Sikel Villavicencio
Madiing hinawakan ni Darius ang aking balikat para malayo sa kaniya, pinunasan nito ang kaniyang labi at pinagmasdan ang daliring ginamit para magawa iyon bago matalim ang mga matang tiningnan ako. Puno ng panghuhusga ang mga iyon, nagtatanong kung bakit ko nagawa. Hindi ko mapigilan na mapasabunot ng sarili, nadala lamang ako ng aking emosyon—umaasa na kapag nagawa ko iyon ay bibigay ang lalaki at makukuha ko ang gusto. Kauna-unahang beses itong mangyari at talagang nakakahiya. Para kong ibinaba ang aking sarili sa ginawa kong iyon. Ano bang pumapasok sa isipan ko? Wala na ba talagang ibang paraan? Kailangan kong maging rasyonal pero masyado nang maraming nangyari, pagod na ko. Sobra.
"Hindi lahat ng lalaki ay nadadaan sa pang-aakit," ibinaling ko ang atensyon kay Darius. Walang kagana-gana ang boses nito, hindi ko tuloy mabatid kung may galit siyang nararamdamam. Nakatingin siya sa apoy na mas mahina na ang inihahatid na liwanag kaysa kanina. "Kailangan mong intindihin na wala ka sa mga napapanood mong pantansya; sa reyalidad, baka sa halip na mabihag mo ako ay nabawian kita ng buhay." Ipinakita nito ang kaniyang baril, nadama ko ang pagtaas ng balahibo sa katawan. Hindi ko naisip iyon, binitawan ko ang aking armas upang matuon ang atensyon ng lalaki sa akin at hindi ko manlang naisip na sa pagkakataong iyon ay ako na mismo ang naglagay sa sarili sa kapahamakan.
Batid ni Darius na mahilig ako sa pantasya at isa sa mga paborito ko ay Lord of the Rings. Naaalala ko pa na dapat iyon ang panonoorin namin ng aking kapatid na inaasar pa akong baka paborito ko ang gyera at malamang ay mahilig din ako sa War of Titans at Star Wars. Nakuha nga talaga nito ang ugali ni Senator Agustin, kahit pa sabihin na malambot ang puso nito, may mga katangian siyang ipinapakita na nagpapatunay na mag-ama nga ang dalawa.
Narinig ko ang pagtikhim ng lalaki, hinawakan nito ang lalamunan. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay inalis niya iyon. "Tubig?"
Umiling ang lalaki. "Palipasin muna natin ang gabi. Masyadong delikado ang paligid."
Tumango na lamang ako, dahan-dahang huminga, hinayaan ko ang aking sarili na maging payapa. Pinagmasdan ko ang mga bituin at napahinga nang malalim, sinusubukan kong itulog na lamang ang pagkulo ng tiyan at ang pagkauhaw, ngunit hindi ko magawa. Aking ibinaling ang atensyon kay Darius na nasa gano'ng posisyon din katulad ko, ngunit ang mga kamay nito ay gumuguhit sa itaas para gumagawa ng mga imahe gamit ang mga hindi mabilang na bituin sa kalawakan.
"Sa tingin mo ba may iba pang tao bukod sa atin?" biglang tanong ng lalaki. Hindi ko batid kung interesado talaga siya sa bagay na iyon o bigla lamang niyang naisipan dahil sa pagkabagot na nararamdaman.
"Ano kayang nararanasan nila? Ano ang mga mukha nila? Pareho din kaya natin sila na minamalas din?"
"Hindi ko alam," Pero kung meron man at mayroong matibay na ebidensya, isa iyong hindi lang nakamamangha, hindi ko mahanap ang salitang mas makakatumbas ng pangyayaring iyon. Ang malaman mo na hindi lang tayo ang mga naninirahan sa daigdig, ang malamang merong mga nilalang na may kakayahang mag-isip nang katulad natin o higit pa. Gustuhin ko mang abutan iyon, gustuhin ko mang makita nang harapan ang tatatak sa kasaysayan ay alam kong malabong mangyari.
"Sierra, pasensya na." Nilingon ko siya at napag-alaman na nakatingin din pala ito sa akin. "Hindi ko alam kung papaano ako makababawi sa mga nangyari. Naiintindihan ko na nagawa mo lang iyon dahil naging desperado ka," napaiwas ako ng tingin dahil ang tinutukoy nito ay ang paghalik ko sa kaniya. Hindi ko alam kung masasanay akong makatingin sa kaniya nang hindi tumitingin sa kaniyang labi at maalala ang bagay na iyon. "Pero sinisigurado ko sa iyo na ginagawan namin ng paraan ang paghahanap sa Mama mo."
Idinetalye nito ang ibig sabihin. Kagaya ng sinabi niya kanina, nakipagtulungan daw sila sa mga ahensya ng pamahalaan lalo na dahil sa tingin nila ay hindi lang ito isyu ng isang kaso ng pagkawala kundi isang banta na rin sa bansa. Isa sa mga tungkulin ng pamahalaan ay ang kaligtasan ng bawat Pilipino at sa nangyayari, iniiwasan nilang pigilan ito dahil sa kabilang banta, kung iisipin ay banta ito ng terorismo, ngunit ang bagay na iyon ay hindi pa sinasabi sa media. Ang pangakalahatang sinasabi lamang sa bawat balita ay sangkot daw ang binata sa ilegal na gawain. Dagdag pa ni Darius, nagkaroon daw ng mass hysteria ang mga tao lalo na nang kumalat sa internet ang ginawang kademonyohan kay Jordan. Natatakot ang mga tao na lumabas ng bahay dahil sa pekeng balita na nagkalat, bukod pa roon ay may mga taong nagsasabi na malapit na raw mangyari ang paghuhukom.
Ngunit may isang bagay na hindi alam ang media: Na ang lalaki na iyon ay estudyante ko, na salungat sa iniisip nilang may kinalaman sa ilegal na gawain ang nangyayari, ang mga may gawa ng kahangalan na iyon ay ang mga taong gustong makuha ako upang makapaghiganti kay Senator Agustin. Iniisip ko palang kung ano ang nararamdaman ngayon ng kapatid ng binata, ni hindi manlang ako magawang tawagan nito dahil tinapon ng lalaki ang cellphone.
"Paano niyo nalaman ang pagkakakilanlan ni Jordan?" Malinaw pa sa memorya ko na hindi nila binigyang atensyon ang aking mga sinabi roon sa conference room kaya nakapagtataka na alam nito kung ano ang hitsura ng binata kung hindi manlang ako nagbibigay ng detalye, ngunit maaari din namang gumamit sila ng koneksyon. Madaling malaman iyon lalo na dahil likas na malaki ang bibig ng aming mga kapit-bahay, at wala pang isang araw ay kakalat na nang husto ang mga nangyayari. Sila ang buhay na katunayan, talagang pinanindikan nila na may pakpak ang balita.
"Binasa ko sa notebook na dala mo," sa una ay hindi ko maunawaan ang kaniyang tinutukoy ngunit nang makuha ko ang ibig niyang sabihin ay matalim ang mga matang ipinukol ko sa kaniya. Hindi lang ito magaling magpanggap, masyado ding makati ang kamay. Hindi ko pa nga nababasa ang nilalaman niyon, pagkatapos siya ay walang babalang pakikialaman ang mga gamit ko. "Kailangan kong gawin iyon para makasigurado na wala ka ng ibang cellphone."
Umangat ang sulok ng labi ni Darius. "Malakas ang tama sa 'yo ng estudyante mo. Masyado rin siyang makata, mukhang matalino kaya hindi kapani-paniwala na sangkot siya sa ilegal na gawain."
"Sangkot siya," naibuka ni Darius ang bibig at napatango na lamang. Pumunta kami dati sa baranggay nina Darius, at sa mga nangyayari sa lugar na iyon, base na rin sa mga kaibigan at mga kakilala nito, totoo na p****r at user ang lalaki. Hindi rin ako makapaniwala noong una, pero iyon ang totoo. "Hanggang saan na ang nababasa mo?"
"Natapos ko lahat." Minura ko siya dahil doon, bahagyang nagulat dahil hindi inaasahan ngunit napangiti na lamang. "Hindi mo pa ba nababasa?" Hindi ako sumagot, tumango-tango na lamang siya at nabatid ang sagot sa kaniyang katanungan. "Basahin mo sa susunod, p'wede mo ring tingnan yung tinutukoy niyang puno dahil may nakabaon daw doon."
Napahilamos na lamang ako ng mukha dahil sa iritasyon. Masyado na siyang marating mga sinabi at kinakain na ako ng aking kuryusidad. Napabuntong hininga na lamang ako at muling napatingin sa kalawakan. Binalot ako ng samu at saring mga katanungan. Malakas ang tama sa akin ni Jordan? Hindi ko alam kung papaano mangyayari iyon gayo'ng isang beses palang kaming nakita at iyon ay sa paaralan para sa isang demo class, ngunit iniisip ko rin ang posibilidad na maaaring matagal na niya akong kilala. Bakit itinago sa akin ni Mama na may kakilala siyang lalaki? Pinakiusap ba ito sa kaniya ni Jordan? Hindi ko pa rin mawari kung sa papaanong paraan ay nagustuhan ako ng katulad niya, ngunit ikinatutuwa ko na isa ako sa naging inspirasyon ng tao.
Walang matinong dahilan ang makakapagsabi na tama ang kumitil ng buhay dahil lamang sa p****r o user ang isang tao. Kung may dapat mang makaranas ng gano'ng pagnamalupit, walang iba kundi ang mga pulitikong nagbubulagbulagan at sangkot sa mga ilegal na gawain. Hindi pupwedeng isisi sa mga mamamayan ang palpak nilang leadership skills. Hindi pupwedeng palaging ganito ang takbo ng sistema rito sa bansa.
"Kilala niyo ba kung sino ang may gawa nito? O kahit hinala manlang? Mga kalaban ni Senator Agustin?"
"Maraming kalaban ang isang pulitiko, Sierra. P'pwedeng kabilang kampo o mismong ka-partido niya. Hindi nasusukat sa pangalan ng kanilang samahan ang pagiging tapat nila sa isa at isa," umupo ang lalaki at sumandal sa puno. Ginawa ko rin ang mga ikinilos niya upang magkaharap kami sa isa at isa. "Pupwede ring bigating negosyante na nakaalitan niya."
"Sinasabi mo rin bang wala kang tiwala sa mga taong narito? Samahan ninyo ito, 'di ba?" Nakalilito. Kung wala siyang tiwala sa mga taong nandito, bakit pa niya ako dinala at ipaniwala ako na magiging ligtas ang aking buhay sa lugar na ito? "Si Senator Agustin ang may utos na dito ka itungo."
"Gusto ba niyang mamatay ako?"
Umiling ang lalaki, sumilay ang ngisi sa labi nito. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit ipinaiwan ko sa iyo ang mga gamit mo?" Syempre, nagtataka. Sino ba ang hindi iisipin iyon kung sinabi niyang maghanda ako ngunit walang kahit anong dalang gamit?
"Assurance, security, comfort." Napataas ang aking kilay sa kaniyang mga inusal. "Kapag iniwan mo ang mga gamit mo, iisipin nila na babalik ka, pero syempre salungat ang plano mo roon."
Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa takbo ng utak ni Darius. Minsan talaga ay mga bagay sa utak nito, sa paraan ng kaniyang pag-iisip na nakaaakit. Ngunit sa kabila ng mga nararamdaman, pinili kong huwag ipahalata iyon. Hindi na mahalaga kung naging matalino siya sa aking paningin sa sandali o pagkakataong iyon. Kaya napili kong tanungin na lamang siya upang mabaling ang atensyon ko sa iba. "Anong plano?"
"Bunker."
"Bunker?" Tumango ang lalaki, saka muling pumikit. Pilit ko siyang tinatanong sa mga nais niyang sabihin, ngunit hindi siya nagsalita. Iniwan ako nitong binabagabag ng mga katanungan sa buong gabing iyon.
Hindi ako matutulog. Iyon ang itinatak ko sa aking isipan habang pinagmamasdan si Darius na nakapikit habang nakasandal sa puno. Iminulat nito ang mga mata kanina, at tinanong kung may balak ba akong pagbantaang muli ang kaniyang buhay. Bahagya akong natigilan nang itanong niya iyon, ngunit kaagad akong sumagot na hindi. Aniya, mainam daw iyon dahil matutulog siya nang totoo at kung wala raw akong planong matulog ay manatili akong bantay habang kumukuha siya ng lakas para sa muli naming paglalakbay kinabukasan. Dagdag pa niya, may tiwala raw siya sa akin na may isa akong salita. Masyadong ironic iyon kung tutuusin dahil siya mismong itong nagtuturo sa akin, sa hindi direkstang paraan na kahit sino ay pup'wede kang isahan ng mismong kapartido mo, kaya hindi ko nauunawaan kung bakit gano'n ang kaniyang mga ikinikilos. Parte ba ito ng kaniyang plano? Sinusubok niya bang muli ako? Papaano kung ang ipinaparating nito na hindi dapat ako nagpapalinlang sa mga sinasabi niya?
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Wala sa aking plano ang muli siyang saktan, hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang direksyon ng hangin. Siguro dahil naramdaman ko na tatakas kami sa lugar na ito, malayo sa mga taong nagbabantay sa paligid. Muli kong iniangat ang kahoy nang tumapat ako sa kaniya, nang matunugan ko na itataas niyang muli ang armas papunta sa akin ay kaagad kong itinarak ang kahoy.
...sa gilid ng kaniyang mukha, sa lupa.
"Magaling, Sierra." ngumiti ang lalaki, nakapikit pa rin ito at mukhang walang balak imulat iyon. Napabuntong hininga na lamang ako bago hinila ang kahoy at inihagis habang nananatili pa rin sa pwesto ko. Muli ko siyang pinagmasdan na nakapikit pa rin, napailing na lamang ako saka humakbang papaalis nang may isang kamay na pumigil sa akin at marahas na hinila ang aking kamay paibaba. Bumagsak ako sa kumpol na mga dahon, nang imulat ko ang mga mata ay nakita kong nasa gilid si Darius. Hindi nalalayo ang agwat namin sa bawat isa, ramdam ko ang kaniyang mainit na paghinga.
