Nagulat pa si Dina nang ngumiti si Mikael sa kanya. Isang ngiting hindi niya inaasahan—malinis, magaan, at parang kayang patigilin ang oras. Sa loob-loob niya, pakiramdam niya ay isa iyong napakagandang ngiti, ‘yong tipong kahit saglit lang ay kayang mag-iwan ng marka sa puso. Hindi niya mapigilan ang sariling kiligin, kahit pilit niyang itinatago iyon sa likod ng mahinahong ekspresyon. Pero kasabay ng kilig ay ang tanong na biglang sumulpot sa kanyang isipan. Bakit kaya? Bakit siya nginitian? Bakit siya ang pinili nitong katabi, gayong marami namang bakanteng upuan kanina? At bakit parang may kung anong kakaiba sa tingin nito sa kanya? “Mamaya, kapag nasa biyahe na tayo, napagtanto ko na ang masakit na init ng araw ay nasa direksiyon diyan sa kabilang upuan,” tila paliwanag ni Mikael

