"Girl! Congrats!" tuwang tuwang sabi ni Cheska sa kanyang kaibigan. Sinalubong n'ya ito ng mahigpit na yakap dahil sa tuwa.
Pagkatapos ng matagumpay na proposal sa food court ay inimbitahan ni Zeki ang mga taong tumulong sa kanya sa surprise proposal sa studio upang magsalo salo sa kanilang inihandang mini celebration. Inihanda ito ang mga barkada ni Zeki para sa pagsagot ng ‘oo’ ni Celine sa proposal ni Zeki. Kasama rin dito ang lahat ng kasabwat ni Zeki, mula sa mga guards hanggang sa tinder sa ice cream stand na sobrang namutla dahil sa pagtataray ni Celine.
"I'm very happy for you girl! Ang saya saya ko, oh my gosh! Naiiyak ako!" naluluha pa si Cheska habang kausap ang kaibigan. Namimilantik din ang mga daliri nito habang pinupunasan ang kanyang mga mata.
Kumalas na sa pagkakayakap si Cheska sa kaibigan. "Salamat Cheska, sobrang thankful ako sa inyong lahat. Girl para akong na sa cloud 9 hanggang ngayon! Grabe, alam mo 'yung 'di ko na talaga alam ang nangyayari kanina tapos lahat pala ng nakakausap ko kasabwat n’yo. Hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwala!" kilig na kilig na sabi ni Celine. Tinititgan pa nito ang bigay na singsing ni Zeki. Inusisa rin ito ni Cheska, kitang kita sa magkaibagan ang saya at kilig sa nangyari.
"Girl dream come true! Nako, last last month pa 'yan pinagplaplanuhan ni Zeki. Noong nagsabi s'ya sa 'kin para magpatulong kung anong pakulo ang pwedeng gawin, ay nako girl!" kilig na kilig si Cheska habang nagkwekwento sa kaibigan. "Walang isang salita, gora na agad ako! Join forces pa kami ni Viel sa brain storming. Take note, nag-leave pa ako para dito! I don't want to miss any moment sa mga nangyari!" kwento ni Cheska. Halos alugin nito ang kaibigan sa pagkwekwento.
Lumapit si JR sa magkaibigan. "Congrats SD, grabe ka kanina. Sobrang kinabahan ako sa pagtataray mo! Akala namin aayawin mo pa si ate sa ice cream stall kanina. Kaya lumapit na si Zeki sa 'yo bago mo pa awayin si ate." Namula bahagya si Celine, naalala nito ang kanyang pagtataray kanina dahil sa mga sinabi ni JR.
"Kaya nga, maya maya mag-sorry na ako kay ate. 'Di n'yo rin naman ako masisisi, nawawala na si Gael tapos todo alok pa si ate para pakainin ako ng ice cream," paliwanag ni Celine
"Good to hear, pero at least successful ang lahat. Kung nag-no ka, sayang ang effort ni ate sa pagharap sa 'yo. Sobrang lamig n’ya kanina noong umalis sa stall, kulang na lang himatayin si ate dahil sa ‘yo SD," asar ni JR.
“Grabe! Talaga ba?” tanong ni Celine. T
Pinagtawanan ni JR ang reaksyon ni Celine. "Just kidding. At saka alam mo, bukod sa ice cream stall nakipag-usap din si Zeki sa admin ng SM at head security office para rito. Mabuti na lang ay pumayag sila. Nako Celine, para sa 'yo nagawa 'to lahat ni Zeki" kwento ni JR.
"Ha? Talaga ba? Lahat 'yon nagawa ni Zeki?" Hindi makapaniwala si Celine sa lahat ng sinabi ni JR.
"Oo! Kaya napakaswerte mo kay Zeki," sabi ni JR.
Two month ago,
"Brad, paano mo malalaman kung s'ya na talaga?" biglang tanong ni Zeki kay JR.
Na sa wedding sila ng isang kliyente, kasalukuyang nagmimisa ang pari at naupo ang dalawa sandali sa likuran para makapagpahinga.
"Nako brad sa akin ka pa talaga nagtanong, kita mo naman na 'di pa ako nagseseryoso sa buhay. Pagkatapos magtatanong ka pa sa akin ng mga ganyang bagay?" sagot ni JR.
Ngumisi lang si Zeki sa kanyang narinig.
"Teka bakit mo naman 'yan natanong brad? Anong mayroon?" tanong ni JR, na bagabag ito sa tanong ng kaibigan. Ngayon lang kasi nagtanong si Zeki ng ganito kasiryoso sa kanya. Wala naman itong matinong masasagot dahil mismong s’ya ay wala pa sa isipang lumagay sa tahimik.
Tumingin si Zeki sa altar. "Brad, gusto ko ng pakasalan si Celine," sabi ni Zeki. Bigla nitong kinuha ang kamera at kumuha ng litrato ng altar.
Napatingin bigla si JR sa kaibigan. "Ano!" malakas na sabi ni JR, napatayo pa ito sa kanyang kinauupuan. Umagaw ito ng atensyon sa lahat, pati ang pari ay napahinto sa pagsesermon dahil sa boses ni JR.
Napatingin din ang mga tao sa kanilang dalawa. Sobrang lakas kasi ng boses ni JR at umalingawngaw pa ito sa buong simbahan. Sumama ang tingin ng mga tao sa kanilang dalawa dahil sa agaw eksenang ginawa ni JR. Nagulat din ang dalawa dahil may matandang babaeng humahangos papalapit sa kanila.
"Mga ato, nagsisimula na ang misa at nagsesermon na si Father, maaari bang tayo ay tumahimik at makinig sa misa," saway ng matandang babae.
"So... Sorry po, sorry po," paghingi ng pasensya ni JR. Nahiya ito sa kanyang nagawa at nginitian na lang ang lahat. Bumalik ito sa kanyang pagkakaupo, at huminahon.
Nagpatuloy na muli ang misa, nanahimik muna ang dalawa.
Ilang sandal pa at humarap muli si JR kay Zeki. "Brad! Ano! Umlitin mo nga ‘yung sinabi mo, gusto mo ng magpakasal? O mali lang ako ng pagkakarinig?" mahinang sabi ni JR, nanlalaki rin ang mga mata nito habang naghihintay ng sagot mula kay Zeki.
"Oo, gusto ko ng pakasalan si Celine," ulit na sabi ni Zeki. Seryoso si Zeki sa pagkakasabi sa kaibigan. Nakatingin pa rin ito sa altar at kumukuha ng litrato.
Napalunok ng laway si JR sa gulat dahil sa sagot ni Zeki. "Brad, maghulosdili ka muna," sabi ni JR, humawak pa ito sa balikat ni Zeki at ipinihit ito paharap sa kanya. "Alam kong mahal n'yo ang isa't isa, alam ko ring seryoso ka kay Celine, pero dalawang taon mahigit pa lang kayo, at saka hindi ka ba nabibigla sa mga pinagsasasabi mo?" Inaalog nito si Zeki, upang matauhan sa kanyang mga sinasabi.
Biglang napahinto si JR sa pag-alog kay Zeki at tumingin ng seryoso sa kaibigan. Waring may naisip na kaduda dudang ginawa ng kaibigan. "Brad, hindi kaya? Brad!" Nanlalaki pa ang mga mata nito. "Bu....buntis ba si Celine! Buntis ba? Nabuntis mo si Celine?" bulong ni JR.
"Sira!" gulat na sagot ni Zeki. "Hindi! Ano ka ba! Walang buntis! Papakasal lang buntis na ka agad!" Akmang kokonyatan ni Zeki ang kaibigan, ngunit napansin nitong nakatingin na naman ang ilang nagsisimba sa kanila. Kaya umupo na ito ng maayos. "Brad, kaya nga nagtatanong ako 'di ba! Kaylangan ko ng opinyon!" dugtong ni Zeki.
Napasandal na sa kanyang kinauupuan si JR. Nakahinga ito ng maluwag sa sinagot ng kaibigan, tumitig din ito sa altar. Titig na titig ito na parang tinutuklas kung ano ang nakita ni Zeki at biglang nagsabi ng kung ano anong mga bagay.
Naghihintay ng sagot si Zeki mula kay JR ngunit tulala lang ito sa altar.
"Brad! Oy! Mabuang ka d'yan!" Tinapik ito ng malakas ni Zeki sa balikat.
"Brad naman kasi, kung ano ano kasi ang naiisip mo! Nabibigla ako sa mga sinasabi mo. Akala ko kasi nabuntis mo na si SD, kaya mo nasabi na gusto mo ng magpakasal. Pero hindi naman, kaya anong dahilan para pakasalan mo si SD. Napansin ko rin na nakatitig ka sa altar kanina pa bago mo banggitin ang mga 'yan." Kumamot pa ito sa kanyang ulo. "Kaya tinititigan ko lang din 'yang altar, baka makita ko rin kasi 'yung nakita mo d'yan at ng maintindihan ko ang nangyayari sa 'yo!" bulyaw ni Zeki.
"Brad naman, para 'tong sira! Kailangan talaga na buntis muna ang babae bago pakasalan?" tanong ni Zeki. " 'Wag mo na nga isipin 'yung mga sinabi ko. Tara na nga makapagtrabaho na nga lang," aya ni Zeki. Tumayo na si Zeki at tinapik ang balikat ng kaibigan.
Natapos na ang kasal, nagtungo sa van si Zeki upang magpalit ng battery ng camera.
"Dapat ako ang kasama mo d'yan sa altar! Hindi s'ya! Ako naman talaga ang mahal mo hindi ba? Bakit s'ya ang pinili mo! Ilang taon pa lang kayo, two? Three years? Pagkatapos nagpakasal na kaagad kayo! Tayo siyam na taon tayo! Siyam na taon, tapos hindi ako ang pipiliin mo! Sabihin mo Mon, buntis ba si Liza? Kaya kahit hindi pa kayo ganoon katagal ay atat na atat na kayo magpakasal!" sigaw ng isang babae. Hindi na dapat papansinin ito ni Zeki ngunit dahil sa kanyang mga narinig ay nakapukaw ang kanyang atensyon at nagpasyang making sandali.
"Jess, alam ng Dyos kung gaano kita kamahal, alam ng buong mundo kung paano kita pinaglaban sa lahat 'wag lang masira ang relasyon natin. Alam mo lahat ng 'yon. Minahal kita, noon," mariing sabi ni Mon, ang groom. Sila ang kliyente nina Zeki at hindi nito sinasadyang mas matuon pa ang kanyang atensyon sa pag-uusap ng dalawa.
"Noon? Bakit noon! Wala na ba talaga? Dati sa akin ka! Sa akin ka lang! Ang tagal natin Mon tapos pagpapalit mo lang ako?" sigaw ni Jess.
"Jess, malinaw sa atin ang lahat. At hindi buntis si Liza, s’ya ang gusto kong makasama habang buhay kaya ko s’ya pinakasalan. Maayos tayong naghiwalay, oo siyam na taon tayo at lahat ng nangyari sa atin ay hindi ko pinagsisisihan. Nagpapasalamat pa rin ako sa 'yo dahil dumating ka sa buhay ko. Pero si Liza ang mahal ko, at mamahalin ko hanggang sa dulo. Alam kong mas matagal tayong naging magkarelasyon pero hindi sa tagal ng panahong nakasama natin ang isang tao nasusukat kung s'ya na nga ba ang taong nakatadhana nating makasama habang buhay," Parang kung may anong bagay ang kumurot sa puso ni Zeki. "Si Liza ang kaisa isang taong tumanggap at nagmahal sa akin ng buo. Siguro nga marami pa kaming hindi alam sa isa't isa pero 'di 'yon dahilan para patagalin ko pa ang lahat. Sa punto kasi ng buhay ko ngayon, s'ya lang ang taong gusto kong makasama habang buhay. Nakita ko na lang ang sarili ko isang araw na parang 'di ko na kayang mawala pa s'ya sa buhay ko. At hindi lang isang beses, maraming beses ko itong nararamdaman. At habang tumatagal ay mas tumitindi ang pananabik kong makasama s'ya," paliwanag ni Mon kay Jess. Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ni Jess sa mga naging sagot ni Mon.
'Hindi sa tagal ng panahong nakasama natin ang isang tao nasusukat kung s'ya na nga ba ang taong nakatadhana nating makasama habang buhay.'
Tumatak ito sa isipan ni Zeki, paulit ulit n'ya itong naririnig sa kanyang tenga.
"Jess, kung talagang mahal mo ako, magiging masaya ka sa kung anong naging desisyon ko. Hindi na tulad ng dati ang lahat, asawa ko na si Liza. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan niya," sabi ni Mon.
"Ha...handa ako, handa akong maging kabit mo. Please Mon, please 'wag sa ganitong paraan. Hindi pa naman huli ang lahat 'di ba? Mahal na mahal pa rin kita Mon! Naguguluhan ka lang siguro or hindi mo lang maamin na mahal mo pa rin ako. Awa, tama! Naaawa ka lang siguro sa kanya, Mon please, lahat gagawin ko," nagmamakaawang sabi ni Jess. Nagawa pa nitong lumuhod sa harapan ni Mon.
"Mon," si Liza ang bride.
"Liza," sagot ni Mon. Napalingon ito sa kanyang likuran.
Lumapit si Liza sa dalawa, inakay nitong patayo si Jess. Umatras bahagya si Mon.
Nakaramdam si Zeki ng tensyon, mukhang may sampalang magaganap. Kinakabahan si Zeki sa mga maaring mangyari sa dalawa. Ngunit nagtataka ito dahil maaliwalas ang mukha ni Liza, nakangiti ito at parang anghel ang itsura.
Pinunasan ni Liza ang mga luha ni Jess. Inayos ang buhok, at ang damit nitong nagusot sa pagkakaluhod sa harap ni Mon. "Jess, maganda ka at maraming bagay na mas higit kaysa sa akin," Hinawakan ni Liza sa Jess sa kanyang mukha. "Alam kong makakatagpo ka rin ng tamang tao para sa 'yo. Lilipas din ang sakit, ingit at galit d'yan sa puso mo. Walang mabilis na paraan para humilom ang mga sugat, pero dapat mong umpisahang kumalas sa nakaraan para mabuhay sa kasalukuyan," mahinahong sabi ni Liza.
Humanga si Zeki kung papaano ni Liza hinarap si Jess. Kung paano mahinahong nakipag-usap si Liza sa ex-girlfriend ni Mon. Kung si Celine kasi ang nakakita ng ganitong eksena, siguradong wala ng buhok si Jess at luray luray na ang damit nito. Sa tapang ba naman ni Celine, wala itong balak magpadaig kahit kanino mang babae. Lola na kung alam n'yang s'ya ang na sa tama.
"Pero hindi porket mahinahon at kalmado ang tubig ay makakampante ka na, mas kinatatakutan ng maglalaot ang dagat pagmasyadong payapa ang dagat dahil kasunod nito ang bagyong ubod ng lakas. Tandaan mo, ibang magalit ang tahimik na tao. Wala akong sinasanto kapag sumobra ka sa limitasyong binigay ko, hindi mo magugustuhan ang pwede kong gawin. Mabait akong kaibigan, pero masama akong kaaway. Kaya kitang harapin ng ganito, dahil malaki ang tiwala ko kay Mon." Ngumiti ito kay Jess at humarap ito kay Mon. "Mon, mauna na ako sa loob, sumunod ka na lang."
Papaalis na dapat si Liza subalit bumalik ito muli. "Naranasan ko na rin kasing magmakaawa na mahalin muli ng taong minahal ko ng sobra. Lumuhod at magsumama kahit alam ko sa sarili kong wala ng pag-asa. At ayaw ko ng makakita ulit ng babaeng nagmamakaawa sa lalake, ayaw ko ng danasin mong magpakababa para sa taong hindi ka na mahal. Sabi ko nga babae rin ako," Tuluyan ng umalis na si Liza, walang halong pagka-plastic ang kanyang mukha at parang sobrang bait talaga nito. Palaban din ito kung tutuusin, ngunit naging maganda ang kanyang pakikiharap kay Jess.
Bakas sa mukha ni Jess ang kahihiyan sa kanyang mga ginagawa. Napagtanto siguro nito ang kaibahan nila ni Liza, kaya minahal ng lubos ni Mon si Liza. May mga bagay na wala s'ya na mayroon si Liza.
Nakatingin lang si Jess sa paglayo ni Liza, hanggang makapasok ito ng simbahan.
Sa sobrang tutok ni Zeki sa mga nangyari, hindi nito napansin na nakatabi na n'ya ang groom.
"Ayos ka lang?" tanong ni Mon kay Zeki. Sa gulat ng binata, kaya nagkanda hulog ang hawak nitong battery.
"Ay! Sir, sorry hindi ko po sinasadyang makinig," paghingi ng paumanhin ni Zeki.
Ngumiti lang si Mon. "Ayos lang 'yon, walang kaso sa 'kin kung narinig mo ang lahat. Wala naman kasi akong dapat itago," sabi ni Mon.
Napakamot sa ulo si Zeki, "Sir, pero po, buti hindi nagalit si ma' am Liza?" tanong ni Zeki.
"Ah, dahil doon?" Sumandal ito sa van. "S'ya pa mismo ang nagsabi sa akin na kausapin ko si Jess. Nakita n'ya raw kasi si Jess sa pinto ng simbahan, habang nagpi-pictorial kami. Ayaw ko na talaga sanang kausapin si Jess. Matagal na kaming hiwalay, kaso sobrang bait lang talaga ni Liza, kaylangan ko na raw bigyan ng ultimatum ang relasyon namin ni Jess at baka kung ano pa ang gawin nito sa kanyang sarili. At 'yon ang pinaka nagustuhan ko sa kanya." Tumingala ito at tumingin sa mga ulap. "Ikaw ba, Zeki? Tama Zeki?" tanong ni Mon.
"Opo, Zeki po," sagot ni Zeki.
"Zeki, may girlfriend ka ba?" tanong ni Mon.
"Opo, mayroon po. Mahigit dalawang taon na po kami," sagot ni Zeki.
"Para pa lang kami ni Liza, pero kahit ganoon, parang sobrang tagal na naming magkakilala," sabi ni Mon.
"Sir pwede po bang magtanong?" lakas loob na sabi ni Zeki.
"Oo naman. Ano 'yon?" sagot ni Mon.
"Paano n'yo po nalaman na si ma 'am Liza na 'yung tamang tao para sa 'yo?" tanong ni Zeki.
"Paano nga ba? Siguro dahil kakaiba s'ya sa lahat." Natawa si Mon. "Sorry 'di ko kasi mapigilang tumawa kapag naaalala ko lahat ng mga pinagdaanan namin," sabi ni Mon.
Halata sa mukha ni Zeki ang pagiging interisado sa sinasabi ni Mon.
"Sir, alam ko po na hindi po ito ang tamang oras. Pero po kasi gusto ko na po kasing pakasalan si Celine, s’ya po ang girlfriend ko, ang kaso baka po masyado akong nagmamadali. Baka hindi pa kami handa," nahihiyang tanong ni Zeki.
"Alam mo Zeki, walang taong naging handa sa buhay mag-asawa. Siguro financially pwedeng paghandaan, pero 'yung mga pagsubok na dadating. Ni isa wala tayong ideya," sabi ni Mon. "Sabi ko nga si Liza kasi ay iba sa lahat. Sobrang bait, kita mo naman kanina. Noong mga panahon kasing pakiramdam ko ay iniwan ako ng lahat. At noong nakipag hiwalay sa akin si Jess dahil wala na raw spark ang aming relasyon, dumating bigla si Liza sa buhay ko. Sinalba n'ya ko sa kalungkutan na pinagdaanan ko," kwento ni Mon.
"E, hindi po ba parang rebound?" tanong ni Zeki.
Huminga ng malalim si Mon. "Hindi ako nag-take advantage sa sitwasyon, alam mo bang ayaw talaga sa akin ni Liza? Kasi nga raw hindi pa himihilum ang mga sugat ko dahil kay Jess. Tatlong taon ko s'yang sinuyo," sabi ni Mon.
"Tatlong taon!" gulat na sabi ni Zeki.
"Oo, tatlong taon bukod pa roon ang mahigit two years after break up namin ni Jess," sabi ni Mon.
"Talaga po ba?" manghang manghang sabi ni Zeki.
"Yap, two years after ng break-up namin ni Jess, naliligaw pa ako ng landas at nandyan na si Liza. Nakita ko kay Liza ang lahat ng hinahanap ko, kaya hindi ako sumuko. Kahit pa kako gaano katagal ako maghintay, mapatunayan ko lang ang pagmamahal ko kay Liza. Kaya matapos n'ya akong sagutin, worth it ang lahat. Kung iisipin mo, parang wala ng pag-asa, three years ko ba naming nililigawan si Liza. Kahit boto na ang buog nagkan nila, hindi ko pa rin makuha ang matamis na oo ni Liza noon. At habang tumatagal lalo ko s'yang minamahal, lahat kasi tanggap n'ya sa akin. Wala s'yang binago sa pagkatao ko, ako mismo ang nagbago para sa kanya. At ng naging kami, wala na akong sinayang na oras, pinakasalan ko na s'ya kaagad. Kasi mula ng nangligaw ako sa kanya, kasama na s'ya lagi sa mga plano ko," salaysay ni Mon. "At si Jess, minahal ko s'ya noon at malaking parte s'ya ng buhay ko. Pero mas pipiliin ko pa rin si Liza dahil sa kanya ko nakita ang tunay na pagmamahal," dagdag ni Mon.
"Sir, ang galing, may ganyan pala talagang pag-ibig. Tama nga po kayo, hindi nasusukat kung gaano kayo katagal para masabing kayo na talaga hanggang sa huli," sabi ni Zeki.
"Kaya ikaw, kung nakikita mo na ang sarili mo na si Celine ang taong kasama mo habang buhay, walang masamang subukan. Kung hindi pa s'ya handa irespeto mo 'yon. Tandaan mo lalake ang dapat nagpro-propose, hindi ang babae," payo ni Mon.
"Opo sir, tatandaan ko po 'yon. Salamat po sir Mon," sabi ni Zeki.
"Wala 'yon, o s'ya papasok na ako sa loob," paalam ni Mon.
Naiwang mag-isa si Zeki sa van, nakangiti ito at masaya sa mga narinig galing kay Mon.
"Tama si sir Mon," sabi ni Zeki. "Pero kaylangan ko pang mas maintindihan kung paano ko nga ba malalaman na handa na ako para sa panibagong buhay na haharapin ko kasama si Celine at Gael.