Napabaling ang tingin ni DIanne sa mag-asawang Dansel at William Espina, kasalukuyan silang nag-uusap na magkaibigan at nakaupo sa isang mesa. Nasa likuran ni DAnsel ang asawang si William habang hindi inaalis ang tingin sa kanilang anak na naglalaro kasama ang bunsong anak nina Athena at Kier nasa 5 taong gulang, ang anak naman nina Dansel at William ay nasa 6 na taong gulang. nag-iiisang anak nila. Sa kanilang magkakaibigan si Dansel ang huling nakapag-asawa. Akala nga nila noon si Philip na unang boyfriend nito ang magiging forevet nito... Pero hindi pala. Sa isang pangyayari lamang ay nagbago ang lahat. Nagbago ang love story ni Dansel... Matagal na niyang nararamdaman ang bigat—hindi sa trabaho, hindi sa barkada, kundi sa relasyon niya kay Philip. Pitong taon na sila. Pi

