Kabanata 4

2078 Words
HIS LOVE, HIS OBSESSION Keehana Pagkalabas ko ay dala-dala ko ang takot dito. Agad na tumama sa akin ang tingin nito na kahit sino ay tatakbo palayo. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa estranghero na pinapasok ni Tania? E, ang tangkad at laki ng katawan nito. Mukha pang matured at tila mga nasa edad thirty na ito pataas. Ang seryoso at yabang pa ng pagkakatingin. Nakakatakot. Napansin kong maraming dalang pagkain ang lalaki na ngayon ay nilalantakan na ng mga kapatid ko. Natigilan ako dahil ngayon ko lamang iyon napansin, hindi ko kasi nabigyan iyon ng atensiyon kanina dahil nagulat ako sa presensiya nito. “A-Ah, hinahanap n’yo pa rin po ba si Mama? Pasensiya na po dahil wala siya rito.” Naupo ako sa tabi ng mga kapatid kong walang hiya. Pasimple ko pang kinurot si Tania na pasimuno. Naku. Sabing huwag magpapapasok ng kung sino-sino rito, e. Tumikhim ang lalaki. “Actually, nais ko lang na makausap ka tungkol kay Matilda.” Shoot! Na-alarma ako. Hindi kaya pulis ito na naka-civilian lang? At balak niyang kumuha ng impormasiyon sa akin tungkol sa Mama ko para ipakulong niya? Hindi maaari. Sinenyasan ko na pumasok na sa kuwarto ang mga bata na agad naman nilang sinunod. Huminga ako nang malalim bago ito muling hinarap. “Pasensiya na ho, Manong. Hindi po ako basta-basta nagbibigay ng impormasiyon tungkol sa Mama ko. Makaka-alis na po kayo.” Bastos na kung bastos sa matanda pero wala akong pakialam. Kung may kinalaman man ito sa trabaho ni Mama, mabuti pang silang dalawa na ang mag-usap. Ngunit napatingin akong muli rito nang hindi ito gumalaw. Kumunot pa ang noo ko nang mapansing mababakas sa mukha nito ang pagkamangha, pero naroon pa rin ang angas niyon. Inilapit nito ang katawan at pinagmasdan akong mabuti. “Seriously, na-offend ako sa itinawag mo sa akin. Pero—hindi mo ba ako kilala?” manghang anito na hindi ko maintindihan. Bakit tinanong niya pa iyon? E, alam naman niyang estranghero siya. “Of course po. Hindi naman kita nais paalisin dito sa bahay namin kung kilala kita, e.” At saka nakakahiya ang bahay namin, mukha pa naman siyang may kaya. Natawa ito sa sinabi ko kahit na ang inaasahan ko ay mao-offend ito lalo. Ano ba ang problema nito? Hinimas nito ang baba bago ako titigan nang kakaiba. “I see, Miss Keehana Louise. I’m Al, by the way. Matagal ko na kasing hinahanap ang Mama mo. May ideya ka ba kung nasaan siya? Kailangan ko lang siyang makausap,” maangas na anito. Al? Iyon lamang ang pangalan niya? At bakit niya alam ang name ko? Nakagat ko nang lihim ang dila. “Magkaibigan po ba kayo?” balik kong tanong, pilit na iniignora ang mga kakaibang tingin nito, maging ang aking mga pagtataka sa ikinikilos nito. Agad itong tumango at ngumiti sa akin, ngunit ang ngiti na iyon ay tila nagsasabi na mas nakakatakot lamang siya kapag nakangiti. Tila ba gagawa ng masama. “Yep, nagkakilala kami sa bar,” amin nito. Unti-unti akong napatango. Kung ganoon ay baka naging kustomer siya ni Mama. Napabuga ako ng hangin at kinalma ang sarili. Wala na dapat akong ikatakot dahil kilala naman pala siya ni Mama. “Ganoon po ba. Pasensiya na po sa inasal ko kanina at noong nakaraan. Sa ngayon po ay wala pa rin si Mama. Hindi ko naman po alam kung saan iyon nagpupupunta dahil wala naman kami gaanong komunikasiyon. Hayaan ninyo po at sasabihin ko sa kaniya ang tungkol sa inyo kapag umuwi na siya,” nakangiting saad ko na ikinangiti rin nito lalo sa akin. In-ignora ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan. “Thanks, baby girl. Pero huwag mo nang sabihin sa kaniya ang tungkol sa akin. I’m planning to... surprise her.” Hindi ko alam ngunit parang iba ang pahiwatig nito sa sinabi niya. At nakakatakot pakinggan mula sa kaniya ang itinawag niya sa akin. Naku po. Ayaw kong bigyan iyon ng malisya dahil mukhang matanda na ito. Napakamot na lamang ako ng batok. “Okay po.” Sinilip nito ang mukha kong pilit kong iniyuyuko. “Ilang taon ka na?” Mas lalo akong napa-iwas ng tingin dito nang ngitian ako nito nang kakaiba. Hilaw akong tumawa upang pagtakpan ang kahihiyan. “Nineteen po, Sir. Ikaw po?” Natawa ito at tiningnan ako nang may halong angas pa rin. “You’re too young, baby girl. I’m already thirty, not that old, right?” anito na tila gusto niyang iparating sa akin na hindi pa siya ganoon katanda. Sabagay, treinta anyos pa lamang siya. Medyo okay pa iyon. Ang mas malala ay kung senior citizen na siya. Tumango ako rito na ikinalaki ng pagkakangiti nito. “Good. Anyways...” Tinitigan naman ako nito nang seryoso. “... may boyfriend ka na ba?” dagdag nito. Hindi ko alam kung maiilang ako lalo o ano. Hindi ako komportable na tinatanong ako nang ganoon ng isang lalaki. Ewan ko ba. Mariin kong ipinagsiklop ang mga daliri ko at saka bumuga ng hangin. Umiling ako. “Wala naman po kasing papatol sa akin na matinong lalaki. Malandi po kasi ang tingin nila sa akin,” may himig ng kalungkutan kong turan at natulala sa kawalan. Halos dito sa lugar namin ay iyon ang tingin sa akin at kay Mama, ni hindi ko nga alam kung saan nila napulot ang balitang iyon at talagang nadamay pa ang pangalan kong nananahimik. Napailing-iling ako sa isipan. Mga tao nga naman. Ang hilig gumawa ng kuwento na wala namang katotohanan. “Mind to tell me the reason? I mean, bakit ka nila tinatawag na ganoon? Because what I am seeing right now is a good and decent lady,” kuryosong tanong nito na ikinatawa ko nang lihim. Iba rin ito, a. Good and decent lady raw, tsk, tsk. Siya lamang ang nagsabi niyon sa akin at si Oliver. Kasi kilala na ako ng kaibigan ko na iyon, e. Nahihiyang nagbaba ako ng tingin. “Ano kasi, dahil po sa trabaho ni Mama. Akala nila ay ganoon din ako,” tugon ko. Talaga naman. Kaya nga sobrang baba talaga ng tingin sa amin ng mga tao rito. Dahil sa trabaho ni Mama na ilegal. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit pati ako ay tinatawag nilang malandi. “It’s okay, baby girl. Hayaan mong humusga ang mga walang alam sa iyo. Dahil sa huli, sila rin ang aani ng mga ginagawa nila.” Masuyo ako nitong nginitian na ikinakabog ng dibdib ko. Hala! Lihim akong napangiti sa sinabi nito. Ang bait naman niyang lalaki. Sana ay ganito rin ang makatuluyan kong lalaki balang-araw. ‘Yong hindi ako huhusgahan, at iintindihin ako. Sumandal ito sa upuan nang makita ang reaksiyon ko. “Salamat, Sir Al,” namumulang sambit ko at umayos ng upo. Humalakhak ito. “No need to thank me. And by the way, just call me Al. Kung may kailangan kayong magkakapatid, sabihin mo lang sa akin, hmm?” SUMAPIT na naman ang Lunes. Halos parang ayaw ko nang bumangon sa higaan namin dahil sa sobrang antok. Napuyat kasi ako kagabi dahil s-um-ideline ako hanggang alas doce. Ayaw ko pa sanang pumasok kung hindi lang sana ako na-guidance noong mga nakaraan at pinatawan ng isang parusa, ang mag-community service. Humihikab na nagluto ako ng makakain namin ng mga kapatid ko. Puyat man ay may makakain naman na kami para sa ilang araw. Naghilamos ako ng mukha upang mawala ang antok bago ko inayos ang mga gamit ko. Alas seis pa lang kaya may dalawang oras pa ako para mag-ayos at maghanda. Nagluto na lamang ako ng pagkaing mabilisan lamang kung lutuin para may makain ang mga bata mamaya paggising nila. Hindi ko na sila gigisingin ngayon dahil tanghali pa ang pasok nila. Malapit-lapit na rin ang bakasyon nila at mababawasan na rin ang gastusin dito. Kapag nagbakasyon na ay tiyak mas marami kaming kikitaing pera dahil marami na akong katuwang sa pagbebenta ng mga kung ano-ano. Tinapos ko ang mga dapat kong gawin bago ako naligo at naghanda na para pumasok. Tinitigan ko pa ang uniform ko na nakalantad sa harapan ko. Parang ayoko talaga pumasok ngayon, lalo na’t naiinis at nahihiya ako para sa sarili ko dahil sa nangyari noong Biyernes. Tiyak na mas lalo lamang akong aasarin ng mga bully roon. Kinamot ko ang sentido at bumuga ng hangin. Hindi ako maaaring lumiban sa klase ngayon kahit na wala naman na kaming gaanong gagawin. Mas do-doble ang parusa sa akin kapag hindi ako sumipot sa unang araw ko sa community service namin ni Marco sa school... “Magandang umaga, Sir,” bati ko sa dumaang professor at umayos ng pagkakatayo. Ni hindi man lang ito sumagot pabalik kaya ibinalik ko na lamang ang atensiyon ko sa mga bintanang nililinisan ko. Kanina pagkapasok ko ay hindi na ako pina-diretso sa room namin, kami ni Marco. Dahil buong araw kaming mananatili rito sa labas at susundin ang lahat ng iuutos sa amin. Sandali akong tumigil sa pagpupunas at natulala. Isang linggo pa kaming ganito. Isang linggo na lang kasi ang pasok namin at magbabakasyon na. Magte-third year college na ako rito. Dalawang taon pa ang bibilangin ko bago ako maka-graduate sa kursong kinuha ko, sana nga lang ay mangyari iyon. O kung hindi man ako papalarin sa desisyon kong mag-aral, mas mabuti na lang siguro kung maghanap na lang ako ng kung ano-anong trabaho para mapakain ang mga kapatid ko at ang sarili ko na rin. Napahinga ako nang malalim at muling ipinagpatuloy ang pagpupunas. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na talagang umahon sa kahirapan kasama ang mga kapatid kong paslit. Pero hindi ako tutulad kay Mama na ibebenta ang katawan sa mga parokyano, mas nakakababa iyon ng pagkatao. Marami akong pangarap para sa amin na sa tingin ko ay napakahirap para sa akin na abutin. Siguro ay dahil sa pulpol ako at walang kakayahan na makipagsabayan sa mga taong kayang-kayang magtrabaho sa mga malalaki at sikat na kumpanya. Magmukukha lang akong basahan doon kapag napunta ako sa ganoong larangan. Kaya hindi ako nagtatangkang magpunta sa siyudad, mas gusto ko rito sa probinsiya. Pero bahala na kung ano man ang maging kinabukasan ko. Malay ko, maging isa pala akong sikat at tanyag na babae tulad ng gobernadora namin. Ah, basta. Bahala na. “Hoy!” Napairap na lamang ako nang tawagin na naman ako ng walang hiyang si Marco. Napaka-epal niya talaga sa buhay ko. Naku, kung hindi lang talaga ito nanggaling sa mayamang pamilya ay aawayin ko na ito nang sobra. Kasing-sama ng ugali niya ang mukha niya. “Hoy! Huwag mo akong iniirapan diyan, pokpok! Bilhin kita riyan, e!” Aba’t! Talagang ginagalit ako nito. Padabog akong tumigil sa pagpunas at hinarap ang bakulaw na ito. Pikon ko itong tiningnan. “Ang yabang mong adik! Ibili mo na lang ang pera mo ng matinong pagkain, puro ka kasi yabang at droga kaya mukha ka nang buto’t balat!” pang-aasar ko rito kahit na nasaktan ako sa sinabi nito. Hindi naman ako bayarang babae para bilhin. Ang kapal ng mukha niya. Mabuti na lamang at wala nang tao rito sa hallway, walang nakakarinig ng asaran namin. “Ano’ng sabi mo?” Tila nag-usok ang ilong nito sa galit at tiningnan ang katawan. Muli itong humarap sa akin nang marinig ang aking nang-aasar na tawa. “For your information, marami at masasarap ang mga pagkain namin sa bahay kaya kumakain ako! Inggit ka lang kasi wala kayong makain, dukha.” Huh! Dukha? Alam ko! “Okay lang maging dukha, at least hindi gaya mo na lulong sa droga!” pikon kong ganti. Tinawanan ako nito nang nang-aasar at inihagis ang basahan sa sahig. Nilapitan ako nito nang bahagya na tila ba tinatakot ako. Pinatunog nito ang mga daliri. Tss. Yabang. Feeling hari, patpatin naman ang katawan. “Ikaw nga malandi, e. Ilang lalaki na siguro ang pumasok sa iyo. Parehas lang kayo ng nanay mo na puta, like mother like daughter ba.” Nagbingi-bingihan ako sa sinabi nito. Bakit ako maaasar? E, hindi naman totoo iyon. Bahala siyang pag-isipan ako ng masama, tutal sira naman ang ulo niya. “At oo nga pala, hindi mo pa ba nababalitaan ang tungkol sa nanay mong malandi? Ang dami nang nagsampa sa kaniya ng kaso, ang dami kasing dinukot na mga babae rito para gawing puta. Ayan tuloy, na-karma. Kawawa naman kayong magkakapatid, wala na ngang tatay, makukulong pa ang nanay...” Napatigil ako sandali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD