Chapter 23 Ralix POV Sumunod kami sa kusina, tahimik lang kaming tatlong naglalakad. Nauunang naglalakad si Susie sa amin ni Pia. Gustuhin man niyang humawak sa braso ko ‘di na ako pumayag. Maraming pagkaing nakahain sa lamesa ang iba ay ‘di ko alam ang tawag. May mga prutas ding nakahain sa mahabang lamesa. Nakaupo na silang lahat doon, kapwa may mga kausap, debate, fashion and latest news ang mga pinaguusapan. Napalingon silang lahat ng dumating kami. Ang iba ay ngumiti, ang iba naman ay parang wala lang. naramdaman ko ang presensya ni Pia sa likod ko. Umusog siya para maitago ang kanyang sarili sa likuran ko. “Maupo na kayo,” paanyaya ng ni Mr. Chen, as a gentle man, pinanghila ko sila ni Pia ng kanilang uupuan. Nakayuko man at busy na sa pagpili ng kani-kanilang ulam ramdam ko ang

