Nang makita ni Philip si Dansel, malaki ang pagkagulat nito at muntik pa nitong matulak ang kahalikan na babae. Nang makitang galit na tumalikos si Dansel, mabilis na kumilos si Philip para habulin ang babae. "Love, magpapaliwanag ako," pahayag ni Philip na pinigilan pa siya at hinawakan sa kanyang braso. "Hindi na kailangan, Philip! Ang nakita ko ay sapat na!" galit-sigaw ni Dansel. "Hindi ko naman—" Hindi naipagpatuloy ni Philip ang sasabihin nang biglang dumapo ang palad ni Dansel sa pisngi niya. "Bullshit ka!" Galit na sigaw ni Dansel kay Philip na pinipigilan lamang na mapaiyak. "Ma'am, may problema ba dito?" Napabaling ang pansin niya sa lalaking may-ari ng boses na iyon. Nadagdagan ang paniningkit ng kanyang mata nang mapag-sino ang lalaki. Ang lalaking muntik na siyang matam

