Chapter 35 ELLIANA SINABAYAN ako ni Dennis palabas ng eskwelahan. Palabas pa lang kami ng gate ay natanaw ko na ang magarang sasakyan ni Sir Andrew at nakasandal itong nakatingin ng seryoso sa amin ni Dennis. Sumilay ang kaba sa dibdib ko habang tinitingnan ang reaksyon nito. "S-Sir Andrew.. nandiyan ka na po pala," nahihiyang sambit ko. Tinotoo nga talaga niya ang sinabi niyang susunduin niya ako kapag out ko na sa klase. Sasakay na sana ako nang maalala ko na kasama ko si Dennis kaya nagdesisyon akong ipakilala ito kay Sir Andrew. "Si Dennis nga po pala. Kaklase ko," pagpapakilala ko kay Dennis. Ngumiti naman si Dennis kay Sir Andrew. "Good afternoon po. Kaklase po ako ni Elliana," pagpapakilala nito sa sarili nito sabay abot ng kanang kamay niya. Akala ko ay magiging friendly si Si

