Andie Gregorio Nang alam ko na malayo na ako sa babaeng iyon, nagsimula na akong maglakad nang dahan-dahan, pero kahit ganoon ay tinalasan ko ang pandinig ko habang hawak sa magkabilang kamay ang bote ng tubig at patalim. Habang ang tela naman na galing kay Ethan ay ipinantakip ko sa ulo ko, mabuti nalang dahil medyo malaki iyon kaya nasakop ang leeg ko. Sa tindi ng sikat ng araw, siguradong kapag wala akong makitang masisilungan ay matutusta ako rito, nagkaroon na nga ako ng sun burn noong maglakad ako pabalik sa pahingahan, hindi ko na gustong maulit iyon dahil sobrang hapdi talaga. Hindi pa nga iyon naghihilom hanggang ngayon, dadagdagan ko pa ba? Kung alam ko lang sana na mamamatay si Ethan, hindi na sana ako lumapit sa kaniya para makuha ang loob nito, hindi ko na sana siya inalok

