“SIGURADO kang kaya mo nang mag-isa, hija?” Niyakap ni Yvonne ang kanyang ama. “Opo. Kayang-kaya ko na po. Don’t worry about me, Papa.” “Gusto sana kitang samahan sa probinsiya pero kailangan pa ako ng kuya mo. I’ll visit you in Mahiwaga as soon as possible.” “I understand po. Huwag po kayong magmamadali. Kung may oras, ako na lang po ang dadalaw-dalaw rito sa inyo. Alam ko naman pong aliw na aliw kayo sa apo n’yo.” Banayad itong tumawa. Kakaibang sigla ang idinulot ni Luke sa kanyang ama. Tila bumata ito dahil madalas na itong tumatawa at ngumingiti dahil sa apo nito. Mula nang mamatay ang kanyang ina, nag-iba na ito. Sinikap nitong maging masigla para sa kanilang magkapatid; ngunit may mga pagkakataon na nakikita nila itong tulala. May mga pagkakataon na nababasa pa rin niya ang lung

