Bago umalis si Ino ay inayos muna niya ang aking hihigaan. Sinabi niya ring kailangan kong kumain para lumakas ako agad. “Nakangiti ka Prinsesa Mithi. Mukhang masaya po yata kayo.” puna sa akin ni Nari. Agad ko naman ibinalik sa aking normal ang aking hitsura saka umayos na rin ako sa pagkakaupo sa aking kama. Tumawa nang mahina si Sara nang makita nito ang ginawa ko. “Pinag-uusapan ng karamihan ang tungkol sa pagliligtas niyo kay Ino. Marami ang natuwa sa inyo lalo na iyong mga matatanda. Ang sabi nila, tunay kang matapang dahil nagawa mong humarang para saluhin ang saksak na para dapat sa kaniya.” Pagkukuwento ni Nari. Bahagya naman akong tumagilid at humarap sa kanilang dalawa na abala sa pagtutupi ng mga damit na katutuyo lamang. “Puwede ba akong magtanong sa inyo?” Sa totoo

