Kung kanina ay namangha ako sa aking nakita sa labas ng kaharian, ngayon naman ay walang pagsidlan ang saying aking nadarama nang makita ko ang malawak na hardin na punong-puno ng iba’t-ibang kulay ng paru-paro at mga uri ng nilikha na lumilipad at nagdidilig sa mga halaman. “Ito ang malawak na hardin ng Lireo. Ito ang paboritong pasyalan ni Ino noong bata pa siya.” nakangiting turan sa akin ni Reyna Lira. Muli ay hinawakan niya ang aking kamay ay ilang sandali lang ay naroon na kami sa kalagitnaang bahagi ng hardin. Nang lingunin ko si Ino ay naroon pa rin siya at nakatanaw sa amin. Sa isang kisap mata ay nasa harapan ko na agad siya. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Nang makita kong nakatingin sa amin ang kaniyang ina ay nakaramdam naman ako ng hiya. Nang makita ni In

