Nakangiting kinawayan ni Abby si Doktor Cuevas nang makalabas na siya mula sa building na pinagtatrabahuhan niya. Naghihintay na kasi si Doktor Cuevas sa kanya habang nakasandal pa ang likod nito mula sa sasakyan. Magpapasama kasi siya rito para bumili ng bagong sasakyan. Ayaw niya na kasing kunin ang sasakyan niya mula sa asawa dahil ilang beses na iyong sinakyan ng mga babae niya. Baka kapag ginamit niya pa iyon ay maalala niya lamang ang pambababoy na ginawa nang asawa. Ayaw niyang mabahiran ng maduming gawain ang pagmamay-ari niya. "Kanina ka pa?" tanong ni Abby habang papalapit na siya sa binata. "Hindi naman. Halos kararating ko lang din," nakangiting sagot naman ni Dr. Cuevas habang hinihintay na makalapit si Abby. Binuksan niya na rin ang pintuan ng sasakyan para rito. "Salam

