Prepayment

2114 Words
Andie Gregorio “Pinatay mo ang lolo ko,” mariing sabi ko sa kaniya. “Nangako ka na magbibigay ng pera, pero tinakasan mo ako. ‘Tapos kanina balak mo pa akong patayin para makatakas ka atraso mo.” Umiiling siya, patuloy na lumuluha pero wala akong pakialam. Walang epekto sa akin ang paiyak-iyak niya, ang pagda-drama niya. Naalala ko ang sinabi niya kanina habang nag-uusap sila, may tinatawag siyang Marshall at sinabi niya kung ano ang mga nangyari kaya nangangailangan siya ng pera, medyo dissapointed pa siya habang inuulit ang sinasabi ng lalaki na hindi raw nila kaya ang ganun kalaking pera. Wala akong naririnig na boses, pero nagtiwala ako. Nauto nga niya ako ro’n pero hindi na ngayon. Ilang tao na ba siya? Sixteen? Ang bata pa niya pero ang galing na niyang magpanggap. “Somebody help me! Help!” Mas lalo kong inilapit ang mukha niya. Sige lang, ipagpatuloy mo ang paghingi ng tulong at talagang didikit ang mukha mo sa bangkay na ito. Iginilid niya ang kaniyang mukha. “No, please stop! I have told you, I can’t do online transactions! I can’t even make a call, someone will kill me!” “Oo, at ako ‘yon.” Tuluyan ko nang inilapit ang kaniyang mukha roon. Narinig ko siyang sumisigaw pero hindi rin nagtagal ‘yon. Naging tahimik muli ang paligid at nakita ko siya na nakadikit pa rin ang mukha roon. Nang tanggalin ko ang pagkakahawak sa mukha niya, ni hindi siya gumalaw at pumalag. Nang tingnan ko kung ano ang nangyari, nakita ko siyang nakapikit. Tuluyan ko siyang inalis doon at nakahiga lang din siya sa malamig na sahig, sinampal ko para magising at kaagad naman niyang namulat ang mata. Sabi na nga ba, nagpapanggap na naman siya. Lumayo siya sa akin, yakap niya ang tuhod at parang batang siniksik ‘yong ulo roon at tahimik na umiyak. “A-ate…Sierra…K-kuya…” Napaikot ako ng mga mata bago siya hinila roon, pinatayo at pinalabas. Wala sa sariling sumunod siya, ni hindi niya napansin na natapakan niya ang bangkay. Napapitik nalang ako ng dila bago tuluyang sinara ang pinto ng morgue nang makalabas, habang siya ay kapit ko at inutusang ayusin ang sarili, pero tiningnan lang niya ako nang blangkong ekspresyon na para bang walang takot kaya hinawakan ko sa panga at inilapit ang mukha niya sa akin. “Aayusin mo ang sarili mong babae ka, naiintindihan mo ba ako?” May tumulo na namang luha sa mata niya, pero hindi na rin siya nagsalita pa. Nanginginig ang kamay niya habang inaayos ang buhok. Inutusan ko rin siyang punasan ang luha ‘tapos binantaan ko na huwag gagawa ng kahit ano dahil papatayin ko siya katulad ng pagpatay niya sa matanda. Tuluyan kaming umalis sa lugar na ‘yon nang maging kalmado na siya, hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami. Nang makarating kami sa dulo, may nakita kaming naglilinis na napatitig sa amin at nagtataka kung bakit nanggaling kami sa walang taong lugar, pero hindi na rin siya nagtanong pa, pero mas binilisan namin ang kilos. Nasa pwesto na kami kung nasaan ang mga nurse kanina, kinakabahan nga ako dahil baka maalala nila na kami ‘yong tumatakbo kanina, pero biglang nagkaroon ng emergency. May mga batang ipinasok sa hospital na kailangang ipasok sa Intensive Care Unit dahil nasabugan daw ng boga. Kitang-kita namin ‘yong mga dugo na tumulo pa sa sahig, mukhang may mapuputulan pa ng kamay bago mag-Pasko. Ang titigas talaga ng mga ulo ng mga bata ngayon pero pasalamat na rin ako kasi nga kung hindi dahil sa kanila, malamang napagtuunan na kami ng atensyon. Hindi katulad ng nangyari pagpasok nila na nataranta ang mga nurse at naging abala sa mga nangyayari kasi nga mga bata iyon, saka may press na nando’n. Nang makalabas na kami, doon na ako napahinga nang maluwag sabay kuha ng taxi at tulak sa babae para makapasok siya sa loob. Palagi kong minamata ang babae kasi baka gumawa ng kalokohan. “Saan po tayo, Ma’am?” Nilingon ko ang babae para siya na ang sumagot at na-gets naman niya ‘yon. May sinabi siyang pangalan ng bangko ‘tapos lumingon siya sa bintana para tingnan ‘yong paligid. Ayos na sana ang lahat, pero biglang nagsalita ang driver. Putangina, hindi ba pwedeng manahimik ang mga katulad nila? Ang dami niyang dada. Nagtatanong siya kung magkaano-ano kami, pinuri niya pa ang hitsura ng katabi ko. Siguro iniisip niya kung magkaano-ano kami ng babaeng ito kaya nasabi ko nalang sa kaniya na katulong ako ng babaeng ito dahil sa obvious na dahilan: malaki ang kaibahan naming dalawa. Baka magduda kapag sinabi kong magkapatid kami, eh hindi hamak na ang layo ng mukha naming dalawa dahil mukha siyang tisay. Patuloy pang nagtanong ang driver at sinabi ko magpa-pasweldo ‘yong amo ko sa akin kaya pupunta kami ng bangko. Nagkaroon pa siya ng susunod na tanong kaya na-badtrip ako. “Kuya, baka p’wedeng isarado mo muna ‘yang bibig mo dahil pagod ang amo ko sa photoshoot.” Napatingin naman siya sa babae at tumango nalang. “Halata nga, Ma’am. Sige, pahinga muna kayo. Anong gusto niyong patugtog?” Ngumiti ako sa kaniya kahit urat na ako. “Kahit ano.” Ginawa naman niya ang sinabi niya, tumahimik na siya nang nang tuluyan at hinayaan kaming mag-enjoy sa tugtog. Napatingin ako sa kamay ng babae na hawak ko pa rin, malamig iyon t mabilis rin ang t***k ng pulso niya. Nakatingin pa rin siya sa daan at hindi nagsasalita, siguro natatakot siya sa pwede kong gawin. Gusto kong makita niya kung papaano ako magalit para hindi niya siya umulit pa. Hindi ako naniniwala sa mga pakulo na sinabi niya sa akin kanina na hindi raw siya makakapag-online transaction at makatawag dahil may papatay sa kaniya dahil baka siya pa nga ang mamamatay tao. Sinubukan nga niya akong patayin, eh. Narinig ko siyang naghu-hum. Mas relaxing pa ‘yong ginagawa niya kaysa sa mismong pinapatugtog ng driver. Napatingin sa amin ang driver ‘tapos nagsalita na ayos lang daw kumanta at sa totoo lang daw ay may videoke raw siya sa sasakyan. Hindi na nag-hum ‘yong babae nang marinig ‘yon, siyempre sino ba ang nasa mood kumanta matapos ang mga nangyari kanina? Tuluyan na kaming nakarating sa isang bangko, bumaba kami at naghintay akong may maibigay sa akin ang babae pero nakatitig lang siya sa mga kamay ko. Napahilamos ako nang mukha dahil alam ko na ang mga tinginan niya na ‘yon? Huwag niya sabihing wala siyang dalang pera? Pero mukhang gano’n na nga. At paano naman ako? Wala akong kahit ano sa bulsa ko maliban sa card na ginamit ko kanina. Nilingon ko ang driver na nakatingin sa amin at naghihintay, nag-iba ang timpla ng mukha nito at halatang hindi gusto ang kasunod na maririnig base sa mga ikinikilos namin. “Babalik kami,” paninigurado ko sa kaniya ‘tapos napatingin siya sa babae. Ano bang ipinaparating niya? Na wala siyang tiwala sa mga sasabihin ko dahil ganito ang itsura ko? Napaka-judgmental amputa. Nilingon ko rin ang katabi ko at bahagya na ngumiti siya, medyo namamaga pa ang mukha niya. Hindi ko na rin alam kung nasaan napadpad ‘yong sumbrero niya, baka naiwan sa kung saan mang lumalop. “We’ll be back.” O ‘di ba? Sabi naman sa ‘yo, eh. Napaka-segurista mong tangina ka. Magkano ba bayarin namin ha? Alam mo bang isang milyon ang pera ko? Wala pa ‘yon sa kalahati ng sinusweldo mo. Bumuntong hininga ang lalaki sa tumango nalang sabay sabi ng, “Ano pa nga ba? Sige na, hintayin ko nalang bayad niyo rito. May bayad din itong paghihintay ko ha? Sayang ang oras, tumatakbo ang metro.” Tinalikuran na namin siya saka hinawakan nang mahigpit ang kamay ng babae, naglakad kami papunta roon sa ATM machine, pero masyadong mahaba ang pila. May mga lalaking panaka-nakang tumitingin sa amin, nagkukunwaring may tinitingnan sa likod pero halata namang pinagnanasahan nila ang katabi ko. Ang lilibog talaga, hindi ba p’wedeng ikalma nila ang t**i nila? Pinisil ko ang kamay ng babae at tumingin ito sa akin. Mukha pa rin talaga siyang inosente sa kabila ng lahat ng mga nangyayari, ‘tapos mukhang hindi pa siya aware na agaw-pansin ‘yong mukha at kulay niya. Kahit na mukha siyang basahan ngayon at may mabahong amoy, hindi pa rin nakapigil na makakuha siya ng atensyon. Umiling ako sa babae ‘tapos tumango nalang siya at yumuko. Napangisi ako, hindi dahil sa natutuwa. Walang masaya kapag naiinggit ka sa isang tao. Ganitong-ganito ang hitsura na pinangarap ko dati, ‘yong ganitong admiration, at atensyon pero burado na lahat ng ‘yon. Nagagalit ako sa tuwing may nakikitang maganda, nagagalit ako sa opportunity na kasiyahan na sana nararanasan ko ngayon. Kung alam lang ng babaeng ito kung gaano siya ka-swerte dahil sa mga validation na nakukuha niya, hindi siya mag-iinarte ng ganiyan. Oo, inarte. Alam kong gawa-gawa lang niya ang lahat ng mga pakulo niya kanina. Isa lang siya sa mga spoiled na bata ngayon na paniguradong nag-aadik din kaya sabog at nakabangga, galing siya sa party at siguro ginahasa kaya ganiyan mag-isip. Pero wala na akong pakialam sa buhay niya, kung anuman ang totoo sa hindi sa mga pinagsasabi niya, ang kailangan ko lang ngayon ay pera. Isang milyon para magbago ang buhay ko, hindi na ako makapaghintay. Nang kami na ang susunod na magwi-withdraw, tiningnan ako ng babae pagkatapos ipasok ang card niya roon. Syempre tinanong ko kung bakit at sinabi nito na kailangan kong tumalikod para hindi ko makita ang PIN niya. Natawa nalang ako sa sinabi niyang ‘yon. Ako tatalikod? Na naman? Matapos ng nangyari kanina, akala ba niya ay susundin ko siya? Tumingin ako sa likod, mabuti at wala ng sumunod sa amin. “Ganito, bakit hindi mo nalang ibigay ‘yang ATM mo ‘tapos pasukan niyo nalang ng pera para sa mga kulang?” Napaisip siya at tumango nang walang alinlangan ‘tapos ipinakita ang way kung papaano magwithdraw at magcheck ng balance. May inilabas siyang sampung libo, at ibinigay sa akin ang card. Kinuha ko naman iyon at pinausod siya habang hawak pa rin ang kamay at nagwithdraw doon ng pera pero pinigilan niya ako. “What are you doing?” Napapitik ako ng dila. “Hindi mo ba nakikita? Winiwthdraw ko ang pera. Ang sabi mo, sampung libo pero singkwentamil ang nakita ko kanina. Kukunin ko itong lahat.” Ipapasok ko sana ulit ‘yon kaso pinigilan niya ako. “Ano ba?” “You can’t do that. There’s a maximum limit of withdrawal or else it will be considered as red flag. And you supposed to know that you should leave some money for them to not close the account.” Ano ba ‘yan, ang dami namang alam! Pinaalis ko siya ‘tapos winithdraw ang pera, ang kaso hanggang trentamil lang ang kayang ma-withdraw. Tama naman pala siya, hinarap ko ang babae saka ipinasok ‘yong pera sa bra ko. Nakatitig lang siya roon ‘tapos napailing. “So?” “So?” ulit ko. “I can leave noiw, right?” Napaisip ako. Nakakapagtaka na bigla nalang niyang pumayag na kunin ko ang card niya. Alam kong may hindi tama ro’n. Pumayag kaagad siya na ibigay sa akin at lalagyan nalang niya ng pera? Impossible. Alam kong may binabalak siyang kalokohan, baka balak na naman niyang takasan ang atraso niya sa akin. Tama, gano’n nga. Ha! Hindi na niya ako maiisahan. Hinila ko siya paalis doon matapos kong makuha ang pera, card, at resibo na niyukot ko. Ramdam ko na pumapalag siya at piumipigil kaya lumapit ulit ako sa kaniya. “Huwag kang sisigaw, naiintindihan mo?” Umiling siya, pinipilit tanggalin ang pagkakahawak ko sa kaniya. “Ain’t that enough? I will deposit money on your account, alright? There’s no need to drag me like a child. Just let me leave.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Paano ako makasisigurado na gagawin mo nga ‘yan? Pagkatapos ng ginawa mo kanina? Hindi mo na ako maiisahan ulit na babae ka.” “W-what are planning to do? K-kidnap me?” Umiling ako. Ibang klase ring mag-isip ang isang ito. “Mukha ba akong kidnapper ha? Mahirap lang ako pero hindi ako kidnapper. Ginagawa ko lang ang lahat ng ito para sa lolo ko na pinatay mo.” Umiwas ng tingin ang babae, halatang guilty. “Hindi tayo aabot sa ganito kung sumunod ka lang sa gusto ko at tumupad sa pangako mo.” Hinila ko siya, nagtatanong siya kung saan kami pupunta kaya inis ko siyang nilingon. “Sa mall.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD