LIPAD 34

1199 Words

Malakas si Pirena. Alam ko iyon dahil nararamdaman ko ang kaniyang kapangyarihan. Kung may kakayahan akong gumawa ng apoy, mas may kakayahan siya dahil orihinal niyang pagmamay-ari ito. Ilang minuto pa bago ko naramdaman ang pangamba at panganib na dala niya. Marahil ay dahil una kong naramdaman ay pagkagulat. “Hindi ko akalaing dito ko kayo makikita. Kung sinusuwerte nga naman ako.” Nang bumaling siya kay Ino ay napangiti naman siya. “Hindi ko rin akalaing makikita ko rito ang aking apo.” Masama ang tingin na ibinigay sa kaniya ni Ino. “Hindi mo ako apo. Si Amihan ang aking lola na pinatay mo noong nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Hathoria at ng Lireo.” Nawala naman ang ngiti nito sa kaniyang labi. Bigla rin itong naglaho sa aking paningin at ilang sandali lang ay nasa harapan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD