NAGULAT si Yvonne nang maging bisita niya nang araw na iyon si Travis. Pareho pa silang natulala sa isa’t isa nang mapagbuksan niya ito ng pinto. Nakabawi rin agad ito at pinapormal ang mukha. Tumikhim ito. “Good morning,” pormal na bati nito sa kanya. “`M-morning,” ganti niya. Hindi niya mapaniwalaan na kaharap na uli niya ito. “T-tuloy.” Niluwangan niya ang awang ng pinto upang makatuloy ito. Bahagya siyang nahiya sa ayos niya. Hindi kasi niya alam na dadalaw ito. Nakapaghanda sana siyang maigi. Simpleng pambahay lang ang suot niya at hindi pa niya napapadaanan ng suklay ang buhok niya. Itinali niya iyon nang kung paano na lang. Katatapos din lang niyang maglinis at mag-ayos ng bahay kaya medyo pinapawisan siya. “I got your address from Damian,” anito habang iginagala ang mga mata s

