Nakahiga na ang kambal sa magkabilang gilid ng kama, habang si Dexter naman ay naka-upo sa tabi ng ina, hawak pa ang unan na tila hindi makapaghintay sa susunod na mangyayari. “Okay, mga anak,” mahinahong sabi ni Dianne. “Itutuloy ko na ha? Naalala n’yo pa ba si Gemma?” Sabay-sabay na tumango ang tatlo. “’Yung kontrabida, mommy!” sigaw ni Dexter. “’Yung gustong ipahamak si Dianne!” REWIND… Buo na ang loob ni Gemma. Akala niya makukuha na niya ang lahat kapag nawala si Dianne.” Ang ilaw mula sa mga chandeliers ay nagbibigay ng malamlam na liwanag sa paligid. Nasa bar area siya, nakaupo sa mataas na stool habang marahang iniikot-ikot ang baso ng red wine sa kanyang kamay. Ang bawat patak ng alak sa gilid ng baso ay parang repleksyon ng kanyang galit at inggit. “Kung hindi dahil sa kan

