LIWAYWAY 12

1306 Words
Hinatid na ulit ni Atlas si Roxie sa hotel. Isang tipid na ngiti at maikling pamamaalam ang namagitan sa kanila bago ito tuluyang umalis. Habang pinagmamasdan ni Roxie ang papalayong sasakyan ni Atlas, nakaramdam siya ng gaan ng loob—isang pakiramdam na bihira niyang maranasan sa gitna ng magulong politika ng San Sebastian. Ngunit ang kapayapaang iyon ay agad na naglaho pagpasok niya sa lobby. Nandoon si Paula. Nakatayo ito sa gitna ng hallway, nakahalukipkip at tila kanina pa naghihintay. Ang kanyang mga mata ay naniningkit sa poot, seryosong nakatingin kay Roxie habang papalapit ang dalaga. “Ang kapal din talaga ng mukha mo,” bungad ni Paula. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. “Akala mo ba hindi ko malalaman ang munting ‘celebration’ niyo? Layuan mo si Atlas, Roxie. At kung may natitira ka pang bait sa sarili mo, tuluyan mo nang lisanin ang San Sebastian.” Napatigil si Roxie, ngunit nanatili siyang kalmado. Inayos niya ang hawak na folder at hinarap ang kapatid sa ama nang walang bakas ng kaba. Ang kanyang pulang dress ay tila lalong nagbigay sa kanya ng aura ng isang reyna na hindi matitinag ng kahit anong ingay. “Paula, gabi na,” malumanay na sagot ni Roxie. Hindi man lang tumaas ang kanyang boses, isang bagay na lalong ikinagalit ni Paula. “Kung nandito ka para gumawa ng eksena sa harap ng mga staff ng hotel, nag-aaksaya ka lang ng oras.” “Huwag mo akong daanin sa ganyang arte mo!” galit na galit na singhal ni Paula, habang humakbang nang malapit. “Sinira mo ang relasyon namin! Inahas mo ang lalaking dapat ay pakakasalan ko! Akala mo ba matatago mo ang intensyon mo sa likod ng mga ‘land permits’ at ‘investments’ na ’yan? Alam ko ang laro mo.” “Wala akong inahas, Paula. Atlas made his choice dahil napagod siya sa pagiging bossy at demanding mo,” diretsahang sagot ni Roxie, ang boses ay matatag at puno ng awtoridad. “At tungkol sa pag-alis ko? Hindi ako aalis. Itatayo ko ang mansyon ko sa lupang pag-aari ng pamilya ko. Kung hindi mo matanggap ’yun, problema mo na ’yun, hindi sa akin.” “You’ll regret this,” panginginig na banta ni Paula. “Hinding-hindi ka magtatagumpay dito. Gagawin kong impyerno ang pananatili mo sa San Sebastian.” Tinitigan siya ni Roxie nang diretso sa mga mata, isang tingin na puno ng pagkaawa kaysa sa galit. “Tapos ka na ba? Dahil gusto ko nang magpahinga. Goodnight, Paula.” Walang lingon-likod na naglakad si Roxie patungo sa elevator, iniwan si Paula na nanginginig sa matinding galit sa gitna ng lobby. Para kay Roxie, ang laban ay hindi na lang tungkol sa lupa—ito ay tungkol sa pagpapatunay na ang isang Russo ay hinding-hindi magpapa-bully sa isang Albarando. Pumasok si Roxie sa kanyang suite na bakas pa rin ang awtoridad sa kanyang bawat galaw, ngunit pagkasara ng pinto ay doon lamang siya nakahinga nang malalim. Nadatnan niya si Akiko sa sala, nakapalibot sa mga tela at color palettes para sa interior ng itatayong mansyon. "Ma'am! You're back! Kamusta ang 'Independence Day' dinner niyo ni Mayor? Mukhang blooming tayo sa red dress na 'yan, ah!" masayang bati ni Akiko, ngunit agad ding napawi ang ngiti nito nang mapansin ang seryosong tingin ni Roxie. "Wait... may nangyari ba? Bakit parang may dumaang bagyo sa lobby?" Inilapag ni Roxie ang kanyang clutch bag at dahan-dahang naupo sa tapat ng kanyang sekretarya. "Naghihintay si Paula sa lobby, Akiko. At gaya ng inaasahan, hindi siya nandoon para mag-alok ng kape." Nanlaki ang mga mata ni Akiko. "What?! Sinugod ka niya rito sa hotel? Ma'am, anong ginawa niya? Sinaktan ka ba?" "No," tipid na sagot ni Roxie habang tinatanggal ang kanyang mga hikaw. "She tried to intimidate me. Sinigawan niya ako sa harap ng mga staff, pinapalayas ako sa San Sebastian, at pinapalayo kay Atlas. Sinisisi niya ako sa pagkasira ng relasyon nila." "Grabe talaga ang babaeng 'yun! Siya na nga itong toxic, siya pa itong may ganang mag-eskandalo," asar na komento ni Akiko. "Eh, anong ginawa mo, Ma'am? Pinatulan mo ba?" Napangiti nang bahagya si Roxie, isang ngiting puno ng kumpiyansa. "I stayed calm, Akiko. Hinyaan ko siyang ubusin ang boses niya. Sinabi ko lang sa kanya ang totoo—na kaya siya iniwan ni Atlas ay dahil sa sarili niyang ugali, at hindi ako aalis dahil itatayo ko ang mansyon ko sa lupang orihinal na sa atin." Napapalakpak si Akiko sa tuwa. "’Yun! That’s my Boss! Alam mo, Ma’am, mas lalo siyang nanggagalaiti kapag nakikita niyang hindi ka natitinag. 