Hindi nagpalipas ng oras si Paula. Pagkaalis na pagkaalis nina Roxie sa mansyon, agad siyang sumugod sa Munisipyo. Padabog niyang binuksan ang pinto ng opisina ni Atlas, hindi pinansin ang pagpigil ng sekretaryang si Lina.
“Atlas! Huwag kang maniniwala sa lahat ng sinabi ng babaeng ’yan!” bungad ni Paula, hingal na hingal at bakas ang desperasyon sa mga mata.
Napahinto si Atlas sa pagbabasa ng mga dokumento at malamig na tumingin sa dating kasintahan. “Paula, wala akong panahon para sa mga bagong eksena mo. May trabaho ako.”
“Trabaho? O pakikipag-landian sa kapatid ko?” bulyaw ni Paula habang lumalapit sa mesa ni Atlas. “Nagsisinungaling si Roxie, Atlas! Inimbento lang niya ang kwento tungkol sa lupa at sa mansyon namin para sirain si Papa sa harap mo. Gusto ka niyang makuha kaya ginagamitan ka niya ng mga kwentong barbero! Akala mo ba totoo siyang bilyonaryo? Baka lahat ng ’yan ay palabas lang para akitin ka!”
Dahan-dahang tumayo si Atlas, ang kanyang taas na ay tila nagbigay ng nakakaduduhang anino sa maliit na si Paula. “Alam mo, Paula, nakakaawa ka na. Imbes na ayusin mo ang ugali mo, mas pinipili mong manira ng ibang tao. Nakausap ko na si Sir Weston. Alam ko ang katotohanan. At kahit hindi pa totoo ang tungkol sa lupa, ang pagkatao mo pa lang ay sapat na dahilan para lumayo ako.”
“Ano?!” nanlaki ang mga mata ni Paula. “Ako pa ang masama ngayon? Atlas, ako ang nandito noong nagsisimula ka pa lang! Ako ang girlfriend mo! At ngayon, dahil lang sa isang maputing Russo na babae na galing New York, itatapon mo na lang ako?”
“Hindi kita itinatapon dahil sa kanya, Paula. Itinatapon kita dahil sa sarili mo,” malamig na sabi ni Atlas. “Pagod na ako sa pang-uuyam mo. Pagod na ako sa tuwing ipapamukha niyo sa akin ang utang na loob ko sa pamilya niyo na tila ba binili niyo na pati ang kaluluwa ko. Wala ka nang respeto sa akin, sa opisina ko, at kahit sa sarili mo.”
“Huwag mo akong talikuran, Atlas! Hindi mo kaya!” sigaw ni Paula, sabay hablot sa braso ng binata.
Binitawan ni Atlas ang pagkakahawak ni Paula nang may pinalidad. “Tapos na tayo, Paula. We’re over. Hindi na kita kasintahan, at mula ngayon, hindi na rin ako magpapa-under sa kapangyarihan ng tatay mo. Lumabas ka na.”
Tila naging yelo ang buong katawan ni Paula. Ang sakit at pagkapahiya ay humalo sa kanyang galit. “Pagsisihan mo ito, Atlas Django Gatmaitan! Sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masaya ng kapatid ko! Kung hindi ka mapupunta sa akin, sisiguraduhin kong mawawalan ka rin ng posisyon sa bayang ito!”
Padabog na lumabas si Paula habang umiiyak sa galit. Sa labas ng opisina, narinig ng lahat ang kanilang pagtatalo. Mabilis na kumalat ang balita sa buong munisipyo—ang paboritong Mayor ng bayan ay wala na sa ilalim ng kontrol ng mga Albarando.
Naiwang nakatayo si Atlas, huminga nang malalim. Pakiramdam niya ay may malaking tinik na nabunot sa kanyang dibdib, ngunit alam niyang ito pa lang ang simula ng totoong bagyo. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan si Roxie.
“Roxie... it’s done. Wala na kami ni Paula. At handa na akong harapin ang kahit anong isusuka ng pamilya mo sa akin, basta kasama kita.”
Habang si Atlas ay naging abala sa munisipyo para ayusin ang mga posibleng gulo na itanim ng mga Albarando matapos ang kanilang hiwalayan, si Roxie naman ay hindi nagsasayang ng oras. Hindi siya papayag na manatili na lamang sa hotel; gusto niyang itayo ang kanyang sariling kaharian sa lupang kanyang binili.
Sa gitna ng malawak na lupain, nakatayo si Roxie habang suot ang kanyang salamin at hawak ang ilang blueprints. Kasama niya ang isang lalaking matikas at mukhang eksperto sa larangang ito—si Jaxon Obligado. Si Jaxon ay ang pinakamagaling na engineer na inirekomenda sa kanya ng kanyang pinsan na si Ledger mula sa New York. Bilang magkadugo, alam ni Ledger ang taas ng standard ni Roxie, kaya si Jaxon ang ipinadala nito upang matiyak na walang magiging aberya.
"Ms. Russo, ang lupang ito ay may napakagandang topography," panimula ni Jaxon habang tinitingnan ang paligid. "Tamang-tama ang sikat ng araw para sa itatayo mong garden, at ang pundasyon ng mansyon ay magiging matibay dahil sa uri ng lupa rito. Gaya ng bilin ng pinsan mong si Ledger, sisiguraduhin naming top-tier ang quality nito."
Tumango si Roxie, pero nanatiling seryoso ang Mukha. "Ayaw ko ng basta-bastang mansyon, Jaxon. Gusto ko ng tahanang may sapat na espasyo para sa aking ina, at isang modernong jewelry studio. Pero bago ang lahat, ipapasukat ko muna ang bawat sulok nito. Gusto kong sigurado ang bawat sentimetro ng hangganan para walang maging butas ang mga Albarando na kuwestyunin ang pag-aari ko."
"Tama po ang desisyon niyo, Ma'am," sagot ni Jaxon. "Mahirap na sa bayang ito, lalo na't mainit ang mata ng dating Mayor sa inyo. Sisimulan na ng team ko ang re-surveying at soil testing ngayong hapon din."
Habang nag-uusap ang dalawa, napatingin si Roxie sa malayo—sa direksyon ng mansyon ng mga Albarando na tanaw mula sa kanyang pwesto. Nararamdaman niya ang panunubok ng mga mata mula roon.
"Akala nila ay matatakot nila ako," bulong ni Roxie sa kanyang sarili. "Hindi nila alam na sa bawat sukat ng lupang ito, lalong lumalalim ang ugat ko sa San Sebastian."
Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Atlas: “Kakatapos lang ng meeting sa konseho. Maraming tanong tungkol sa atin, pero huwag kang mag-alala, hawak ko ang sitwasyon. Mag-ingat ka riyan sa site. Pupunta ako riyan mamayang hapon.”
Napangiti si Roxie. Sa gitna ng ingay ng mga gamit sa pagsusukat at ang seryosong usapan nina Jaxon, ang mensaheng iyon ni Atlas ang nagbigay sa kanya ng lakas. Hindi na lang ito basta gusaling gawa sa semento at bakal; ito ang magiging simbolo ng kanyang tagumpay laban sa mga taong gustong magpabagsak sa kanya.
Matapos ang mahabang hapon sa ilalim ng sikat ng araw sa construction site, pumasok muna si Roxie sa loob ng kanyang sasakyan para magpalamig. Kinuha niya ang kanyang telepono at dinial ang pamilyar na numero. Hindi pa nakakatatlong ring ay sumagot na ang kabilang linya.
“I guess Jaxon arrived safely,” bungad ng isang baritonong boses na may halong awtoridad. Si Ledger Luke Russo iyon, ang pinsan ni Roxie na naiwan sa New York para mamahala sa iba pang sangay ng kanilang pamilya.
“He’s here, Ledger. At gaya ng inaasahan, napaka-professional niya. Maraming salamat sa rekomendasyon,” nakangiting sagot ni Roxie habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo.
“Of course. I only send the best for my favorite cousin,” tumawa nang bahagya si Ledger, pero agad ding nagseryoso ang tono nito. “Pero hindi lang pasasalamat ang naririnig ko sa boses mo, Rox. I’ve been hearing reports about some local drama there. Kamusta ang mga Albarando? Are they giving you a hard time?”
Huminga nang malalim si Roxie at sumandal sa leather seat. “It’s a mess, Ledger. Nalaman ko na ang mansyong tinitirhan nila ay sa atin pala—o sa tatay ko, rather. Ginamit ko ’yung impormasyong ’yun para itikom ang bibig ni Winston. At ang anak niyang si Paula? Muntik na akong sugurin kanina.”
“Classic small-town power play,” komento ni Ledger. “Do you want me to fly there? O gusto mong magpadala ako ng mas maraming tao para bantayan ang site mo? I don’t like the idea of those people breathing down your neck.”
“No need, Ledger. I can handle them. May kakampi na ako rito,” malumanay na sabi ni Roxie, at hindi niya mapigilang mapangiti nang sumagi sa isip niya ang mukha ni Atlas.
“The Mayor?” hula ni Ledger. “Nabalitaan ko rin ’yan. He broke up with the Albarando girl for you. Matapang ang lalakeng ’yan, ha. Pinirmahan niya ang permit mo kahit alam niyang babaligtarin siya ng mga nagluklok sa kanya.”
“He’s different, Ledger. He’s not like the businessmen we deal with in Manhattan. He has integrity. At handa siyang itaya ang career niya para sa kung ano ang tama—at para sa akin,” pag-amin ni Roxie.
“Just be careful, Rox. Kapag ang mga taong tulad ni Winston ay nawalan ng kapangyarihan at pag-aari, nagiging desperado sila. Don’t hesitate to call me kung kailangan mo ng reinforcement mula sa New York office. Alam mo namang hindi tayo pinalaki ni Tito Rayford para lang magpa-bully sa isang maliit na bayan.”
“I know. Haharapin ko sila nang taas-noo. Magpapatuloy ang construction, at itatayo ko ang mansyong ito bilang patunay na ang mga Russo ay hindi basta-basta natitinag,” matapang na sagot ni Roxie.
“That’s my cousin. Sige na, kailangan ko nang pumasok sa board meeting. Give my regards to the Mayor. Sabihin mo sa kanya, huwag ka niyang papabayaan kundi ako ang makakaharap niya.”
Nangingiting ibinaba ni Roxie ang tawag. Pakiramdam niya ay mas lalo siyang naging matapang. Sa pagitan ng suporta ni Ledger mula sa New York at ng paninindigan ni Atlas sa Pangasinan, alam ni Roxie na wala nang makakapigil sa kanyang muling pagbangon.
.
.
.
~ITUTULOY