Andie Gregorio Lumipas ang dalawa at kalahating oras na palakad-lakad kami, nakapagtataka nga kung papaanong hindi naliligaw ang babae sa bawat dinaraanan namin, pero hindi na ako nagtanong dahil kagaya ng sinabi niya, kailangan naming mag-ipon ng lakas dahil sa mahabang paglalakbay. Kaya sa halip na tanungin sa kaniya kung papaano niya nalalaman ang daan papunta roon sa lugar na pinagtataguan nila, mas pinili ko nalang na alamin iyon gamit ang sarili kong paraan. Pinagmasdan ko ang paligid, walang kahit anong mga tali roon, karamihan ay d**o lang ang aking nakikita na siyang tinatapakan namin. Ito ang isa pa sa napapansin ko, simula nang makarating ako sa mga naglalakihang cactus at mga d**o kung saan ko napiling matulog dahil natatakpan iyon ng ng mga naglalakihang halaman dahilan para