'Yung pagiging kalmado mo ang pinakamalakas mong armas laban sa init ng ulo niya." "Maybe," buntong-hininga ni Roxie habang tinitingnan ang mga blueprints sa mesa. "Pero alam nating hindi titigil si Paula sa salita lang. Desperada siya, Akiko. Kaya bukas, bago tayo pumunta sa site kasama si Jaxon, gusto kong doblehin ang security natin. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong butas sa construction." "Copy that, Ma'am," seryosong sagot ni Akiko habang nagsisimulang mag-type sa kanyang tablet. "I'll coordinate with the local agency at itatawag ko rin kay Engr. Jaxon para maging alerto ang mga tauhan niya. Hindi tayo papayag na masabotahe ang pangarap ni Tito Rayford para sa lupang ito." Tumango si Roxie at muling itinuon ang pansin sa trabaho. Sa kabila ng banta ni Paula, mas lalong tumitibay ang kanyang determinasyon. Ang San Sebastian ay hindi na lang basta destinasyon; ito na ang kanyang entablado para sa huling pagtutuos. Sa kabilang dako ng bayan, sa madilim at mausok na opisina ni Weston sa loob ng kanilang mansyon, hindi mapakali ang mag-ama. Basag ang isang baso sa sahig—bakas ng nagngangalit na emosyon ni Paula matapos ang huling engkwentro niya kay Roxie sa lobby ng hotel. "Papa, hindi tayo pwedeng maupo lang dito habang tinititigan ang mga Russo na naghuhukay sa ating teritoryo!" galit na bulyaw ni Paula habang pabalik-balik sa tapat ng kanyang ama. "Pinahiya niya ako! Sinabihan niya akong nakikitira lang tayo rito! Kung hahayaan nating masimulan ang paglilinis ng lupa bukas, wala na tayong mukhang ihaharap sa mga tao." Inilapag ni Weston ang kanyang tabako at dahan-dahang tumayo. Ang kanyang mukha ay seryoso, walang bakas ng pag-aalinlangan. "Huminahon ka, Paula. Ang galit ay ginagamit na gasolina, hindi para sunugin ang sarili nating bahay. May plano na ako." Lumapit si Weston sa isang mapa ng San Sebastian na nakadikit sa pader at itinuro ang lokasyon ng lupain ni Roxie. "Bukas ang simula ng clearing operations nila. Inatasan ko na ang ating mga kakampi sa DENR at sa Engineering Office na harangin ang kanilang mga heavy equipment. Gagawa tayo ng isyu tungkol sa environmental clearance at boundary dispute. Pero hindi lang 'yan," mapait na ngumiti ang matanda. "Kinausap ko na rin ang ilang mga tauhan natin sa kabilang baryo. Kung hindi sila mapipigil ng papel, dadaanin natin sila sa dahas." "Anong balak niyo, Papa?" tanong ni Paula, unti-unting kumakalma ngunit may halong pananabik sa kanyang mga mata. "Isasabotahe natin ang mga makina ni Jaxon Obligado sa gitna ng gabi. Walang construction na mangyayari kung sira ang mga bulldozer nila," paliwanag ni Weston. "At kapag pumalag ang mga Russo, tayo pa ang lalabas na biktima. Ipapakalat natin sa social media na ang mga dayuhan ay nanggugulo sa ating mga lokal na manggagawa. Si Atlas? Hahayaan nating pumili ang bayan: Ang Mayor na pilit pinagtatanggol ang kanyang babae, o ang bayang naghahanap ng katarungan?" Napangisi si Paula. Sa wakas, naramdaman niyang may kontrol na silang muli. "Gusto ko ring masiguro na hindi makakarating si Atlas sa site bukas para tumulong. Gagamitin natin ang mga konsehal para ipatawag siya sa isang 'urgent session' na hindi niya pwedeng tanggihan." "Eksakto," sagot ni Weston. "Bukas, malalaman ni Roxieleen Russo na ang Pangasinan ay hindi New York. Dito, ang batas ay ako." ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD