Hindi na nakaimik si Dianne sa sinabi ni Athena. Hindi na lamang siya nagsalita; hindi rin kasi maiintindihan ni Athena ang naramdaman niya sa sandaling iyon. "Sana nga..." nasabi niya lamang at napangiti sa kaibigan. Muling bumaling ang tingin niya kay Dansel at sa asawa nito, sinusulyapan ang bawat kilos at ekspresyon, na tila binabalikan ang nakalipas na alaala. Sa pagpatuloy ng kwento ni Dansel… Hindi inaasahan ni Dansel na muling magkaharap ang landas nila ni Philip. Sa isang bar sa lungsod, nakita niyang umiinom si Philip sa isang sulok, tila malalim ang iniisip. "Love, hindi mo na ba talaga ako bibigyan ng chance? Tinatawagan kita sa phone mo pero hindi na kita ma-contact dahil naka-block na ako. Tapos sa bahay niyo, hindi kita palaging maabutan. Palaging sinasabi na wala ka sa

