BUMUNTONG-HININGA si Ancia pagkatapos umiinom ng tsa. Kasama niya ang apo niyang si Eduardo. Ang kanilang bisita ay inihatid na ni Damian pauwi. Yvonne was so upset. Hindi maampat ang mga luha nito. Ang lahat ay hindi nakakain nang husto dahil sa naganap sa dining room. Dapat ay nasa kuwarto na siya upang mag-siesta ngunit alam niya na hindi rin siya makakatulog at mapapakali. “Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano sa naging reaksiyon ng kapatid mo, Dudes,” aniya sa kanyang apo. “You saw how angry he was. Ngayon ko lang siya nakita na nagkaganoon. Hindi yata dapat natin siya binigla.” “There was no other way, Lola,” anito na tila hindi ito nag-alala o nabagabag man lang. “Travis needed this. Magkikita at magkikita rin naman sila kahit na hindi natin siya inimbita rito. Galing na kay Yv

