Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Ang kaba ko ay hindi pa rin humuhupa lalo na’t maya’t maya ako nakatingin kay Alexus na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. “Kailangan nating magmadali. Kapag may mga Hathor na nakaalam ng tungkol sa nangyari kay Pirena, paniguradong mahihirapan tayong makapunta ng Lireo.” “Hathor? Ayokong makakita ng Hathor.” kabadong saad ni Raven. Nakita ko rin ang panginginig ng kamay nito. “Ano ba Raven, hindi ito ang tamang panahon para kabahan ka. Hawakan mo nang maigi si Alex.” saad ni Ilah. Bumaling siya sa akin at tipid na ngumiti. “Pasensiya na, hindi ko pala sa inyo nasabi na may trauma sa mga Hathor si Raven.” Bago pa man ako mag-react sa sinabi ni Ilah ay nakarinig naman kami ng ingay sa hindi kalayuan. Pakiramdam ko ay gusto nang lumabas ng puso ko da

