Na sa SM ang mag-inang Celine at Gael, para puntahan si Zeki sa studio. Magkikita ang tatlo para sabay-sabay kumain ng tanghalian. Nakapila ang dalawa sa may entrance para sa inspection, nang biglang nagtatatakbo si Gael papasok at napalayo na ng tuluyan kay Celine. Hinabol ito ni Celine ngunit sa isang iglap ay nawala bigla si Gael, hindi na nito makita ang anak sa dami ng taong naglalakad ng sandaling 'yon. Nataranta ng sobra si Celine sa ginawa ni Gael.
"Calling the attention of Ms. Celine Santo Domingo, please proceed to our head security office. Thank you," muling announcement galing costumer service.
Tarantang tarantang nagtungo si Celine sa security office kasama ang isang guard. May 30 minutes n'ya na rin kasing hinahanap si Gael ngunit hindi n'ya ito makita. Nagpatulong na rin ito sa mga guards sa paligid ngunit hindi pa rin makita ang kanyang anak.
Humahangos na humarap si Celine sa guard.
"Ma'am kayo po ang nanay ng nawawalang bata? Ini-report na po kasi ng isa sa mga security na nawawala raw po ang inyong anak," tanong ng naka-duty na guard ng oras na iyon.
"Opo, ako nga po," taranta nitong sagot.
"Okay po ma 'am kumalma lang po tayo," sabi ng guard. "Paki kuha si ma 'am ng maiinum please," utos nito sa securiting naghatid kay Celine. "Ma 'am may dala po ba kayong identification ng bata? At latest picture?" tanong ng guard.
Dali-daling inilabas ni Celine ang I.D ni Gael at ang kanyang cellphone upang ipakita ang mga litrato ni Gael.
"Ano po ang huling suot ng bata?" tanong muli ng guard.
"Gray shirt, pants at naka-rubber shoes na white. Mga ganito lang po ang taas n'ya, hanggang bewang ko," sagot ni Celine. Panay na ang tulo ng kanyang mga luha sa taranta at takot kung nasaan na ang kanyang anak.
"Okay po ma 'am, ipapa-announce na po namin agad ang mga impormasyong ito. Maari po bang pumunta muna kayo sa loob at maghintay. Gagawin po namin ang lahat upang mahanap kaagad ang inyong anak," sabi ng guard.
Wala na sa sarili si Celine, sumunod na lang ito ngunit bakas sa kanya ang pagkabahala dahil sa pagkawala ni Gael.
Nakarating sila sa isang kwarto at doon pinag-intay si Celine. Gustuhin man nitong lumabas ngunit nanginginig na ito sa takot at hindi na alam ang gagawin.
Panay na rin ang text nito kay Zeki upang puntahan s'ya o 'di kaya ay hanapin din si Gael.
Ilang minuto ang lumipas at may nagbukas ng pinto. Naguguluhan na rin si Celine dahil ayaw s'yang paalisin ng mga guardya para tumulong maghanap kay Gael kahit anong pilit nito.
"Ma 'am may nag-report po kanikanina lang na may nakakita raw po kay Gael sa food court," balita ng guard.
Napatayo si Celine at dali-daling lumabas ng kwarto. Nagulat ang guardyang nagbigay ng impormasyo kay Celine.
"Ma 'am!" sigaw ng guard. "Sandali lang po. 'Yung bag n'yo po!" Hinabol na ito ng guard. 'Di na napansin ni Celine ang tawag nito. Ang na sa isip n'ya lang ay pumuntang food court at makita ang kanyang anak.
"Gael naman kasi, saan ka ba nagpupupunta!" sabi ni Celine sa sarili habang matuling naglalakad. Naiiyak pa rin ito sa sobrang taranta, hindi na nito alam ang gagawin.
Nakarating na itong food court, lumingalinga ito. Ngunit hindi pa rin makita si Gael. Humahangos itong sinuyod ang bawat lamesa at stoll hanggang makarating si Celine sa isang food stoll ng ice cream.
"Ma' am ano po sa kanila?" tanong ng tindera.
"Miss, may nakita ba kayong bata? Ganito kataas. Hanggang bewang ko, tapos naka gray na t-shirt, pants at rubber shoes na puti?" tanong ni Celine sa tindera.
"Ay nako ma 'am, wala po, pero kumalma muna po kayo. Ito po ice cream gusto n'yo?" tanong ng tindera.
Napataas ng kilay si Celine, dahil ngayon pa talaga nag-alok ng ice cream ang tindera kung kailan aligaga si Celine sa kahahanap sa anak. "Ate, nawawala ang anak ko! Tapos aalukin mo pa ako ng ice cream?" mataray na sabi ni Celine rito.
"O... Opo ma 'am, i..ito po ma 'am. Please," nauutal na sabi ng tindera. At pilit itong inabutan ang ice cream kay Celine.
Nakaramdam ng inis si Celine dahil sa pamimilit ng tindera. "Miss nawawala nga ang anak ko! Tapos ice cream! Miss naman! Kung wala kang sasabihing matino manahimik ka na lang!" gigil na gigil na sabi ni Celine. Nakuha nitong kumamot sa kanyang buhok sa inis, pero alam nitong dapat s'yang kumalma para makapag-isip ng ayos.
Paalis na ito para muling hanapin si Gael. "Ma 'am," muling tawag ng tindera. "Si...ge na po, ano po pa...para kumalma po kayo, ple....please?" muling sabi ng tindera. Namumutla na ito sa takot kay Celine. Na-high blood na ng sobra ang dalaga sa kakulitan ng tindera. Lalong uminit ang ulo ng dalaga, napahinto ito sa paglalakad at bimaling ng tingin sa tindera.
"Miss naman!" sigaw ni Celine rito.
May biglang humawak sa mga balikat ni Celine kung kaya't na pa lingon ito. "Celine," sabi ng taong humawak sa kanyang balikat.
"Zeki." Umiyak na ito ng tuluyan. "Si Gael, si Gael natin." Yumakap na ito kay Zeki at humagulhol ng iyak. Nagkakakadag na rin ito dahil sa takot na nararamdaman. Kung ano-ano na rin ang kanyang naiisip dahil sa pagkawala ng kanyang anak.
"Oh, tahan na," sabi nito kay Celine. Sumenyas ito bigla sa tindera para iabot sa kanya ang ice cream habang nakayakap si Celine kay Zeki. Iniabot kaagad ng tindera ang ice cream at umalis sa kanyang kinatatayuan. "Anong nangyari kay Gael?" tanong ni Zeki kay Celine.
"Si Gael, si Gael nawawala," humahagulhol nitong sabi.
"Ha teka, saan at kaylan?" muling tanong ni Zeki na wari mong alalang alala.
Nakayapos pa rin ito kay Zeki, samantalang ang kanang kamay ni Zeki ay tinuturo ang kanang bahagi ni Celine. Ibinaling naman ni Zeki si Celine papuntang kaliwa upang matakpan ng binata ang kanang paningin ni Celine.
Kumalas sa pagkakayapos si Celine, bumungad kay Zeki ang luhaang mga mata ng kasintahan. "Mag-iisang oras na, kanina kasi pagpasok namin sa entrance, bigla nagtatatakbo si Gael, hindi ko alam kung bakit. Hinabol ko si Gael pero bigla s'yang nawala. Tapos hindi ko na s'ya makita sa dami ng taong naglalakad. Kung saan saan ko na s'ya hinanap, kahit sa studio wala. Hinanap din kita kanina sa studio pero lumabas ka raw, hindi ko na alam ang gagawin Zeki. Ang Gael ko," nagpapadyak pa ito habang nagkwekwento. "Nagreport na ako sa mga guard, may nagsabi na nakita rito si Gael kaya nagpunta ako ka agad dito. Pero hindi ko s'ya makita, Zeki si Gael." Yumakap muli ito kay Zeki at umiyak ng umiyak.
Hinimas ni Zeki ang likuran ni Celine upang kumalma. Humahagulhol pa ito kakaiyak, at humihigpit ang kanyang hawak sa kasintahan.
"Tahan na, ito ice cream, para kumalma ka," sabi ni Zeki.
Napahinto si Celine sa pag-iyak. "Ano? Ice cream?" Nagulat si Celine sa sinabi ni Zeki, kumalas ito sa pagkakayakap at pilit na pinahi ang kanyang mga luha. Matalim na rin ang kanyang titig sa kasintahan dahil sa narinig. Itinulak pa nito si Zeki, biglang bumalik ang inis nito dahil sa sinabi ng kanyang kasintahan.
"Ezikiel Lazaro! Ano 'to! Nawawala na ang anak natin tapos iaalok mo pa 'yang ice cream! Ezikiel naman!" sigaw ni Celine kay Zeki. Pinunasan ni Celine ang kanyang mga luhang patuloy na umaagos, magkahalong pag-aalala at inis na ang kanyang nararamdaman at pinanglisikan ng tingin si Zeki dahil sa ice cream.
Napalunok ng kanyang laway ang binata, alam nitong naiinis na si Celine at ano mang oras ay maaari s'yang hambalusin ng ano mang madadampot nito dahil sa galit. "Ano bang mayroon sa ice cream na 'yan! Kanina si ateng nagtitinda, walang ginawa kung 'di ipakain 'yang ice cream na 'yan ngayon naman, ikaw!" sigaw ni Celine. Galit na galit na ito at nagawang duruin ang walang kamuwang muwang na ice cream na hawak ng kasintahan.
"Lab lab kumalma ka na kasi, please. Matunaw na 'tong ice cream, sayang naman. Cookies and cream 'to, alam kong 'di mo 'to mahihindian," sabi ni Zeki. Nangangatog na ang mga tuhod ng binata dahil sa takot kay Celine. Hindi na maipinta ang mukha ng dalaga sa inis. Ngunit kailangang kainin ito ni Celine, kahit anong mangyari.
Lalong nabwisit ang dalaga, pumikit ito ng ilang sigundo at huminga ng malalim. Pilit na ikinakalma ng dalaga ang sarili, ngunit walang nagbago sa kanyang nararamdaman. Lalo lang itong naiinis pagnakikita ang ice cream na hawak ng kasintahan.
"Ezikiel!" gigil na gigil na sabi nito at hinawakan si Zeki sa balikt at inalog alog. Bigla nitong sinunggaban ang ice cream at sinimulang kainin. Habang kumakain si Celine ng ice cream ay matalim ang mga titig nito sa kasintahan. Parang batang inaaway ang itsura ni Celine ng mga oras na iyon. Hanggang sa napahinto ito dahil may nakagat itong matigas. Kinapa nito ang bagay nakanyang nakagat sa pamamagitan ng kanyang dila at sinapa ito.
Inis na inis nitong tinignan ang matigas na bagay na kanyang nakagat dahil bahagyang nasaktan ang kanyang ipin. "Ano ba," natigilan ito ng makita kung ano ang bagay na kanyang nakagat. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin kay Zeki. Ang kaninang galit at nanglilisik na mga mata ay napalitan ng mga luha ng kagalakan. "Zeki, ba't ganito? Ano ibig-sabihin." 'Di pa mandin natatapos si Celine magsalita ay may kumalabit bigla sa kanya sa kanyang gilid.
"Mama, water, at tissue po," ngiting ngiting sabi ni Gael.
Nanglaki lalo ang mga mata ni Celine, "Gael! Saan ka ba ng galing!" Niyakap nito ang kanyang anak. "Hilong hilo na si mama kakahanap sa 'yo," umiiyak na sabi ni Celine.
"Mama ko." Niyapos din ni Gael ang kanyang mama. Kumalas ito sa pagkakayakap at pinunasan ang luha ng kanyang mama.
"Teka, naguguluhan na ako! Ano 'to? Bakit ganito? Hindi ko maintindihan," umiiyak na tanong ni Celine. 'Di na nito mawari ang mga nangyayari at kung ano ang gagawin. Kanina lang ay nawawala si Gael at ngayon ay bigla na lang itong sumulpot na parang walang nangyari.
"Celine sa akin na muna 'to." Kinuha ni Zeki ang hawak ni Celine. "Kuya Gael, ibigay mo na kay mama 'yung tubig. Para makainum si mama," utos ni Zeki kay Gael.
Inabot ni Gael ang tubig. "Mama, sorry na po. 'Wag po sana kayo magalit, tapos punasan ko na po 'yung luha n'yo," sabi ni Gael.
Pagkaabot ni Gael ng bote ng tubig sa kanyang mama ay humila ito ng upuan. Lumapit muli sa kanyang mama at sumampa ito rito para punasan ang mga luha nito.
Bakas pa rin sa mukha ni Celine ang pagkalito kung ano na talaga ang nangyayari sa kanyang paligid. Pagkainum nito ng tubig ay huminga ito ng malalim, at humarap kay Zeki.
"Zeki, ano 'to? Hindi ko maintindihan? Naguguluhan ako? Ano ba talagang nangyayari? Nawala si Gael, 'yung 'yung tindera! Tama, 'yung tindera na nagpupumilit pakainin ako ng ice cream tapos 'yan? Ano 'to?" sunud sunud na tanong ni Celine sa kasintahan. Nakahawak na ito sa kanyang noo sa kakaisip kung ano talaga ang tunay na nangyayari. Hindi na pansin ng dalaga na patuloy din ang pagagos ng mga luha sa mata nito.
Ngumiti si Zeki at hinawakan ito sa kanyang mga braso. "Celine relax, okay 'wag kang matataranta," sabi ni Zeki.
Huminga ng malalim si Zeki na para bang humuhugot ng sobrang daming lakas ng loob. Lumapit ito kay Gael at kinarga ito mula sa pagkakatayo sa upuan kalapit ng kanyang ina.
Lalong nagtaka si Celine sa mga nagaganap.
"Gael, may itatanong sana si dada," nakangiting sabi ni Zeki kay Gael.
"Ano po 'yon dada?" nakangiting tanong ni Gael.
"Kasi gusto ko na sanang hingin ang kamay ng mama mo?" Napahawak sa kanyang bibig si Celine. "Okay lang ba?"
"Hala! Dada paghiningi mo 'yung kamay ni mama mawawalan na s'ya ng kamay! Kawawa naman si mama wala na s'yang kamay," sagot ni Gael.
Natawa si Zeki at napakamot sa kanyang ulo. Natawa rin bigla ang mga tao sa kanilang paligid.
"Ito." Inilabas ni Zeki ang singsing. Ito ang bagay na nakapa ni Celine habang kinakain nito ang ice cream. "Gusto kong kasing ilagay sa kamay ni mama 'to, kaya hihingin ko sana ang kamay n'ya sandali para isuot to kay mama. Okay lang ba sa 'yo Gael?" tanong ni Zeki.
"Ah, 'yan! Opo naman po! 'Di pa nagpra-practice pa po kayo dada sa kung paano," naputol ang sinasabi ni Gael.
"Shh! 'Di ba secret lang natin 'yon, ikaw talaga ang daldal mo," kunwarin bulong ni Zeki sa bata at kinurot ang pisngi nito. Natawa na si Celine sa inasta ng dalawa.
"I love you dada Zeki!" bibong sabi ni Gael. At hinalikan pa nito sa pisngi si Zeki.
Lalong umagaos ang luha sa mga mata ni Celine.
Tumingin ang dalawa kay Celine, ibinaba ng binata ang buhat buhat n'yang si Gael at ibinalik sa upang kalapit ni Celine.
"Ayan may approval na galing kay kuya Gael." Huminga ito ng malalim at nagtatatalon dahil sa nerbyos. Nagpapawala ang binata ng kaba sa kanyang gagawin.
Lumuhod ito sa harapan ni Celine. "Sa dalawang taon at anim na bwang nakasama ko kayong dalawa ni Gael, mula ng makita kita sa kasal ng pinsan mo at tinaraytarayan mo ko sa umpisa." Hindi na alam ni Celine kung paano pa pipigilan ang kanyang mga luha, napupuno ang kanyang puso ng kaligayahan. "Nakipag kasundo pa 'ko sa tadhana para lang makuha ang number mo. At ang matindi pa nito, hindi mo pala ako natatandaan kahit panay na ang pagpapapansin ko sa 'yo mula ng una pa lang tayong nagkita." Nagtawanan ang mga tao sa paligid dahil sa mga sinabi ni Zeki.
Doon lang napansin ng dalaga ang mga tao na nakapaligid sa kanila. May mga nakiki-usosyo, may kumukuha ng picture at video.
Lalong nataranta na ang dalaga at hindi na alam ang gagawin. Linga na ito ng linga at panay na ang hawi ng kanyang buhok.
"Mama, relax ka lang po, 'wag ka pong kabahan. Si dada Zeki lang naman po 'yan," sabi ni Gael sa kanyang mama. Sinagot ni Celine ang anak sa pagtango nito.
"Kung hindi pa kita kinulit at nagtyagang puntahan nako, malamang hindi mo ko pansinin," sabi ni Zeki.
"Brad! 'Wag mo na pahabain 'yang speech mo! Nangangawit na kami!" sigaw ni JR.
Napatingin si Celine sa pinang gagalingan ng boses. Natanaw n'ya si JR at may hawak itong banner.
'Will you Merry me?' ang nakasulat sa hawak nito.
Bumalik ang tingin ni Celine kay Zeki at saktong may singsing na itong inaabot. Nagpapapadyak si Celine, umikot, napa-upo pa ito at tumayo ulit. Para na itong kitikiti sa kalikutan.
"Girl! Ano na! Sagutin mo naman! Nakakangalay ha! Basa na kili-kili ko!" sigaw ni Cheska.
"Mama," may dalawang bondpaper ding hawak si Gael ang nakalagay sa isa ay 'Yes' sa isa naman ay 'No'.
"Zeki, Zeki," iyon lang na sabi ni Celine, at tumango ito.
"Celine, Will you merry me?" tanong ni Zeki.
"Yes," inabot na ni Celine ang kanyang mga kamay. "Yes, Zeki I'll merry you."
"A...ano? Ta..talaga Celine!" hindi makapaniwalang sabi ni Zeki.
Tumango ito at hinalikan si Zeki sa mga labi. Niyapos ng mahigpit ni Zeki si Celine at nagpalakpakan ang lahat dahil sa tuwa.
"Yehey! Totoong dada ko na si dada Zeki!" masayang masayang sabi ni Gael.