University anniversary ng school ng kambal. Lahat ay abala, lalo na si Annilou dahil isa siyang cheerleader sa cheerdance. Sa bawat sulok ng campus, ramdam ang excitement ng mga estudyante. Ang bawat level ng kolehiyo ay may kani-kaniyang competition: first year para sa freshmen, sophomore para sa second year, junior para sa third year, at senior naman para sa fourth year college. Bilang second year college, si Annilou at Mark, ay nagpi-present ng level nila bilang cheerdancer ng basketball nina Mark at mga kasamahan nito. Si Dina naman ay nasa sophomore team rin dahil second year rin ito ngunit kasama na nanood sa gym. Naroon din si Dianne, para suportahan ang anak, kasama sina Dina at Dexter na abala ring nanonood. Hindi maiwasan ni Annilou na mapansin ang kaibahan ng bawat grupo, an

