Chapter 3

1761 Words
Nang laki ang mga mata ni Celine sa narinig sa kanyang anak. "Gael! Anong ice cream?" tanong ni Celine. "Ice cream, mama ice cream," sagot ni Gael. "Ah e, Celine," panimula ni Zeki. "Ezikiel nga pala, Zeki for short." At nakipagkamay muli ito kay Celine. "Ganito kasi 'yon, Celine, nangako ako kay Gael ng ice cream." Napakamot ng ulo si Zeki pagka sabi nito. "Ay nako, nakakahiya, 'wag na po. Okay na, 'di ba Gael?" Lumingon ito kay Gael. "Mama, ice cream," sagot ng kanyang anak. "Okay lang talaga Celine, ano tara?" aya ni Zeki. Nagpunta na ang tatlo sa isang ice cream parlor. Noong una ay ayaw pumayag ni Celine dahil nahihiya ito at may pupuntahan pa raw silang mag-ina. Ngunit mapilit si Zeki at nagpapaawa naman si Gael, kaya wala na itong nagawa. "Wow! Ang daming topings! Ang laki! Mama!" tuwang tuwang sabi ni Gael ng makita ang dalawang bowl ng ice cream. Nanlalaki din ang mga mata nito sa tuwa at walang mapaglagyan ang saya. "Syempre, 'di ba nag-promise ako sa 'yo at naging-brave ka kaya para sa 'yo 'yan lahat," sabi ni Zeki. Inabot nito ang dalawang ice cream kay Gael. "Isang chocolate at isang cookies and cream para kay super Gael!" dugtong ni Zeki. Bumaling ang tingin ni Zeki kay Celine, "Ikaw, anong gusto mong flavor? Para ma-order ko na kasabay noong sa akin," tanong ni Zeki. "Mama." Ibinigay ni Gael ang cookies and cream sa kanyang mama. "Mama, tig-isa tayo." Nagulat si Celine sa ginawa ng kanyang anak. "Cookies and cream ang favorite ni mama. Kung mayroon si Gael, dapat mayroon din si mama," sabi ni Gael habang kinakain ang ice cream. Hinaplos ni Celine ang buhok ng kanyang anak. "Ang sweet naman ng Gael ko. Mag-thank you ka kay kuya," utos ni Celine. "Thank you po kuya, ang sarap sarap," sabi ni Gael habang sarap na sarap sa ice cream. "Zeki na lang, 'wag ka na ring mag kuya. Hindi pa naman ako ganoon ka tanda," sabi ni Zeki. Ngunit hindi 'to pinansin ni Celine. Habang kumain ang mag-ina, hindi maiwasang tumitig ni Zeki kay Celine. "Kuya, kuya ang ganda ni mama 'no? Crush mo si mama ko?" Nagulat si Celine sa biglang sinabi ng kanyang anak at na mula agad ang kanyang tenga. "Gael!" saway ni Celine sa kanyang anak. Napangiti si Zeki ng makita ang reaksyon ng dalaga at sa sinabi ni Gael. "Opo, crush ko ang mama mo. Kaso hindi n'ya ata ako gusto, hindi n'ya nga ako matandaan. Nalulungkot tuloy si kuya, pero kung ibibigay ni mama mo ang contact number n'ya, happy na ulit si kuya Zeki." Kunwaring bumubulong ito kay Gael, ngunit dinig naman ito ni Celine. Kumunot ang noo ni Celine, at tumalim ang kanyang tingin sa dalawa. Lumabas na naman ang pagkamataray ni Celine. "Hala kuya, nagagalit si mama! Nakakatakot 'yung mata niya! Takot ako!" sabi ni Gael at yumakap bigla ito kay Zeki. Natawa tuloy si Celine sa naging reaksyon ng kanyang anak. "Ganyan!" sabi ni Zeki. "Dapat lagi kang nakatawa, para lalo kang gumanda," papuri ni Zeki. "Nako, para sayo, sisimangot ako palagi," mataray na sabi ni Celine. "At lalong hindi ko ibibigay ang number ko," dugtong nito. Napakamot ng ulo si Zeki at ngumisi. "Ganito!" Humarap si Zeki kay Celine. "Makikipag-deal ako sa'yo kapag nagkita ulit tayo within this week, ibibigay mo ang contact number mo? Ano deal?" hamon ni Zeki. "Sige ba! Basta 'wag mo kaming susundan after namin kumain okay?" sagot ni Celine. "Sure! Nararamdaman ko magkikita tayo ulit after nito, at pag nangyari 'yon, hindi na kita tatantanan," diretcho nitong sabi kay Celine. "Ang creepy ha? At sigurado naman akong ni-isa sa mga 'yan ay walang matutupad." Sabay subo ng maliking ice cream. Umiling si Zeki. "Malakas ata 'to sa tadhana, pangako pagkikita tayo ulit," ngiting ngiti nitong sabi. Umirap lang si Celine at muling kumain ng ice cream. Nang natapos na ang mag-inang kumain ay nauna ng umalis si Zeki, napagkasunduan kasi ng dalawa na kailangang makaalis muna si Zeki upang masigurado ni Celine na hindi niya ito masusundan. Pumayag naman ang binata, tiwala itong magkikita muli silang dalawa at kung mangyari na ang araw na 'yon sa loob ng isang linggo ay hindi na niya papakawalan si Celine. Pinapangako ni Zeki na magiging matyaga ito sa panunuyo kay Celine at lalo na kay Geal. Love at First Sight, iyan ang naramdaman ni Zeki para kay Celine. Kaya pursigido ang binatang kilalanin ito. At sumugal sa tadhanang kung magiging sila ay magsasalubong muli ang kanilang mga landas sa loob ng isang linggo. Hindi rin naging hadlang sa binata kung may anak na si Celine, at kapag sigurado itong maaring na n’yang ligawan si Celine ay gagawin nito ang lahat makamit lang nito ang matamis n’yang oo. Ngunit kung hindi naman ay gagawa pa rin ito ng paraan harangan man s'ya ng sibat. Ganito ka pursigido ang binate para kay Celine. Bumalik na si Zeki sa studio na masiglang masigla at full of energy at abot tenga ang ngiti. Dala na rin nito ang miryenda nila ni Kalvin. "Kalvin," tawag ni Zeki, "I-microwave mo na lang muna ‘tong corndog at lasagna. Lumamig na kasi, ako muna rito mag-break ka na muna," sabi ni Zeki "Pakidala na lang dito 'yung para sa ‘kin pagkatapos mo initin. Salamat," utos ni Zeki. "Salamat po sir, sige po. Parang ang saya saya n’yo sir, mukhang nagging maganda ang paglabas n’yo,” tanong ni Kalvin. “Nako, masyado bang halata?” nakangiti nitong sagot. “Naka-jackpot lang sa nakita ko kanina. Kaya masayang masaya ako, pero ‘yung tyan ko ‘di na masaya. Kaya pumunta ka na sa kusina, kung hindi ako ang kakain n’yang corndog mo,” utos ni Zeki. “Ito na nga po sir, nanginginig pa.” Dali dali ng ngapunta si Kalvin sa kanilang pantry. “Nga po pala, hindi pa rin po na kukuha 'yung for pick-up po natin. Nandyan po sa gilid ng computer," paalala ni Kalvin. "Ah, sige ako ng bahala dito," sagot ni Zeki. Naupo na si Zeki sa front desk. Maya maya lang ay may nag-text kay Zeki. "Good afternoon Mr. dela Cruz, on the way na 'yung cousin ko d'yan sa studio. Salamat," text ng kliyente. "Noted po madam," reply naman ni Zeki. Ilang sandali lang at may pumasok sa studio nina Zeki. "Good af.....ternoon," nakangiting sabi ni Zeki. Napatayo pa ito sa kanyang kinauupuan. Abot tenga ang mga ngiti nito sa tuwa dahil sa nakita. Pakiramdan n’ya ay sobrang swerte n’ya sa araw na ito. Dininig ata ng tadhana ang kayang kahilingan, at dahil dito ay wala na s’yang papalagpasing sandali. "Sabi ko sa'yo, malakas ako kay tadhana!" At naglakad ito papalapit sa taong pumasok. "Ikaw!" sigaw ni Celine. "Kuya Zeki!" sabi ni Gael. Nagtatatakbo na ang bata at niyakap si Zeki. "Oy! Namiss mo agad ako?" sabi ni Zaki. "Tara sa loob, may lasagna at corndog doon gusto mo?" alok ni Zeki kay Gael. "Opo, opo! Malaki po ba ‘yung corndog?" sagot ni Gael. Kinarga ito ni Zeki, “Oo naman, tapos pinadagdagan ko ng cheese. Ano gusto mo noon?” tanong ni Zeki. “Opo! Opo!” sagot ni Gael. Nakuha ng binate ang kiliti ni Gael, at mukhang magkasundo na ito kahit wala pang isang araw silang magkakilala. Tumungin si Zeki kay Celine, na nakakunot ang noo at malalim ang iniisip. "D'yan ka muna Celine, mamaya tayo maghaharap," sabi ni Zeki sabay kindat n'ya kay Celine. Kumunot ang noo ni Celine at aktong pipigilan si Zeki sa paglalakad ngunit itong nagawa. Nakita n'ya kasi ang ngiti ng kanyang anak at napahinto na ito. Giliw na giliw si Gael kay Zeki, bahagyang natunaw ang puso ni Celine ng makita kung gaano kasaya ang kanyang anak habang kausap si Zeki. Kaya kahit gusto nitong pigilan si Zeki at taray tarayan ay hindi na nito ito nagawa. Naiwan itong mag-isa sa recieving area na nagulantang sa nangyari. Subalit sa kabila nito ay natutuwa si Celine sa nakikitang kaligayahn ng anak. Inisip nito kung bakit ganoon na lamang ka pursigido si Zeki sa pakikipagkilala sa kanya. Hindi nito maisip kung nagkita na ba sila ng binata o sadyang nabubuang na lang ito. Nakaramdam ng pagkabahala ang dalaga at nagsimula ng mapraning. Bigla nitong naisip ang pangalang na bangit ng kanyang pinsan. "Ezikiel? Zeki? Ezikiel? Haixt! Bakit nga ba 'di ko naisip 'yon! Siya pala 'yung pinapapuntahan ni ate!" sabi ni Celine sa sarili. Kumamot pa ito sa kanyang ulo sa inis. "Oh, magugulo 'yung maganda mong buhok," sabi ni Zeki at nayos nito ang buhok ni Celine. "Oh, ito na 'yung album." Inabot ni Zeki ang album. "At ehem, 'yung deal natin?" ngiting ngiting sabi ni Zeki. "Haixt! Hindi nga kita kilala, nagkita na ba tayo? Hindi ko kasi talaga matandaan kung sino ka tapos ibibigay ko sa'yo ang number ko? Sino k aba?" inis nitong sabi kay Zeki. Napahawak sa noo si Zeki at napailing pa sa sobrang dismaya. "So kanina pa tayo magkasama at hindi mo pa rin ako naaalala kung sino ako?" seryosong tanong ni Zeki. Tumango si Celine. Bakas sa mukha ni Zeki ang panglulumo. All this time, hindi pala s'ya natatandaan ni Celine. "Itong mukhang 'to, ito ang taong ihaharap ka sa dambana ng simbahan," pagmamalaking sabi ni Zeki, at kumindat ito sa dalaga. "Anong pinagsasasabi mo d'yan! Galin ka ba sa mental?" sabi Celine. Natawa si Zeki, mukha ngang 'di n'ya talaga matandaan ang binata. "Oo, galing akong mental," sabi ni Zeki. "Nababaliw na kasi ako sa 'yo," dugtong ni Zeki. Tatarayan pa dapat ni Celine ang binata ngunit napahinto 'to at may biglang may naalala. "Ah! Ikaw! Ikaw nga! Tama! Ikaw nga ‘yon" sabi ni Celine. At tinuro pa si Zeki. "Natatandaan na kita! Ikaw 'yung corning photographer na nagsabi sa akin ng pick-up line na sobrang baduy!" napapalakpak pa ito matapos magsalita. Nagulantang si Zeki sa pagkakalarawan sa kanya ni Celine. Nasaktan ang kanyang ego at napa-isip kung baduy ba talaga ang mga binitawan n'yang pick-up line ng araw na 'yon. "Ang hard mo din 'no? Corny talaga? Hindi mo man lang ako sinabihang gwapong photographer," inis na sabi ni Zeki. Ngumiti si Celine, ngunit hindi na rin nito napigilang tumawa sa nagging itsura ni Zeki sa sobrang pagka dismaya sa kanyang pagkakalarawan dito. Two years later, "Calling the attention of Ms. Celine Santo Domingo, please proceed to our head security office. Calling the attention of Ms. Celine Santo Domingo, please proceed to our head security office," announcement galing sa costumer service.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD