LIWAYWAY 16

1211 Words
Ang sikat ng araw sa San Sebastian ay maganda, ngunit si Roxie ay abalang-abala sa site. Nakasuot lamang siya ng maluwag na cotton shirt at pambahay na shorts, ang kanyang buhok ay nakapusod nang mabilis—malayo sa imahe ng isang sopistikadong bilyonaryo mula Manhattan. Sa sandaling iyon, hindi siya si Ms. Russo; siya si Roxie, ang babaeng pilit itinatayo ang gumuhong alaala ng kanyang ama. Natigil ang lahat nang mamataan niya ang isang pamilyar na bulto. Dumating si Alma, bitbit ang ilang basket ng pagkain at mga paboritong kakanin ni Roxie noong bata pa ito. Bahagyang lumambot ang anyo ni Roxie. Akala niya, sa gitna ng gulo, ay naalala siyang dalawin ng kanyang ina bilang anak. Akala niya, ang pagkaing dala nito ay simbolo ng pagkalinga. "Magpahinga ka muna, Roxie. Nagdala ako ng makakain niyo," bungad ni Alma, bagaman hindi makatingin nang diretso. Ngunit nang mapansin ni Roxie ang pagkabalisa sa mga mata ng ina, unt-unting naglaho ang init ng kanyang pagtanggap. Inaya niya si Alma sa isang liblib na bahagi ng malawak na lupain, malayo sa ingay ng mga bulldozer at sa mga matang mapanuri ng mga manggagawa. Doon, sa ilalim ng dambuhalang puno ng narra, tanging ang huni ng hangin at ang bigat ng kanilang nakaraan ang namamayani. "Roxie, anak..." panimula ni Alma, nanginginig ang boses habang inilalapag ang mga pagkain sa isang lumang bangko. "Pakiusap. Itigil mo na ito. Ang pagpapatuloy mo sa proyektong ito ay nagdadala lang ng gulo sa pamilya nina Weston at Paula. Nagkakagulo na sila sa mansyon, anak. Halos hindi na sila magkausap nang maayos dahil sa takot sa mga Russo at De Villa." Huminto ang mundo ni Roxie. Ang pagkaing dala ni Alma ay hindi pala para sa kanya—ito ay suhol para sa kanyang pagsuko. "Maawa ka sa akin, Roxie. Para na lang sa kapayapaan natin," pagpapatuloy ni Alma, pilit na hinahawakan ang kamay ng anak. "Umalis ka na lang sa San Sebastian. Ibigay mo na ang lupang ito sa kanila para matapos na ang lahat." Dito na tuluyang sumabog ang galit na ilang dekadang kinimkim ni Roxie. Buong lakas niyang iwinaksi ang kamay ng ina. Ang kanyang mga mata, na kanina lang ay may bahid ng pag-asa, ay nagbaga sa halo-halong poot, pait, at matinding pagkadismaya. "Kapayapaan? Kapayapaan para kanino, Ma? Para sa kanila?" ang boses ni Roxie ay gumaralgal, punong-puno ng hinanakit. "Bakit ganoon? Bakit parang hindi mo ako anak? Bakit parang hindi mo ako kilala? Nandito ako para bawiin ang karangalan ni Daddy, ang tanging bagay na itinira niyo sa amin, pero ang iniisip mo pa rin ay ang mararamdaman nina Weston at Paula!" "Anak, hindi sa ganoon—ayaw ko lang na may mangyaring masama—" "Lagi na lang, Ma! Lagi mo na lang silang pinapaboran!" sigaw ni Roxie, ang kanyang simpleng pambahay na damit ay tila naging isang baluti ng isang sugatang mandirigma. "Si Paula ang nanggugulo, siya ang nag-uutos na harangin ang mga permit ko, siya ang pilit na nagnanakaw ng sa akin! Pero bakit ako ang pinapatigil mo? Ako ang biktima rito! Ako ang ninakawan ng tahanan, ng pagkabata, at ng ina... pero bakit ako pa rin ang kailangang magsakripisyo para sa kanila?" Hindi na mapigilan ni Roxie ang kanyang damdamin. Lagi nalang itong nagpapakumbaba sa bagong pamilya ng kanyang Ina. Nakikisama siya kahit pangit na ang pagtrato sa kanya, dahil para ito kay Alma. Para sa Ina niyang walang ibang iniisip kundi ang bago nitong pamilya, tila ba sila lang iyong may pakiramdam tapos siya'y wala. Napayuko si Alma, ang mga luha ay pumatak sa lupang pinagtatalunan. "Gusto ko lang namang maging tahimik ang buhay natin..." Halos pabulong nitong sagot sa anak, lahat gagawin nito para lang hindi na lalong lumakit pa ang alitan. "Hindi magiging tahimik ang katarungan hangga't ang mga magnanakaw ay nakaupo sa trono!" matigas na saad ni Roxie habang pinapahid ang sariling luha. "Wala akong tinatapakang tao. Pero ang bagong pamilya mo, sila ang may ginagawang mali. Sila ang nagnanakaw, sila ang nanggigipit. At ikaw, bilang ina ko, ay nagagawa mong pumunta rito para lang maging kasangkapan ng kasamaan nila?" Deretsang tanong nito sa Ina, dismayadong nakatingin dito. Napapailing na lamang niya, dahil kahit anong paliwanag nito ay nakikita ni Roxie sa kanyang Ina na mas pabor pa rin ito sa bago niyang pamilya. Tinalikuran na ni Roxie ang basket ng pagkain, ngunit hindi pa doon natapos ang pait ng hapong iyon. Narinig niya ang mabilis at gulantang na mga hakbang ni Alma na humahabol sa kanya sa gitna ng tuyong damuhan. "Roxie! Anak, sandali lang!" hikbi ni Alma. Huminto si Roxie pero hindi lumingon. Ang kanyang kamao ay nakakuyom sa gilid ng kanyang pambahay na shorts, pilit na pinipigilan ang panginginig ng buong katawan. Ang susunod na nangyari ang tuluyang nagpahinto sa t***k ng kanyang puso: narinig niya ang kalabog ng mga tuhod na tumama sa lupa. Paglingon ni Roxie, halos manikip ang kanyang dibdib sa nakita. Lumuhod si Alma sa kanyang harapan, ang mga kamay ay nakasabog na tila nagmamakaawa sa isang diyos. "Pakiusap, Roxie... kung kailangang lumuhod ako para lang pakinggan mo ako, gagawin ko. Itigil mo na ito, alang-alang sa akin na nagluwal sa iyo," hagulgol ni Alma, Lalong nag-alab ang galit sa loob ni Roxie, ngunit sa halip na sumigaw, isang nakakatakot na kalmado ang bumalot sa kanya. Tinitigan niya ang kanyang ina—ang babaeng dapat sana ay unang rerespeto sa kanyang pangarap, pero ngayon ay nagpapakababa para lang protektahan ang mga taong nagnakaw sa kanila. "Tumayo kayo riyan, Ma. Hindi bagay sa inyo ang ganyang drama," malamig na saad ni Roxie. Hindi niya tinulungang tumayo ang ina. Nanatili siyang tuwid na nakatayo, matigas at hindi matitinag. "Kung akala niyo ay mababali niyo ang desisyon ko dahil lang lumuhod kayo, nagkakamali kayo. Walang makakapigil sa mga plano ko. Lalo na ang isuko ang lahat ng nasimulan ko." Malamig niyang sabi habang nakatingin sa diretso kay Alma. Huminga siya nang malalim, pilit na ipinapaintindi ang katotohanang ayaw tanggapin ng kanyang ina. "Pumunta ako rito sa San Sebastian para sa sarili kong pangarap. Gusto ko ng tahimik na tahanan at gusto kong palaguin ang negosyo ko rito sa sarili nating bansa. Hindi ko kasalanan kung ang bago mong pamilya ay pilit akong hinihila pababa dahil sa sarili nilang kasakiman at takot," pagpapatuloy ni Roxie, kahit ang boses ay nanginginig nanatili itong seryoso. "Hindi niyo maintindihan—at kailanman ay hindi niyo maiintindihan—na ang itinatayo ko rito ay hindi lang semento at bakal. Ito ay ang buhay na ipinagkait niyo sa akin." Pagpapatuloy niya, nasasaktan siyang nakikita ang kanyang Ina na kayang lumuhod para sa bago nitong pamilya. Pero para sa kanya, never niya itong ginawa. Hindi na hinintay ni Roxie ang sagot ni Alma. Naglakad siya palayo nang may panibagong determinasyon, ang bawat hakbang ay marka ng kanyang paglaya sa emosyonal na gapos ng nakaraan. Naiwang nanginginig at nakaluhod si Alma sa ilalim ng narra, talunang-taluna sa sarili niyang laro. Sa malayo, nakatayo si Marcelito, seryoso ang mukha at madilim ang tingin sa direksyon ni Alma. Agad siyang lumapit kay Roxie at inabutan ito ng maiinom, batid na ang sugat sa puso ng kanyang pinsan ay mas malalim at mas masakit pa kaysa sa anumang pundasyong itinatayo nila sa site. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD