Napasandal si Dina sa kanyang upuan habang tahimik na nakatitig sa harapan. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang mga salitang binitiwan ni Mark kanina. Mga salitang tila simple lamang kung pakinggan, ngunit may bigat na kayang gumulo sa isang pusong matagal nang pilit pinapakalma. Lihim siyang napabuntong-hininga at marahang napabaling ang tingin sa kaliwang direksiyon, wari’y naghahanap ng sagot sa isang tanong na siya lamang ang may alam. Ngunit sa halip na kapayapaan, mas lalo lamang siyang nabagabag nang mapansin niya si Mikael sa kabilang mesa. Tatlong mesa ang pagitan mula sa kanila. Kasama nito si Maui at ilan pang kabarkada. Napakunot ang noo ni Dina, at agad niyang inilayo ang paningin nang hindi sinasadyang magtama ang kanilang mga mata. Isang saglit lamang iyon, ngun