Nakatingin pa rin ako sa mga bituin. Hindi ko nais na lingunin siya. "Matulog na tayo," iyon na lamang ang kaniyang sinabi bago niya ako niyakap. "Malamig..."
Tunay na maginaw. Nasa itaas kami ng bundok at sobra pa sa aircon ang temperatura sa paligid. Hinayaan ko ang aking sarili na nakakulong sa kaniyang braso, unti-unting dumilim ang paligid hanggang sa tuluyan nang nawala ang apoy at liwanag na lamang ng bituin ang natitira sa amin. Ipinikit ko ang aking mga mata, ngunit panandalian lamang iyon.
"Darius..."
"Sierra..." ramdam ko na lumalim lalo ang hininga niya, mas uminit ito kagaya ng aking nararamdaman dahil sa kamay na naglalaro sa aking tiyan. Mas lalong inilapit nito ang bibig sa aking leeg at iniwan doon ang maliliit na halik. Kinikiliti nito ang aking pagkatao, ramdam ko ang pagtaas ng aking balahibo, ang pagpukaw ng puso, may kung anong hinihila sa akin na nararamdaman ko lamang sa tuwing pinagmamasdan ko ang litrato ni Cruz.
Napunta ang halik ni Darius sa aking tenga, pinaikot niya ang dila roon at bahagyang kinagat pa.
"D-Darius..."
"Mm?" Iniakyat niya ang mga darili sa aking leeg, unti-unti niyang idiniin iyon sa akin upang masakal ako dahilan para bumaha ng kaba ang aking dibdib, ngunit mabilis na tinanggal niya iyon at inilagay sa aking bibig. Ipinasok niya ang diliri roon at makaraan ng segundo ay ibinaba nito ang daliri sa aking tiyan. Ipinasok niya ang kamay sa loob ng aking damit hanggang sa umabot iyon sa aking dibdib. Pinaglaruan niya iyon, idinikit sa sensitibong bahagi ang basang daliri kasunod ng pagpisil at paghila niya roon.
"Darius..."
"Gusto mo ba akong huminto?"
"Nalilibugan ako..."
Ramdam ko ang pagsilay ng ngiti sa binata. Bumangon ang lalaki at umupo sa akin ngunit hindi ko ramdam ang kaniyang bigat, binabalanse nito ang katawan upang hindi ako masaktan. Pagkatapos niyon ay kaagad na sinakop ang aking labi, ngunit hindi nagtagal iyon dahil ibinaba rin niya ang atensyon papunta sa aking leeg. Ramdam ko na naglalago ang kaniyang kamay sa aking hita, ngunit kapansin-pansin na sinasadya niyang iwasan ang sensitibong bahagi. Hindi ko iyon gusto, nag-aapoy ang aking katawan, may hinahanap at kailangan mapunan iyon. Hinawakan ko ang kaniyang kamay ngunit kaagad niyang natunugan ang nais gawin kung kaya hinila niya ito papunta sa taas ng aking ulo.
"Putanginamo, Darius."
Natawa ang lalaki. Alam niya ang kaniyang ginagawa, at sinasadya niyang paglaruan ako, ang painitin ang katawan ko. Iniakyat niya ang atensyon sa aking labi, ipinasok niya ang dila roon, maya-maya ay inilabas niya at bahagyang hinahalikan ang gilid ng labi ko habang at dalawang kamay niya ay muling ipinasok doon. Muling bumaba ang kamay nito at nilamas ang aking dibdib sa labas ng aking damit habang ang kaniyang bibig ay inilapit sa aking tenga.
"Putangina mo rin, Sierra Kiel." Malalim, puno ng senswal, hinihingal.
Hindi pa man ako nakaaahon sa kaniyang pagmumura sa akin, idiniin niya ang kamay sa aking puson. Napakapit ako nang mariin sa kaniyang mga kamay, naiangat ko ang ulo dahil elektrisidad na dumaloy sa aking pagkatao. Kumawala sa akin ang ungol na kanina ko pa pinipigilan.
Naramdaman ko ang pagtigil ni Darius sa ginagawa. "Hindi lang si Jordan ang malakas ang tama sa iyo." bulong ng lalaki, pagkatapos niyon ay mas lalo siyang naging agresibo na may pag-iingat, alam nito kung papaano bibilis at idadahan-dahan. Halos mabaliw ako sa gabing iyon.
Sa ilalim ng mga bituin, sa musika ng mga puno, at sa lamig ng paligid ay binigyan namin ng init ang bawat isa.