Episode 3-Crush on you

1158 Words
  6:32 A.M pa lang,maaga pa para sa una namin klase,kaya may time pa kami tumambay sa Canteen.Nakita ko Si Chin-Chin na papunta din sa Canteen kaya sumabay na ako sa kanya.Ang kapatid ko naman na si Isay pumunta kung nasaan ang kanyang classroom.  Habang naglalakad natatanaw ko nasa Canteen din sina Drix kasama si Apollo at Rensy mga barkada nya. Mababait naman sila pero mahihilig mag-inom at manigarilyo ang mga ito. Ayaw ko talaga sa naninigarilyo pero ganoon pa man crush na crush ko pa din c Drix.  Drix Villanueva isa kilala womanizer sa School. Matangkad, moreno, may matangos na ilong, alon alon na buhok at medyo singkit na mga mata. Hindi naman sya ganoon ka gwapo katulad ng mga palabas sa Korean novela, pero para sa akin sya na ang pinaka-gwapo lalaki sa buong School.  Lagi ko iniisip kapag ako naging girlfriend nito, magbabago sya para sa akin. Di ba lakas ng paniniwala sa sarili na papansinin nya ako at tiwala bala araw magiging boyfriend ko sya. Laban lang sabi nga nila,di pa naman sya kasal e.Yan ang lagi ko pang-palakas ng loob ko sa sarili ko.Naniniwala kasi ako s'ya na talaga nakatadhana sa akin.    Hindi s’ya galing sa isang mayaman na pamilya kundi sa isang mahirap na pamilya. Pero ganon pa man hindi ito hadlang upang hindi ko s’ya magustuhan. Sanay din naman ako sa simple pamumuhay. Kaya balewala sa akin ang status n’ya sa buhay.Ang alam ko ang tatay n’ya ay maaga nawala sa mundo,bata pa lang sya ng mamatay ito,ayon sa kwento ng kanyang pinsan na si Edna classmate din namin at kaibigan ko.Ang kanya naman Nanay ang tanging bumubuhay sa kanila dalawa ni Thelma bunso n’ya kapatid.Isa ito tindera ng isda sa palengke sa bayan.    "Araaaaaaa"!sigaw ni Ched habang humahabol sa amin ni Chin kadarating lang n’ya.S’ya si Chedrick  kaibigan ko na bakla hindi s’ya ang tipo ng bakla na kung manamit ay mukha babae.Postura lalaki sya pero ang puso ay tulad ng isang babae.Kung di mo s’ya papagalawin at hindi pagsasalitain mapagkakamalan mo s’ya na isang lalaki.Ang kamay kasi nito lagi nakapilantik at ang mahinhin nito boses ang makapagsasabi na isa s’ya Dyosa sa gabi.   "Hi beshy, dahan dahan lang pagtakbo baka malaglag ang matris mo". Natatawa sabi ko sa kanya. "Hahaha feeling ko nga malaglag na."sagot nito.    "Oo nga beshy, baka malaglag nakadikit lang yan di ba? sabi ni Chin na natatawa.    " Tumahimik ka nga diyan Biik!"ganti ni Ched.Medyo hinihingal pa nito singhal n’ya kay Chin.Si Chin-chin friend ko simula pa lang noong grade school.Maputi sya na medyo chubby kaya ang tawag dito ni Ched biik ito ang pang asar ng huli dito.   " Teka bakit wala pa c Edna, papasok ba s’ya ngayon?"tanong ko kay Ched dahil sila lagi ang magkasabay sa pagpasok. Magkalapit bahay kasi sila dalawa.    “Naliligo pa lang ng dumaan ako sa kanila, kaya sabi ko mauna na ako pumasok". Tara na kain na tayo baka gutom na ito alaga natin biik”!Sabay akbay kay Chin hinampas lang naman sya sa beywang nang huli.Ganito lang talaga si Ched,mapang-asar lang kay chin pero sweet sila dalawa sa isa't isa.Ako naman humawak sa braso n'ya nagtungo na kami sa canteen. Pagdating namin sa Canteen pumili na ako ng order ko, pancit tapos isang tinapay. Si Ched naman at Chin ganoon din. Tapos naghanap na kami ng pwesto.Nakapwesto kami sa banda sulok.Habang kumakain hindi ko tinitingnan ang gawi ng grupo ni Drix,na nasa bandang labas ng canteen,meron pa kasi nakalagay na mga lamesa doon.Kung ituring nila ang pwesto na ‘yon ay para ba pagmamay-ari ng grupo nila ito.Kapag ganito umaga lagi sila andoon tapos kapag break time ganoon din.Pero bawat galaw nya nakikita ko sa peripheral view ko, hangng ganoon na lang talaga ako. Ayaw ko din kasi malaman nya na may crush ako sa kanya.Mahirap na baka ipahiya nya lang ako once na malaman n’ya ito. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ang tipo n’ya babae at gagawin n’ya girlfriend pero syempre di nawawala ang pag-asa ko.Malay mo naman makita n’ya rin ang nakatago ko ganda sa maitim ko balat.Hindi naman talaga ako maitim noong bata pa,tumutulong kasi ako kina Mama at Papa kapag weekend kapag tig-anihan sa farm.Kaya ito naging negra ang balat ko. Maya-maya nakita ko papalapit sa pwesto namin si Drix. "Hi Ched, asan si Edna? Papasok ba sya?tanong nito kay Ched pero pakiramdam ko sa akin s'ya nakatingin. “Ay,kaloka naman may nakita ka ba Edna dito?”pagsungit nito."Find Edna may nakita ba kayo mga beshy"." “Wala naman p’re kaya nga tinatanong kita e,kasi alam ko lagi kayo magkasama dalawa pag-pasok.”sabi nito na hindi mo kakikitaan ng pagkaasar sa sagot ni Ched.Muntik na ako matawa sa tawag nito kay Ched na “pare”.Hindi naman iyon  pinansin ng bakla. " Oo papasok naman sya,di ko na hinintay naliligo pa lang  kasi s'ya kanina noong dumaan ako sa kanila". sagot naman nito na wala na ang pagiging sarcastic. "Bakit mo nga pala tinatanong, ano meron?"sabad ni Chin "’Di ba may assignment tayo sa math naka-gawa na  ba kayo? Manghihiram sana ako sa kanya e." Napapakamot sa ulo sabi nito. "Ah yon lang ba? Dito ka na lang manghiram kay Ara. Tapos na sya, sa kanya nga lang din ako manghihiram e." sabi ni Chin sabay sipa nito sa paa ko na nasa ilalim ng lamesa. Ako naman napatingin kay Chin nakita ko may pilyo ngiti na para ba sinasabi “uy pagkakataon mo na”.Kaya inirapan ko s'ya. "Ah, eh, hintayin mo na lang si Edna baka mali sagot ko , nakakahiya."sabi ko na di sya tinitingnan kunwari pokus lang ako sa pagkain. "Pahiramin mo na, ikaw pa ba magkakamali nang sagot" sabi ni Ched. Bakla ito talaga e pahamak din,buti malayo layo paa mo dahil kung hindi puputulin ko talaga buto ng daliri mo sa paa. Nasa isip ko lang. "Okay lang ba? Magaling ka sa Math alam ko 'yon. Para naman di tayo magclassmate Ix’s“sabi nito. Habang nakatitig sa akin na para bang naghihintay kung ano magiging reaksyon ko. Ixs ang tawag nya sa akin from Ixara.Hindi kami close na dalawa kahit mag-classmate kami dalawa.Basta ang alam lang namin mag-classmate/magka-kilala lang kami,pero ako alam ko crush ko s’ya. "Sige ikaw bahala."binuksan ko ang bag ko na nasa kandungan ko,kinuha ang notebook tsaka ko ito iniabot sa kanya ng hindi tumitingin sa mukha n'ya. “Salamt Ix’s ah,balik ko din agad ito  sa iyo pagkatapos ko,promise!.”sabi nito tapos lumabas na ng canteen.Bumalik s'ya sa dati n'ya pwesto kanina.Pagdating n'ya sa grupo ng mga barkada nila nag-apiran pa sila tatlo na para ba may nanalo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD