginagawa, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila ‘tapos sa pagbaon sa mga bangkay. May iilan akong naririnig at nakikitang liwanag sa malayo, patuloy pa rin siguro nilang hinahanap ang babae na anak ni senator. Nasaan na kaya si Justine? Sana ay gising siya sa mga oras na ito. Wala na akong balak humiga, hindi ko na balak bang umabot ng madaling araw sa lugar na ito dahil na rin sa mga nangyayari. At saka ayon kay Nardo ay aalis kami rito at ipapakilala niya ako sa anak ko. Hindi ko alam kung tanga siya pero siguro nga dahil hindi niya naisip na hindi mababago niyon ang mga desisyon ko. Dahil hindi naman yari sa purong semento ang bahay at may mga butas ang bawat paligid, madali akong nakagawa ng paraan para palakihin iyon para makalusot ako. Pagkatapos kong makagawa ng butas gamit ang mga semento rin na nasa loob mismo na nalaglag, kinuhaa ko ang notebook. Ito ‘yong nakita ko sa kama na natakpan ng mga unan at kumot, ito lang naman ang paraan ko para madaling makagawa ng apoy. At saka wala namang magagawa ang taong nagmamay-ari niyon na si J.M., patay na siya dahil sa mga grupong nandito. Kinuha ko ang lighter at sinimulang palabasin ang apoy, itinutok ko iyon sa bawat kapiraso ng papel at itinutok ko naman iyon sa kumot, sinunod ko ang mga unan at ikinalat iyon sa paligid. At dahil nga kawayan ng higaan, madaling umapoy iyon hanggang sa magkaroon na rin ng itim na usok. Hindi magtatagal, matutupok ang buong bahay na ito. Nang makasigurado na ako na sapat na ang apoy at mahihirapan silang makapasok sa bahay para sagipin ako, kaagad akong huminga ng malalim. “TULOOONG!” Sinigurado kong ubod nang lakas ang boses ko na iyon. Dahil nga hindi ako nakakapagsalita kanina, iisipin nina Nardo na nasa matindi akong panganib kaya nagawa kong sumigaw. Wala akong inaksaya na sandali, kaagad akong lumabas gamit ang butas at nagsimulang tumakbo. Dahil sa liwanag na nagmumula sa bahay, nakikita ko ang daan pero kinailangan kong dumaan sa lugar na madilim kaya umiba ako ng direksyon. At habang patuloy akong tumatakbo, unti-unting lumiit ang apoy sa aking mga mata na senyales na malayo-layo na ang narating ko. Madapa-dapa ako habang tumatakbo pero kinaya ko pa rin. Mahirap kapag ganitong wala kang makita, pakiramdam ko ay paikot-ikot lang ako ng dinaraanan. Nang alam kong sapat na ang layo ko para hindi matunton, napasandal ako sa puno kaya makapagpahinga. Siyempre alam ko na kailangan ko pa ring tumakbo dahil walang kasiguraduhan dito pero kailangan ko pa ring magpahinga kahit ilang minuto lang. Wala akong makita sa paligid, basta ang alam ko lang ay napapalibutan ako ng mga puno at halaman, nasa guat ako panigurado. Gusto kong sumigaw para marinig ako ni Justine, para malaman nito na buhay pa ako at para malaman ko kung saan na siya para sabay na kaming makaalis sa lugar na ito. Narinig kaya ng babaeng iyon ang sigaw ko? Sinabi ko naman sa kaniya na kapag nakarinig siya ng “tulong” mula sa akin ay huwag na siyang lumapit, na kailangan niyang tumakbo at makatakas pero dapat niyang siguraduhin na lalayo siya sa kalsada. Hindi magandang ideya ‘yong tatakbo siy roon dahil p’wede siyang matunton kaagad. Pero ang problema, hindi ko nasabi sa babae kung saan kami magkikita. Papaano ko naman kasi masasabi iyon kung wala akong kaalam-alam sa lugar na ito? Nakapiring kami nang pinunta rito kaya wala akong ideya kung ano ang p’wedeng landmark kung saan ang p’wede naming tagpuan. Napahilamos ako ng mukha, mula sa pwesto ko ay nakita ko na may liwanag mula sa kung saan at may hinala ako na sina Nardo iyon kahit na hindi ko alam kung nasaan na ‘yong direksyon ng bahay. Kaagad akong nagmamadali ng tumakbo papalayo, hindi ko na hinintay pa si Justine dahil kapag nagkataon na mahuli ako ay hindi nila palalampasin ito. Siguro alam na nila na nakatakas ako, na ako mismong ang may gawa ng apoy na iyon. Sumapit ang madaling-araw, nawala ang mga kuliglig, buwan at mga bituin. Pinalitan ito ng hindi matapos-tapos na mga hamog. Nasaan na ba ako? Naliligaw na ata ako. Patuloy akong naglakad, walang katapusang mga hakbang. Uhaw na uhaw na ako at hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng tubig, wala akong naririnig na lagaslas ng tubig na p’wede kong masundan, kaya sinusulit ko ang mga basang dahon, binabasa ko ang labi ko gamit ang mga tubig doon para kahit papaano ay may makaraos. Hanggang sa sumikat ang araw, nawala ang mga hamog at malinaw ko nang nakikita ang lahat. Napagtanto ko na malapit lang ako sa kalsada, may iilang naglalakad doon, nakarinig ako ng mga sunod-sunod na mga yabag. “Mga sundalo,” sabi ko sa sarili ko. Humakbang ako, gusto ko sanang tumakbo papunta sa kanila para humingi ng tulong pero nagdadalawang isip ako. May mga sundalo pala rito, madali silang makararating sa lugar kung saan may nangyaring masaccre pero nakapagtataka kung bakit wala pa sila roon. Hindi ba nila narinig ang mga putok ng baril? Impossible. Papaano kami nakarating sa lugar na ito nang hindi manlang na-aambush ang van gayo’ng may mga dalang malalaking calibre ang mga bata ni Nardo? Napamura ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Tumakbo na lamang ako, hindi papunta sa mga sundalo kung ‘di palayo mula sa kanila, hanggang sa makikita ako ng isang karinderya. Nakakita ako ng isang malaking truck, puno iyon ng gulay at prutas na nakalagay sa basket. May iilang mga kalalakihan ang nandoon na kumakain pero sigurado ako na hindi sila kabilang sa grupo ni Nardo. Umakyat ako sa truck, at nagtago roon. Laking pasasalamat ko na mga edible na pagkain ang mga nandito dahil kahit papaano ay makakakain ako. Ilang sandali pa ay umuga na ang sasakyan, tinago ko ang aking sarili sa mga basket, maya-maya pa ay tuluyan na itong umandar at bumyahe. Nakahinga ako nang maluwag, makakatulog na rin ako kahit papano. Sumilip ako sa labas, tinitingnan kung nandoon ba si Justine, pero walang bakas akong nakita miski anino niya. Ang babaeng vlogger na iyon…sana ay buhay siya at nakatakas. Gustuhin ko mang iligtas siya ay hindi ko magawa. Ayaw kong bumalik doon, hindi ko isasakripsyo ang buhay ko para sa isang tao. Masyado nang marami ang nangyari, ang gusto ko nalang ay bumalik sa dating buhay ko. Naramdaman ko ang bigat ng aking mga mata. At habang nasa ganoong kalagayan ay napapaisip ako kung saan kami papunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD