Andie Gregorio Matapos ang halos tatlong oras naming paglalakad, nakarating din kami sa bundok, bitbit pa rin ng babae ang ahas na patuloy na gumagalaw sa loob ng sako. Hindi ba siya natatakot na baka mabutas ang sako at makawala ang ahas at matuklaw siya nito? Kasasabi lang ng babaeng ito na makamandag ang ahas, tinakot pa nga niya ako gamit iyon kaya bakit kalmado lang siya? Kaunting pagkakamali baka buhay na niya ang kapalit. Pero kung sabagay, nandito kami sa lugar na ito, bawat gabi at araw ay palagi kaming nakikipagkumpitensya sa kamatayan. Kaya ano pa ba ang mas ikatatakot niya kung ang mga paa namin ay nasa hukay na? Dahil sa mga hunter na hinahanap kaming mga kulay dilaw, alam na namin na sa bawat paglipas ng araw ay lalong nasa panganib ng buhay namin. “Teka, p’wede bang bagala

