Andie Gregorio “Bakit ka ba atras nang atras?” Natatawang sabi ng babae, nakapasok ang isa nitong kamay sa pulsa ng pants niya habang ang isa naman ay hawak nito ang kutsilyo. Ni hindi manlang siya nag-abalang punasan ang dugo na nandoon na patuloy na pumapatak. “Ah ito ba?” Napansin ng babae na panay ang sulyap ko roon sa kutsilyo, itinutok niya iyon sa akin, napalunok naamn ako nang wala sa oras dahil doon. Narinig ko ang pagpitik nito ng dila, “Masyado bang brutal ang ginawa ko?” “Tanga ka ba? Tinatanong pa ba ‘yan?” Nabigla rin ako sa sinabi ko pero hindi ko na iyon mabawi. Umangat ang labi ng babae sa akin, pinagmasdan ako nito saka tumingin sa paligid. “May dagat pala rito, ‘no? Siguro dapat kong papuntahin dito ang grupo para na rin may makapag-swimming.” Ano ba ang pinagsasabi

